Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Duterte na airborne ang COVID-19 virus nangangailangan ng konteksto

May mga dalawang pagkakataon nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa hangin ang SARS-CoV-2 (Severe Acute Respiratory Syndrome-Coronavirus-2), ang causative agent ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Kulang ito ng konteksto.

By VERA Files

Oct 31, 2020

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

May mga dalawang pagkakataon nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na nasa hangin ang SARS-CoV-2 (Severe Acute Respiratory Syndrome-Coronavirus-2), ang causative agent ng coronavirus disease 2019 (COVID-19). Kulang ito ng konteksto.

Panoorin ang video na ito:

Ayon sa World Health Organization (WHO) at United States Centers for Disease Control and Prevention (CDC), ang pangunahing paraan ng pag transmit ng SARS-CoV-2 ay sa pamamagitan ng mga respiratory secretion o droplets na maaaring umabot sa bibig, ilong at mga mata ng isang taong malapit na nakikipag-ugnay sa isang taong nahawahan ng COVID-19. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Duterte na ang COVID-19 ay airborne, kailangan ng konteksto; mali sa pagsabing ang China ang may pinakamataas na bilang ng namatay)

Ang indirect transmission ay maaari ding maganap kapag napunta ang mga infected respiratory droplet sa mga bagay o ibabaw na lumilikha ng mga fomite, kung saan ang SARS-CoV-2 ay maaaring manatiling buhay nang maraming oras o araw depende sa kapaligiran. Gayunpaman, nabanggit ng WHO sa pinakabagong scientific brief na walang mga tiyak na ulat na nagpapakita ng fomite transmission ng virus.

Kinilala din ng WHO at ng U.S. CDC ang dumadaming katibayan na ang SARS-CoV-2 ay maaaring kumalat sa pamamagitan ng airborne transmission, ngunit ipinapakita ng kasalukuyang katibayan na nangyayari lamang ito sa mga kilo na lugar na may mahinang bentilasyon. Sinabi ng WHO na kinakailangan ng karagdagang mga pag-aaral upang matiyak kung ang airborne transmission ay maaaring mangyari sa kawalan ng mga aerosol-generating procedure.

Ang SARS-CoV-2 ay maaaring maging airborne kapag ang maliliit na mga patak na tinatawag na droplet nuclei o aerosols na naglalaman nito ay nasuspinde sa hangin, ayon sa isang pandaigdigang pangkat ng mga public health expert na tinawag ng international non-profit media group na Meedan. Ang droplet nuclei ay microscopic at higit na maliit kaysa sa respiratory droplets (halos lima hanggang 10 micrometers), ayon sa WHO.

“Ang [mga ito] ay napakagaan, medyo tuyo, at microscopic ang laki kaya’t puwede silang manatili sa hangin tulad ng ambon, kaya’t ang airborne transmission ay tinatawag ding ‘aerosol transmission’, at naglalagay sa panganib ng impeksyon ang mga taong malapit o mga taong nakaupo sa mga lugar na hindi maganda ang bentilasyon,” sinabi ng mga eksperto ng Meedan.

Ang iba pang mga posibleng paraan ng pag transmit ng virus ay sa ihi, dumi ng tao, breastmilk at dugo. Ngunit sinabi ng WHO na walang mga katibayan na may detalyadong mga kaso ng ganitong paraan ng transmission.

 

Mga Pinagmulan

RTVMalacanang, PRRD’s Statement 10/08/2020, Oct. 8, 2020

RTVMalacanang, Kumusta Po Mahal Kong Kababayan? | PRRD’s Meeting with the IATF-EID and Talk to the Nation on COVID-19, April 9, 2020

World Health Organization, Transmission of SARS-CoV-2: implications for infection prevention precautions

World Health organization, Q&A;: How is COVID-19 transmitted?

United States Centers for Disease Control and Prevent Scientific Brief: SARS-CoV-2 and Potential Airborne Transmission, Oct. 5, 2020

Department of Health, Response of DOH to VERA-Files’ questions on COVID-19 cases and information, Oct. 12, 2020

Digital Health Lab, What do we know so far about airborne transmission and how does it differ from respiratory droplet transmission?, Accessed Oct. 23, 2020

World Health Organization, Modes of transmission of virus causing COVID-19: implications for IPC precaution recommendations, March 29, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.