Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: VP bet Sara Duterte hindi makikialam sa pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN nangangailangan ng konteksto

Umiwas kamakailan si vice presidential candidate Sara Duterte-Carpio na magbahagi ng kanyang opinyon sa usapin ng pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN. Ngunit dalawang taon na ang nakalilipas, bilang mayor ng Davao City, nagpahayag siya ng suporta para sa pinakamalaking broadcasting network sa bansa.

By VERA Files

Mar 4, 2022

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Umiwas kamakailan si vice presidential candidate Sara Duterte-Carpio na magbahagi ng kanyang opinyon sa usapin ng pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN. Ngunit dalawang taon na ang nakalilipas, bilang mayor ng Davao City, nagpahayag siya ng suporta para sa pinakamalaking broadcasting network sa bansa.

Tignan ang buong konteksto sa video na ito:

Ginawa ni Duterte-Carpio ang komento matapos tanggapin ng kanyang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte ang paghingi ng paumanhin ni ABS-CBN President at Chief Executive Officer Carlo Katigbak sa hindi paglabas ng kanyang political advertisements noong 2016 elections.

Nakasaad sa mga balita na sumasang-ayon si Duterte-Carpio sa kanyang ama na ipaubaya sa Kongreso at sa Korte Suprema ang desisyon tungkol sa prangkisa ng ABS-CBN.

BACKSTORY

Paulit-ulit na nagbanta si Pangulong Duterte na haharangin ang prangkisa ng network, na inakusahan ang ABS-CBN ng panloloko at pagiging “boses” ng oposisyon.

(Basahin ang VERA FILES FACT CHECK: Mga nakaraang pahayag ni Duterte pinasisinungalingan ang sinabi ni Roque na ‘neutral’ ang presidente sa isyu ng ABS-CBN at VERA FILES FACT CHECK: Mga pahayag ni Duterte salungat sa sinabi ni Panelo na ‘ayaw’ ng pangulo na isara ng ABS-CBN)

Iginiit din niya na hindi nagbabayad ng buwis ang ABS-CBN, bagama’t mismong Bureau of the Internal Revenue ang nagsabi na nagbabayad ng buwis ang network sa isang pagdinig noong Pebrero 2020.

(Basahin ang VERA FILES FACT CHECK: Duterte mali sa pahayag na ‘lumabag’ sa pagbabayad ng buwis ang ABS-CBN‘)

Noong Hulyo 10, 2020, isang walang pag-aalinlangang 70-11 na boto sa House of Representatives ang pumatay sa isa pang 25-taong prangkisa ng media giant para magpatuloy ng operasyon. Nagresulta ito sa pagkawala ng trabaho ng mahigit 11,000 manggagawa sa gitna ng kasalukuyang krisis sa kalusugan.

(Basahin ang VERA FILES FACT SHEET: Ano ang susunod para sa ABS-CBN matapos mawala ang prangkisa? at VERA FILES FACT SHEET: Ang palaisipan sa prangkisa ng ABS-CBN)

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Twitter account of People’s Television Network, WATCH: Vice presidential candidate Davao City Mayor Sara Duterte on granting media network ABS-CBN a franchise, March 1, 2022

ABS-CBN News, Sara Duterte suportado ang franchise renewal ng ABS-CBN, Feb. 27, 2020

SunStar, NUJP, ABS-CBN to hold candle lighting vigil, Feb. 27, 2020

OneNewsPH Facebook Page, Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio reiterates her support for ABS-CBN amid its franchise renewal issue, March 2, 2020

Manila Bulletin, President Duterte accepts the apology of ABS-CBN President Carlo Katigbak, Feb. 26, 2020

GMA Network, ABS-CBN president Katigbak apologizes to Duterte, Feb. 24, 2020

Inquirer.net, ABS-CBN’s Katigbak: We’re sorry if we offended the President, Feb. 24, 2020

Philstar.com, ABS-CBN president apologizes to Duterte, Feb. 25, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.