Nagbitaw si Pangulong Rodrigo Duterte ng dalawang maling pahayag tungkol sa coronavirus disease (COVID-19) sa kanyang nakaraang ginabing mga talumpati: na ang novel coronavirus ay nakukuha sa hangin, at naitala ng China ang pinakamataas na bilang ng kamatayan.
PAHAYAG
Sa kanyang pambansang talumpati noong Abril 9, sinabi ni Duterte:
“Kasi ang COVID hindi ‘yan nana, hindi ‘yan sugat. hangin ‘yan na — nasa hangin.”
Pinagmulan: RTVMalacanang, Kumusta Po Mahal Kong Kababayan? | PRRD’s Meeting with the IATF-EID and Talk to the Nation on COVID-19, Abril 9, 2020
Ginawa rin ng pangulo ang parehong pahayag sa mga nakaraang talumpati noong Abril 3 at 6, habang nanawagan siya sa mga Pilipino na manatili sa bahay at iwasan ang “pakikipag-ugnay” dahil ang virus ay “nakukuha sa hangin.”
Sa kanyang pahayag noong Abril 3, sinabi rin ni Duterte na ang China – ang ground zero ng COVID-19 outbreak — ang may “pinakamataas na bilang ng namatay sa ngayon.”
ANG KATOTOHANAN
Kailangan ng konteksto ang unang pahayag ni Duterte. Ang airborne transmission ng COVID-19 “ay maaaring mangyari” ngunit sa mga “partikular mga sitwasyon” lamang kapag ang mga pamamaraan o suporta sa mga paggamot na nagdudulot ng mga aerosol, tulad ng pag-intubate ng isang nahawaang pasyente, ay isinasagawa, ayon sa pinakabagong scientific brief ng World Health Organization (WHO).
Idinagdag ng dokumento, na may petsang Marso 29, na wala sa higit sa 75,400 kaso ng COVID-19 sa Tsina na nasuri ng WHO na nagpahiwatig ng airborne transmission.
Gayunpaman, sinabi ng WHO na ito ay “may kamalayan” sa maraming mga pag-aaral na sinuri ang pagkakaroon ng novel coronavirus o SARS-CoV-2, ang virus na nagdudulot ng COVID-19, sa mga air sample, ngunit ang mga ito ay hindi pa nailathala sa mga journal na na-peer review. Idinagdag nito:
“Further studies are needed to determine whether it is possible to detect COVID-19 virus in air samples from patient rooms where no procedures or support treatments that generate aerosols are ongoing.
(Kinakailangan ng mga karagdagang pag-aaral upang matukoy kung posible na makita ang COVID-19 virus sa mga air sample mula sa mga kuwarto ng mga pasyente kung saan walang mga procedure o suporta sa mga paggamot na lumikha ng mga aerosol ay nagpapatuloy.)”
Pinagmulan: World Health Organization, Modes of transmission of virus causing COVID-19:implications for IPC precaution recommendations, Marso 29, 2020
Sa isang primer na may petsang Abril 7, sinabi ng Department of Health (DOH), “ayon sa ebidensya”:
“…napakabigat ng droplets upang makapaglakbay nang malayo sa hangin — umaabot lamang ang mga ito nang isang metro at agad na bumabagsak sa mga rabaw [o] surfaces”
Pinagmulan: Department of Health, Alamin ang lahat ng dapat malaman sa COVID-19, Abril 7, 2020
Ayon sa WHO, ang mga respiratory droplet at pagdiit sa ibabaw ng mga bagay na may virus ang nananatiling pangunahing pamamaraan ng transmission ng COVID-19 virus na SARS-COV-2 sa mga tao.
Bilang paunang pag-iingat, inirerekomenda ng DOH, bukod sa iba pa, na manatili sa bahay ang mga tao at magsagawa ng physical distancing ng hindi bababa sa isang metro, o tatlong piye, sa pagitan ng mga tao, lalo na sa mga pinaghihinalaang o nakumpirma na nahawahan ng sakit.
Mali rin si Duterte nang sinabi niya na ang China ang may pinakamataas na bilang ng namatay sa COVID-19 noong Abril 3. Batay sa Abril 3 na bilang mula sa WHO, Italy ang nagtala ng pinakamataas na bilang ng mga namatay sa buong mundo na may 13,917 na pagkamatay mula sa 115,242 na mga kaso, habang ang China ay may 3,331 na namatay sa 82,802 (na mga kaso ng COVID-19).
Ang Pilipinas ay kasalukuyang mayroong 4,932 na kumpirmadong mga kaso ng COVID-19 nang Abril 13, na may 315 na namatay at 242 na gumaling, mula nang naitala nito ang una kaso noong huling bahagi ng Enero.
Sa rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases, isinailalim ni Duterte ang buong Luzon sa isang 30-araw na community quarantine noong kalagitnaan ng Marso, na pinalawig hanggang Abril 30, upang mapigilan ang lalong pagkalat ng COVID-19 sa bansa. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Pag-unawa sa mga patakaran ng ‘community quarantine’ at ‘social distancing’ and VERA FILES FACT SHEET: Code Red Alert sa COVID-19)
Mga Pinagmulan
RTVMALACANANG, Kumusta Po Mahal Kong Kababayan? | PRRD’s Talk to the Nation on COVID-19 4/3/2020, April 3, 2020
RTVMALACANANG, Talk to the Nation on COVID-19 4/6/2020, April 6, 2020
Presidential Communications Operations Office, Kumusta Po Mahal Kong Kababayan? | PRRD’s Meeting with the IATF-EID and Talk to the Nation on COVID-19, April 9, 2020
World Health Organization, Modes of transmission of virus causing COVID-19:implications for IPC precaution recommendations, March 29, 2020
Department of Health, Alamin ang lahat ng dapat malaman sa COVID-19April 7, 2020
World Health Organization, Coronavirus disease 2019 (COVID-19) Situation Report – 74, April 3, 2020
World Health Organization, Coronavirus disease (COVID-19) in the Philippines, Accessed April 8, 2020
Department of Health, DOH COVID-19 CASE BULLETIN #025, April 8, 2020
Presidential Communications Operations Office, Gov’t imposes community quarantine in Metro Manila to contain coronavirus, March 13, 2020
Presidential Communications Operations Office, Implement the law to fight coronavirus, President Duterte tells local officials, March 16, 2020
Presidential Communications Operations Office,, Office of the Presidential Spokesperson, April 7, 2020
Official Gazette, Republic Act 11469
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)