Sinabi sa Facebook (FB) page ng Mindanao Daily News, isang pahayagan na nakabase sa Cagayan de Oro City, na nag “thumbs up” si presumptive president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa franchise renewal ng media network na ABS-CBN.
Ang pahayag na ito ay nangangailangan ng konteksto. Sinabi ni Marcos na hindi niya nakikita kung bakit hindi na dapat ibalik sa ABS-CBN ang prangkisa nito kapag naresolba na nito ang mga nilabag umano nito.
PAHAYAG
Sinabi ng FB page Mindanao Daily News, ang online na bersyon ng pahayagang pangkomunidad, sa post nito:
“JUST IN! President Bongbong Marcos thumbs up for franchise renewal of ABS-CBN! Must fix issues.”
(BAGONG BALITA! President Bongbong Marcos nag thumbs up sa franchise renewal ng ABS-CBN! Dapat ayusin ang mga isyu.)
Pinagmulan: Mindanao Daily News official Facebook page, J JUST IN! President Bongbong Marcos thumbs up for franchise renewal (archived), Mayo 10, 2022
Gumawa ng katulad na post ang FB page na Unofficial: Vice Ganda pagkalipas ng ilang oras.
Parehong ang Mindanao Daily News at ang Unofficial: Vice Ganda na mga FB page ay nagdala ng mga quote mula sa isang artikulo ng ABS-CBN News, na nagsabi sa isang bahagi:
“‘ABS-CBN has been a very fervid critic of me, my family, all lahat sa mga panig ng mga Marcos,’ he said.
(‘Ang ABS-CBN ay nakapainit na kritiko ko, ng aking pamilya, lahat sa panig ng mga Marcos,’ sabi niya.)
‘So pero hindi yan ang pinag-uusapan.. Ang pinag-uusapan ay yun ngang mga violation (nilabag) na nakita. Kapag naayos yan, bakit naman hindi maibalik ang prangkisa?’”
Pinagmulan: ABS-CBN News, Bongbong says ABS-CBN franchise still up to Congress, must ‘fix issues’, Enero. 26, 2022
Ang parehong FB post ay umani sa kabuuan ng mahigit 71,000 reaksyon, 13,800 komento, at 42,900 shares hanggang Mayo 18. Ang mga ito ay lumabas noong Mayo 10 ilang oras matapos ang hindi opisyal na bilang ng boto ay nagpakita na si Marcos ay nakakuha ng 30,969,399 boto kumpara kay Vice President at presidential candidate Leni Robredo na may 14,81060 boto bandang 2:47 p.m ng Mayo 9, nang 97.77% ng election returns ang natala.
ANG KATOTOHANAN
Hindi sinabi ni Marcos na pabor siya sa pagbibigay ng prangkisa sa ABS-CBN. Ngunit sinabi niya na dapat munang lutasin ng media network ang mga isyung ibinato laban dito bago muling mag-apply ng prangkisa sa committee on legislative franchise ng House of Representatives.
“Kapag naayos nila yan at na-areglo nila, ang mga nakita nung doon sa pagdinig ng ABS, eh kung maayos nila yan, eh di ibalik natin yung application nila sa Committee on Franchises dun sa House of Representatives. Pag-aralan ulit nila.”
Sinabi ng National Telecommunications Commission (NTC) na ipinagkaloob nito ang mga frequency na dating itinalaga sa ABS-CBN Corp. sa Advanced Media Broadcasting System, Inc, isang kumpanyang pag-aari ng dating senador at negosyanteng si Manny Villar, ayon sa ilang mga balita.
Sa artikulo ng ABS-CBN news na binanggit ng Mindanao Daily News at Unofficial: Vice Ganda, sinabi ni Marcos na ang media network ay, sa iba’t ibang pagkakataon, ay lumabag sa mga tax code.
“Yung franchise ng ABS, nakita ko… ang naging proseso dun sa House of Representatives, ang naging problema kung bakit hindi tinuloy ang extension ng prangkisa ay dahil may mga nakitang problema — violation sa tax codes sa iba pang bagay,” sabi ni Marcos.
Ang mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue at Philippine Economic Zone Authority ay tumestigo sa mga pagdinig sa kongreso na tama ang pagbabayad ng ABS-CBN sa kanilang buwis. (Basahin: VERA FILES FACT CHECK: Marcoleta mali sa pagsabing ‘itinago’ ng ABS-CBN ang mga babayarang buwis sa pamamagitan ng subsidiary company na Big Dipper)
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
ABS-CBN News, Bongbong says ABS-CBN franchise still up to Congress, must ‘fix issues’, Jan. 26, 2022
ABS-CBN Halalan 2022 website, National Elections (archived), May 10, 2022
BusinessWorld, NTC says it granted ABS-CBN frequencies to Villar-linked media company, Jan. 26, 2022
ABS-CBN News, Villar company bags 2 broadcast channels previously held by ABS-CBN, Jan. 25, 2022
Philippine Daily Inquirer, Billionaire Manny Villar to become next media tycoon after taking over ABS-CBN frequencies, Jan. 25, 2022
VERA Files, VERA FILES FACT CHECK: Marcoleta wrongly claims ABS-CBN ‘hid’ tax payments through subsidiary company Big Dipper, Feb. 10, 2022
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)