Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang panghuling State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo 26 na ang kanyang order noong 2016 kaugnay ng freedom of information ay nagbukas sa publiko ng iba’t ibang mga uri ng mga rekord at ipinag-utos ng gobyerno.
Kailangan nito ng konteksto.
PAHAYAG
Sa unang isang oras ng halos tatlong oras na ulat ni Duterte sa pinagsamang sesyon ng Kongreso, sinabi niya:
“To further promote transparency and accountability in government, we also issued the order on Freedom of Information [that] opens up the records, transactions, decisions and issuances of all government agencies.”
(Upang higit na maisulong ang transparency at pananagutan sa gobyerno, naglabas din kami ng utos tungkol sa Freedom of Information [na] nagbubukas ng mga talaan, transaksyon, desisyon at issuances ng lahat ng mga ahensya ng gobyerno.)
Pinagmulan: PTV Philippines, WATCH: Pamana ng Pagbabago: President Rodrigo Roa Duterte’s Final SONA, panoorin mula 3:36:33 hanggang 3:36:51, Hulyo 26, 2021
ANG KATOTOHANAN
Sa kabila ng pagpapalabas ni Duterte ng Executive Order No. 2 noong Hulyo 23, 2016, maraming mga dokumento at impormasyon na may kaugnayan sa mga kontrobersyal na paksa ang nananatiling hindi maa-access sa publiko. Kasama rito ang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) ni Duterte, ang estado ng kanyang kalusugan, at mga rekord tungkol sa kanyang giyera laban sa iligal na droga.
Noong Setyembre 2020, naglabas ang Office of the Ombudsman ng mga bagong alituntunin sa pag-access ng publiko sa SALNs, isang sinumpaang dokumento na nagdedetalye, bukod sa iba pang mga bagay, ng personal na pananalapi at mga pag-aari ng nag file.
Nililimitahan ng mga alituntunin ang access sa mga SALN sa mga filer lamang o mga taong “pinahintulutan nila,” mga field investigator ng Ombudsman, at mga taong may order ng korte kaugnay ng isang nakabinbing kaso. Nakasaad din sa parehong mga patakaran na ang mga kahilingan para sa SALN ng isang tao ay dapat na isumite sa kinauukulang tanggapan ng SALN filer, tulad ng Office of the President (OP) para sa mga rekord ng pangulo. (Tingnan: VERA FILES FACT SHEET: Ano ang nagbago sa paghingi ng SALN mula sa Ombudsman?)
Ang mga kahilingan para sa mga SALN ni Duterte ay paulit-ulit na tinanggihan, o na-redirect sa OP, tulad ng nangyari sa kahilingan ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ) para sa pag-access sa mga SALN ni Duterte mula 2018 hanggang sa kasalukuyan.
Regular na naglalathala ang PCIJ ng mga “wealth check” na istorya tungkol sa mga pangulo ng bansa, at maging sa mga pampanguluhang kandidato noong 2016 na sina Mar Roxas, Jejomar Binay, Miriam Defensor-Santiago, Grace Poe, at Duterte. Iniulat ng PCIJ noong nakaraang buwan na ang Records Office ng Malacañang ay walang kopya ng mga SALN ni Duterte mula sa mga taong hiniling.
Pareho ang naging karanasan ng VERA Files Fact Check noong 2019 nang sinabi ng Ombudsman sa media, kabilang ang VERA Files, na idirekta ang mga kahilingan sa OP. (VERA FILES FACT SHEET: Three things you must know about requesting SALNs from the Ombudsman)
Samantala, ang mga kopya ng SALN ng mga miyembro ng Gabinete ni Duterte na inilabas sa publiko ay redacted nang husto, ayon sa isang ulat ng PCIJ noong Setyembre 2017.
Ipinaguutos ng 1987 Constitution sa lahat ng mga pampublikong opisyal at empleyado na magsumite ng sinumpaang SALN bawat taon. Ang mga dating pangulo na sina Corazon Aquino, Fidel Ramos, Joseph Estrada, Gloria Macapagal-Arroyo, at Benigno Aquino III ay nagbigay sa publiko ng access sa kanilang mga SALN sa mga taong sila ay nasa posisyon bilang punong ehekutibo ng bansa, ayon sa ulat ng PCIJ.
Sa rekord ng kalusugan ni Duterte
Ang mga health record ng pangulo ay hindi rin ipinaaalam sa publiko sa kabila ng panawagan para sa pagpapalabas nito. Lumakas ang mga panawagan na ibunyag ang kondisyon ng kanyang kalusugan noong Agosto 2020, lalo na matapos sabihin ni Duterte sa isang talumpati sa telebisyon na ang kanyang Barrett’s esophagus condition ay “malapit na” sa stage one cancer. (Tingnan ang Duterte’s illnesses ‘all together’ considered ‘serious,’ says medical doctor)
Hinihikayat ng Section 12, Article VII ng 1987 Constitution ang executive department na ipaalam sa publiko ang kalagayan ng kalusugan ng pangulo sakaling magkaroon ng malubhang karamdaman.
Noong Setyembre 2020, tinanggihan ng Korte Suprema ang petisyon ng abugadong si Dino De Leon para sa mandamus para sa OP na isiwalat sa publiko ang mga medical record ni Duterte mula nang umupo sa Malacanang noong Hulyo 2016. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Ang isyu sa kalusugan ng pangulo)
Ang writ of mandamus ay isang petisyon sa mataas na hukuman upang pilitin ang isang tanggapan ng gobyerno, sa kasong ito ang OP, upang gampanan ang tungkulin nito. Hiningi ng petisyon ni De Leon na pilitin ang OP na ibunyag ang mga health record ni Duterte at himukin ang pangulo na sumailalim sa “kumpirmadong” medikal at sikolohikal na pagsusuri.
