Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte mali sa pahayag na ‘lumabag’ sa pagbabayad ng buwis ang ABS-CBN

Sa kanyang pang-anim at huling State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 26, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang higante ng media na ABS-CBN ay hindi nagbabayad ng tamang buwis, idinagdag pa na ang network ay nagbabayad lamang ng isang maliit na porsyento ng dapat na property tax. Ito ay hindi totoo.

By VERA Files

Aug 3, 2021

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa kanyang pang-anim at huling State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 26, sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang higante ng media na ABS-CBN ay hindi nagbabayad ng tamang buwis, idinagdag pa na ang network ay nagbabayad lamang ng isang maliit na porsyento ng dapat na property tax.

Ito ay hindi totoo.

PAHAYAG

Isang oras at 40 minuto sa kanyang halos tatlong oras na mahabang SONA, lumihis si Duterte mula sa kanyang nakahandang talumpati at binaling ang pansin sa media network at sinabing:

[ABS-CBN is] cheating [the] government by the billions [of pesos] in taxes. And they still want that frequency because ‘yan ang pinapag-awayan. No … They still owe [the] government billions.

([Ang ABS-CBN] niloloko [ang] gobyerno ng bilyun-bilyong [piso] na buwis. At gusto pa rin nila ang frequency na iyon dahil ‘yan ang pinapag-awayan. Hindi … May utang pa rin sila na bilyun-bilyon sa gobyerno.)

Idinagdag niya:

In the contract diyan sa nakalagay doon four hectares. So ang binabayaran nila [is only for] four hectares sa property taxes. Supposed (sic) they are occupying 40 hectares, that complex there. Pero ginamit nila na papel ‘yung four hectares. Iyon lang ang binabayaran nila.”

(Sa kontrata diyan sa nakalagay doon apat na hectares. Kaya ang binabayaran nila [ay para lamang sa] apat na hectares na property tax. Kumbaga sila ay sumasakop ng 40 hectares, iyong complex doon. Pero ginamit nila na papel ‘yung apat na hectares. Iyon lang ang binabayaran nila.)

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, State of the Nation Address of Rodrigo Roa Duterte, President of the Philippines to the Congress of the Philippines (Archived Transcript), Hulyo 26, 2021, panoorin mula 2:25:21 hanggang 2:26:28

ANG KATOTOHANAN

Ang mga opisyal ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na tumestigo sa pagdinig sa kongreso tungkol sa panukalang franchise bill ng ABS-CBN noong unang bahagi ng 2020 ay nagsabing walang utang na buwis ang media network, taliwas sa pahayag ni Duterte.

Noong Peb. 24, 2020, sinabi ni Simplicio Cabantac Jr., na pinuno noon ng BIR Large Taxpayers Audit Division 3, sa Senate committee on public services na ang ABS-CBN ay “regular na nagpa-file at nagbabayad ng [mga] buwis nito sa nakaraang ilang mga taon.”

Sa parehong pagdinig, sinabi ni Commissioner Ephyro Luis Amatong ng Securities and Exchange Commission (SEC) na siya ay “walang nalalaman na anumang paglabag o nakasalang na reklamo” laban sa ABS-CBN sa regulatory agency.

Matapos isara ang network noong Mayo 5, 2020 kasunod ng pagpapalabas ng cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC), nagsagawa ang House committee on legislative franchises ng 12 pagdinig sa kongreso sa mga nakabinbing ABS-CBN franchise bill. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: NTC biglang umurong sa prangkisa ng ABS-CBN)

Sa isang pagdinig noong Hulyo 1, 2020, inulit ni BIR Assistant Commissioner Manuel Mapoy ang naunang pahayag ni Cabantac sa Senado apat na buwan ang nakaraan na binayaran ng ABS-CBN ang mga buwis nito nang “regular” at “sa paraang ayon sa batas.”

Sinabi ni Mapoy na habang may nakita ang BIR sa mga tax na inihain ng ABS-CBN, ang network ay sumunod sa letters of authority na ipinadala sa kanila sa pamamagitan ng pagbabayad ng mga kakulangang buwis.

Sa kaparehong pagdinig, sinabi ni Mapoy sa English: “Para sa taong 2016, batas sa aming mga rekord, and ABS-CBN Corporation ay No. 65 [sa corporate taxpayers]. Para sa 2017, No. 275, at para sa taxable year 2018, No. 339.”

(Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Ano ang susunod para sa ABS-CBN matapos mawala ang prangkisa?)

Sa kanyang SONA, sinabi ni Duterte na may utang ang ABS-CBN sa gobyerno na bilyun-bilyong pisong real estate tax dahil nagbabayad lamang ito para sa apat na hectares ng lupa kahit sinasakop nito ang isang 40-hectare na property. (Tingnan ang #SONA2021 VERA Files’ live fact check)

Ayon sa annual report na isinumite ng ABS-CBN sa SEC para sa 2016, na naka upload sa website ng Philippine Stock Exchange, ang compound ng ABS-CBN Broadcasting Center sa Mother Ignacia St., Quezon City ay “44,000 square meters” lamang o 4.4 hectares. Ito rin ang nakalagay sa 2020 annual report na naka upload sa website ng Lopez Holdings Corp., at sa isang fact check report na inilathala ng network.

(Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: FB post’s claim that ABS-CBN owes gov’t billions NEEDS CONTEXT)

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

RTVMalacanang, President Rodrigo Roa Duterte’s 6th State of the Nation Address, July 26, 2021

ABS-CBN News, WATCH: Senate hearing on ABS-CBN compliance with franchise terms and conditions, Feb. 24, 2020

ABS-CBN News, ABS-CBN to go off air in compliance with NTC order, May 5, 2020

CNN Philippines, ABS-CBN goes off air following NTC order, May 5, 2020

Rappler, ABS-CBN goes off-air after NTC order, May 5, 2020

Rappler, BREAKING: The NTC issues a cease and desist order vs ABS-CBN, May 5, 2020

House of Representative, Comm on Legislative Franchises Joint with Comm on Good Government and Public Accountability Day 10, July 1, 2020

Philippine Stock Exchange, Annual Report, April 3, 2017

ABS-CBN Corporation, Annual Report, June 2021

NTC Cease and Desist Order vs ABS-CBN, May 5, 2020.

Manila Bulletin, ABS-CBN a good taxpayer – BIR, July 21, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.