Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Mga nakaraang pahayag ni Duterte pinasisinungalingan ang sinabi ni Roque na ‘neutral’ ang presidente sa isyu ng ABS-CBN

Inulit ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang maling payahag ng kanyang hinalinhan na si Salvador Panelo na si Pangulong Rodrigo Duterte ay nanatiling "neutral" sa pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN.

By VERA Files

Jul 10, 2020

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Inulit ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang maling payahag ng kanyang hinalinhan na si Salvador Panelo na si Pangulong Rodrigo Duterte ay nanatiling “neutral” sa pag-renew ng prangkisa ng ABS-CBN.

PAHAYAG

Ilang minuto pagkatapos bumoto ng 70-11 ang House committee on legislative franchises para ibasura ang aplikasyon ng ABS-CBN para sa isang bagong 25-taong prangkisa, naglabas si Roque ng pahayag sa opisyal Facebook page ng kanyang tanggapan, na nagsasabing:

The Palace has maintained a neutral stance on the issue as it respects the separation of powers between the two co-equal branches (of) government (Nananatiling neutral ang Palasyo sa isyu dahil nirerespeto nito ang pagkakahiwalay ng kapangyarihan sa pagitan ng dalawang magkapantay na sangay ng gobyerno).”

Pinagmulan: Office of the Presidential Spokesperson, On the House Resolution on ABS-CBN Corporation, Hulyo 10, 2020

Nang kapanayamin sa DZBB radio pagkaraan ng ilang minuto, sinabihan si Roque na maaaring naimpluwensyahan ng Malacanang ang boto ng mga kongresista, kung saan sinabi niya:

Ina-assure (Tinitiyak) ko po kayo na ang Presidente ay mula noong humingi ng patawad ang ABS-CBN ay naging neutral: Wala po siyang tinawagan, wala po siyang sinabihan to vote either way (bumoto kung saan man). Ang sabi niya sa akin, sabihin mo sa mga kaalyado natin neutral tayo, hindi ko sila papaboran, hindi ko sila pagagalitan either way kung paano sila bumoto.”

Pinagmulan: GMA News Youtube, Dobol B Sa News TV Livestream, Hulyo 10, 2020, panoorin mula 2:28:15 hanggang 2:28:33

ANG KATOTOHANAN

Panay ang jab ni Duterte sa ABS-CBN mula pa noong 2017 nang magbanta siyang harangin ang prangkisa ng kumpanya matapos na akusahan ito ng “panunuba.” (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Mga pahayag ni Duterte salungat sa sinabi ni Panelo na ‘ayaw’ ng pangulo na isara ng ABS-CBN)

Sa isang biglaang panayam noong Abril 2017, sinabi niya:

You are engaged in swindling (Ikaw ay nanunumba). For all you know (Malay natin), ilang kumpanya dito na nagbayad na hindi ninyo pinalabas.”

Pinagmulan: Rappler, Duterte to block renewal of ABS-CBN franchise, Abril 27, 2017, panoorin mula 0:52 hanggang 1:10

Habang sinasabi sa isang talumpati noong Agosto 2018 na “hindi siya kailanman makikialam” sa renewal ng prangkisa, sinabi rin ng pangulo: “Kung ako ang masusunod, hindi ko ibibigay ulit sa inyo ito (prangkisa).” Sa isa pang talumpati noong Disyembre nang sumunod na taon, inakusahan ni Duterte ang network ng pagiging isang “tagapagsalita” ng oposisyon at sinabing “titiyakin niya” na ito ay “ma-itsapwera.”

Bago matapos ang 2019, hinikayat ng pangulo ang mga may-ari ng ABS-CBN na “ibenta” na lamang ang network:

“Itong ABS, mag-expire (matatapos na) ang contract (kontrata) ninyo, mag-renew kayo, ewan ko lang kung anong mangyari sa inyo. Ako pa sa ’yo, ipagbili niyo na ‘yan. Kasi ang Pilipino ngayon lang makaganti sa inyong kalokohan. And I will make sure that you will remember this episode of our times forever (At sisiguraduhin kong maaalala mo ang kabanatang ito ng ating panahon magpakailanman).”

