Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ng SolGen na ‘lumabag” ang ABS-CBN sa pagbabawal sa foreign ownership nangangailangan ng konteksto

Ang paninindigan ng Office of the Solicitor General (OSG) na nilabag ng ABS-CBN broadcast network ang ipinagbabawal ng konstitusyon na pagmamay-ari sa media ng mga dayuhan sa pamamagitan ng Philippine Deposit Receipts (PDRs) ay nangangailangan ng konteksto.

By VERA Files

Feb 12, 2020

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Ang paninindigan ng Office of the Solicitor General (OSG) na nilabag ng ABS-CBN broadcast network ang ipinagbabawal ng konstitusyon na pagmamay-ari sa media ng mga dayuhan sa pamamagitan ng Philippine Deposit Receipts (PDRs) ay nangangailangan ng konteksto.

PAHAYAG

Sa isang press release tungkol sa pagsasampa ng quo warranto petition laban sa kumpanya ng media sa Korte Suprema noong Peb. 10, sinabi ng OSG:

[L]ike Rappler, ABS-CBN had issued [PDRs] through ABS-CBN Holdings Corporation to foreigners, in violation of the foreign ownership restriction on mass media in the Constitution. ([T]ulad ng Rappler, naglabas ang ABS-CBN [ng PDRs] sa mga dayuhan sa pamamagitan ng ABS-CBN Holdings Corporation, na paglabag sa paghihigpit ng pagmamay-ari ng dayuhan sa mass media na nakasaad sa Konstitusyon).”

Pinagmulan: Philippine Information Agency, OSG files petition for quo warranto vs ABS-CBN; asks SC to forfeit legislative franchise, Peb. 10, 2020

Binanggit nito ang Section 11, Article XVI ng Konstitusyon, na naglilimita sa pagmamay-ari at pamamahala ng mass media sa mga mamamayan ng Pilipinas, o sa mga korporasyon, kooperatiba, o asosasyon na pag-aari ng mga ito.

Ang pahayag ay sinipi ni Solicitor General Jose Calida:

This simply means that mass media companies operating in the Philippines must be 100 percent Filipino owned because they play an integral role in a nation’s economic, political, and socio-cultural landscape (Nangangahulugan lamang ito na ang mga kumpanya ng mass media sa Pilipinas ay dapat na 100 porsiyento na pag-aari ng mga Pilipino dahil sila ay may mahalagang papel sa ekonomiya, politika, at socio-cultural landscape ng bansa).”

ANG KATOTOHANAN

Ang paglabas ng PDR sa mga dayuhan ay hindi nangangahulugan ng pagmamay-ari ng dayuhan.

Sa isang pakikipanayam ng VERA Files noong 2017, inilarawan ng abogadong si Romel Bagares ang mga PDR bilang “mga instrumento ng pamumuhunan” na nilikha ng mga negosyo at abogado upang salikin ang mga dayuhang mamumuhunan nang hindi lumalabag sa Konstitusyon. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Tatlong bagay tungkol sa Rappler na mali si Duterte)

Ang mga ito ay “hindi [piraso ng] katibayan o pahayag o mga sertipiko ng pagmamay-ari ng isang korporasyon,” ayon sa Philippine Stock Exchange (PSE). (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Pagpapawalang bisa ng SEC sa rehistro ng Rappler ipinaliwanag)

Sa pamumuhunan, ang mga may hawak ng PDR ay nakikibahagi sa kita ng kumpanya ngunit sila ay “walang kontrol” sa pang-araw-araw na operasyon, walang representasyon sa board, at hindi maaaring magpasya sa patakaran, sinabi ni Bagares.

Sa desisyon noong 2018 na nagpapawalang bisa sa certificate of incorporation ng Rappler, binigyang diin ng Securities and Exchange Commission (SEC) na “ang bawat security, kabilang ang derivatives, ay dapat suriin on its unique terms.”

Ang mga security ay “shares, participation, o interests sa isang korporasyon o sa isang komersyal na negosyo,” ayon sa PSE.

Sa kadahilanang ito, tinukoy ng SEC ang PDR na inisyu ng Rappler sa Omidyar Network (ON), isang philanthropic investment firm na itinatag ng eBay founder na si Pierre Omidyar, at hindi ang mga PDR na inisyu sa North Based Media, isa pang dayuhang grupo. Sinabi ng SEC na ang ON PDRs ay naglalaman ng isang “hindi nagtutugmang probisyon” na nag-uutos sa kumpanya na “hilingin ang pag-apruba” ng mga may hawak ng PDR sa mga usapin sa korporasyon, sa gayon nilabag ang paghihigpit sa foreign equity.

