VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ng dyaryo sa Mindanao na pinapaboran ni Marcos Jr. ang pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN nangangailangan ng konteksto
Sinabi sa Facebook (FB) page ng Mindanao Daily News, isang pahayagan na nakabase sa Cagayan de Oro City, na nag “thumbs up” si presumptive president Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. sa franchise renewal ng media network na ABS-CBN. Ang pahayag na ito ay nangangailangan ng konteksto. Sinabi ni Marcos na hindi niya nakikita kung bakit hindi na dapat ibalik sa ABS-CBN ang prangkisa nito kapag naresolba na nito ang mga nilabag umano nito.