(Tingnan ang Palace denies VERA Files’ FOI request on Duterte’s health; official statement, medical records ‘not on file’)
Sa rekord ng giyera laban sa droga
Noong nakaraang Mayo, ipinahayag ni Duterte, gamit ang national security concerns, na hindi lahat ng mga rekord na nauugnay sa kanyang giyera laban sa droga ay maaaring isapubliko.
Ang Philippine National Police (PNP) ay nagsumite sa Department of Justic ng 61 mga kaso ng giyera laban sa droga kung saan natagpuan ng PNP Internal Affairs Service ang “administrative o kriminal na pananagutan” ng mga alagad ng batas. Ang opisyal na rekord ng pamahalaan ay nakapagtala ng 6,147 pagkamatay na naiugnay sa operasyon ng giyera kontra droga mula Hulyo 1, 2016 hanggang Mayo 31, 2021.
Noong Abril 2, 2019, tinanggihan ng Korte Suprema ang apela ng Office of the Solicitor General (OSG) na kumpirmahin ang pagtanggi nito na magbigay ng ganap na access sa mga rekord ng giyera laban sa droga dahil sa mga kadahilanang national security.
Nagpasiya ang pinakamataas na hukuman na ang mga rekord na kinakailangan mula sa OSG “ay hindi malinaw na nagsasangkot ng mga lihim ng estado na nakakaapekto sa pambansang seguridad.”
Nagpasiya ang mga mahistrado noong 2018 na ang OSG at lahat ng mga kinauukulang tanggapan ay dapat magsumite ng mga sumusunod na dokumento:
Sa desisyon noong 2019, inulit ng korte ang paninindigan nito noong 2018 na “katawa-tawa lamang na sabihin na ang mga impormasyong ito at dokumento sa operasyon ng pulisya laban sa mga drug pusher at gumagamit ng droga ay may kinalaman sa national security concerns.”
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
PTV Philippines, WATCH: Pamana ng Pagbabago: President Rodrigo Roa Duterte’s Final SONA, July 26, 2021
Official Gazette of the Philippines, Executive Order No. 2, July 23, 2016
Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), PCIJ request for Duterte SALN runs into dead end – again, July 26, 2021
Philstar.com, Duterte: Not all ‘drug war’ records can be released due to national security issues, June 1, 2021
Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), SALNs to impeach CJ, other execs but Palace redacts Cabinet SALNs, Sept. 22, 2017
Office of the Ombudsman, Memorandum Circular No.1, Series of 2020, Sept. 1, 2020
Freedom of Information Portal, Statement of Assets, Liabilities, and Net Worth (SALN) of President Rodrigo Roa Duterte, Nov. 12, 2019
Freedom of Information Portal, Statements of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) of President Rodrigo Duterte, Jan. 12, 2019
Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), The wealth of P-Noy, July 4, 2011
Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), Gloria gets richer fastest, beats Cory, Ramos, Erap, Aug. 9, 2009
Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), Wealth Check: MAR ROXAS, Liberal Party, May 6, 2016
Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), Wealth Check: JEJOMAR BINAY, May 6, 2016
Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), Wealth Check: MIRIAM DEFENSOR, May 6, 2016
Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), Wealth Check: GRACE POE, Galing at Puso, May 6, 2016
Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), Wealth Check: RODRIGO DUTERTE, May 6, 2016
Official Gazette of the Philippines, Section 17, Article XI., Accessed July 30, 2021
Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), Duterte’s SALNs secret; PCIJ makes public wealth disclosures of all presidents since Cory, Oct. 18, 2020
On Duterte’s health records
- Social Weather Stations, SWS September 17-20, 2020 National Mobile Phone Survey Special Report: 65% say Pres. Rodrigo Duterte’s state of health is a public matter, April 12, 2021
- PTV Philippines Official Facebook Page, Kumusta Po Mahal Kong Kababayan? | Meeting on COVID-19, Aug. 25, 2020
- CNN Philippines, Duterte reveals his Barrett’s esophagus is ‘nearing’ stage one cancer, Aug. 26, 2020
- Official Gazette of the Philippines, Section 12, Article VII, Accessed July 30, 2021
- ABS-CBN News, SC blocks with finality bid to disclose Duterte health records, Sept. 18, 2020
- Philstar.com, Pinal na: Petisyon sa health records ni Pres. Duterte, ibinasura ng SC, Sept. 19, 2020
- Manila Bulletin, Ruling vs. disclosure of Duterte’s health, medical records final, says SC, Sept. 18, 2020
- Supreme Court of the Philippines, Dino S. De Leon Vs. Rodrigo Roa Duterte, President of the Republic of the Philippines, and the Office of the President through Salvador C. Medialdea, in his capacity as Executive Secretary, May 8, 2020
On drug war records
- RTVMalacañang, Kumusta Po Mahal Kong Kababayan | Meeting on COVID-19, May 31, 2021
- Presidential Communications Operations Office (PCOO), Talk to the People of President Rodrigo Roa Duterte on COVID-19, May 31, 2021
- ABS-CBN News, PNP opens drug war records of 61 cases to DOJ review – Guevarra, May 25, 2021
- Inquirer.net, PNP gives DOJ access to files of questionable cases on war on drugs, May 24, 2021
- Philstar.com, DOJ gains access to 61 ‘drug war’ admin cases, but watchdog hits ‘too slow’ development, May 24, 2021
- Real Number PH (PDEA), Sa gitna ng pandemya…, July 8, 2021
- Supreme Court of the Philippines, Aileen Almora, et al. Vs. Director General Ronald Dela Rosa, et al./Sr. Ma. Juanita R. Daño, et al. Vs. The Philippine National Police, et al., April 2, 2019
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)