“Ang anumang mas mababa sa Isang Daang Porsyento (100%) na kontrol ng Pilipino ay isang paglabag. Sa kabaligtaran, ang anumang bagay na higit sa eksaktong Zero Percent (0%) na kontrol ng dayuhan ay isang paglabag,” sinabi nito.

Sa isang pahayag noong Enero 2018, sinabi ng Rappler na ang komisyon ay “nakatuon” lamang sa isang sugnay sa mga kontrata nito na “isinumite — at tinanggap ng — ang SEC noong 2015.” Sinabi nito na “sumunod ito sa lahat ng mga regulasyon ng SEC at isinumite ang lahat ng mga kinakailangan” muna nang maitinala bilang isang korporasyon noong 2012.

Hinamon ng kumpanya ang desisyon ng SEC sa Court of Appeals (CA) noong Enero 29, 2018. Pagkalipas ng isang buwan, ibinigay na lang ng ON ang mga PDR nito sa mga manager ng Rappler. Noong Hulyo 26 sa parehong taon, pinanigan ng CA ang desisyon ng SEC, na nagsasabing ang ON PDR ay isang uri ng “kontrol ng dayuhan,” at inatasan din nito ang SEC na suriin ang kasunod na donasyon ng ON.

Nagsampa muli ang Rappler ng isang partial motion for reconsideration sa CA noong Agosto 2018, na humiling sa korte na “ipawalang-bisa” ang utos ng SEC. Ibinasura ng CA ang motion noong Marso 2019.

Sa pagsampa ng OSG ng quo warranto petition, ang ABS-CBN, sa isang pahayag, ay nagsabi:

ABS-CBN Holdings’ [PDRs] were evaluated and approved by the [SEC] and the [PSE] prior to its public offering (Ang mga [PDR] ng ABS-CBN Holdings ay nasuri at naaprubahan ng [SEC] at ng [PSE] bago ito inalok sa publiko).”

Pinagmulan: ABS-CBN News, BASAHIN: Statement of ABS-CBN on OSG’s Quo Warranto petition: We did not violate the law, Peb. 10, 2020

Ang mga PDR ng ABS-CBN ay nakalista sa PSE, dahil ito ay isang publicly listed company, na “napapailalim sa mas maraming masusing pagsisiyasat,” sinabi ni Bagares sa VERA Files sa isang text message noong Pebrero 11. Idinagdag niya na ang mga PDR ng ABS-CBN ay “hindi nagbibigay ng mga karapatan na bumoto kundi tanging cash o stock dividends lamang.”

Ang iba pang mga kumpanya ng broadcast, tulad ng GMA Network, Inc., ay gumagamit ng mga PDR upang makalikom ng kapital para sa pagpapabuti ng kanilang mga serbisyo.

Ang ABS-CBN ay pag-aari ng ABS-CBN Corporation, ang pinakamalaking media conglomerate sa bansa, na bahagi ng Lopez, Incorporated, isang investment company na pag-aari ng pamilya Lopez, ayon sa isang pag-aaral noong 2016 ng Reporters Without Borders at VERA Files.

 

Mga Pinagmulan

Philippine Information Agency, OSG files petition for quo warranto vs ABS-CBN; asks SC to forfeit legislative franchise, Feb. 10, 2020

Official Gazette, 1987 Constitution

Romel Bagares, Interview, August 2017

Philippine Stock Exchange, Glossary, Philippine Deposit Receipts (PDR), Accessed Feb. 11, 2020

Securities and Exchange Commission, Decision on Rappler, p. 12, Jan. 11, 2018

Rappler, Stand with Rappler, defend press freedom, Jan. 15, 2018

Rappler, TIMELINE: The case of Rappler’s SEC registration, updated March 11, 2019

Omidyar Network, Omidyar Network Donates Philippine Depositary Receipts to Rappler Staff, Feb. 28, 2018

Securities and Exchange Commission, SEC LAUDS COURT OF APPEALS AFFIRMATION OF DECISION ON RAPPLER INC. AND RAPPLER HOLDINGS CORPORATION, Aug. 3, 2018

ABS-CBN News, READ: Statement of ABS-CBN on OSG’s Quo Warranto petition: We did not violate the law, Feb. 10, 2020

Reporters Without Borders and VERA Files, Media Ownership Monitor Philippines:

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.