Pinagmulan: RTVMalacanang, Visit to the Earthquake Victims in M’lang, Cotabato (Speech), Dis. 30, 2019, panoorin mula 41:31 hanggang 42:05

Pagkalipas ng dalawang buwan, sa pagdinig ng Senado tungkol sa pag-renew ng prangkisa, humingi ng tawad kay Duterte ang pangulo ng ABS-CBN na si Carlo Katigbak sa ngalan ng network dahil sa nasaktan ito nang inere nito ang kontrobersyal na patalastas pampulitika ni Senador Antonio Trillanes IV, isang matinding kritiko ng administrasyon.

Ipinakita ad — na sinabi ni Sen. Christopher Lawrence “Bong” Go na “ipinahiya” at “nakasakit” ng damdamin ng pangulo — ang noo’y kandidato ng pampanguluhan na si Duterte na nagmumura at gumagawa ng hindi nararapat na mga muwestra at puna, na tinanong ng mga bata kung nagbibigay ba siya ng mabuting halimbawa.

Kasunod nito, tinanggap ni Duterte ang paghingi ng tawad ni Katigbak at sinabi niyang iniiwan niya ang desisyon sa pag-renew ng prangkisa sa Kongreso.

Noong Hulyo 10, pagkatapos ng 12 pagdinig na tumagal ng maraming oras sa mga isyu na ikinakabit sa panibagong 25-taong prangkisa ng ABS-CBN, tinanggihan ng House panel na may 70 boto pabor sa resolusyon na tanggihan ito at 11 boto na laban, 2 inhibitions at 1 abstention.

Ang network na may hindi bababa sa 11,000 empleyado ay binigyan ng cease and desist order noong Mayo 5 ng National Telecommunications Commission (NTC), isang araw pagkatapos mapaso ang prangkisa nito. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: NTC biglang umurong sa prangkisa ng ABS-CBN)

Ang NTC, ang ahensya ng gobyerno na namamahala sa pag-regulate at pangangasiwa ng mga kumpanya ng telecommunication sa Pilipinas, ay naglabas din ng dalawang magkahiwalay na order noong Hunyo 30 na nagpapahinto sa mga palabas ng ABS-CBN isinasahimpapawid sa mga subsidiary nito na ABS-CBN TV Plus at Sky Cable Direct subscribers.

 

Mga Pinagmulan

House of Representatives Official Youtube, Comm on Legislative Franchises Joint with Comm on Good Government and Public Accountability Day 14, July 10, 2020

Office of the Presidential Spokesperson, On the House resolution on ABS-CBN Corporation, July 10, 2020

GMA News Youtube, Dobol B Sa News TV Livestream, July 10, 2020,

Rappler, Duterte to block renewal of ABS-CBN franchise, April 27, 2017

Presidential Communications Operations Office, Speech of President Rodrigo Roa Duterte During the Inauguration of Northern Mindanao Wellness and Reintegration Center, Aug. 3, 2018

RTVMalacanang Youtube, Oath-taking of the Newly Appointed Officials (Speech), Dec. 3, 2019

RTVMalacanang Youtube, Visit to the Earthquake Victims in M’lang, Cotabato (Speech), Dec. 30, 2019

Inquirer.net Youtube, ABS-CBN’s Katigbak: We’re sorry if we offended the President, Feb. 24, 2020

Senate of the Philippines, Press Release: Bong Go confronts ABS-CBN for airing ‘black propaganda’ against PRRD; network issues apology, Feb. 24, 2020

Manila Bulletin Online Youtube, President Duterte accepts the apology of ABS-CBN President Carlo Katigbak, Feb. 26, 2020

House of Representatives Official Youtube, Comm on Legislative Franchises Joint with Comm on Good Government and Public Accountability Day 14, July 10, 2020

Philippine Board of Investments, RA 7925 – Public Telecommunications Policy Act of the Philippines, Feb. 20, 2018

ABS-CBN News, NTC orders ABS-CBN to stop TVPlus in Metro Manila, SKY Direct, June 30, 2020

Rappler, NTC shuts down ABS-CBN’s Sky Direct, TV Plus channels, June 30, 2020

Philstar, NTC stops ABS-CBN’s TVPlus shows, Sky Direct, July 1, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flop, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.