VERA FILES FACT CHECK: PAO forensics chief naglabas ng mali, mapanlinlang na pahayag tungkol sa resulta ng pag-aaral ng 2014 Dengvaxia
Gumawa ng mga maling pahayag ang hepe ng forensic laboratory sa Public Attorney’s Office (PAO) tungkol sa isang klinikal na pag-aaral noong 2014 sa bakunang Dengvaxia habang nananawagan ang mga lokal na awtoridad sa kalusugan para sa pagrepaso sa mga ebidensya sa mga inoculation laban sa dengue fever.