Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte sinabing nagbabala siya tungkol sa ‘nakamamatay’ na COVID-19 mula pa sa simula. Hindi naman.

Sa gitna tumataas na bilang ng mga pasyente na nahawahan ng coronavirus disease (COVID-19), nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na sundin ang mga direktiba ng gobyerno at manatili sa bahay upang maiwasan ang lalong pagkalat ng virus.

By VERA Files

Apr 9, 2020

2-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa gitna tumataas na bilang ng mga pasyente na nahawahan ng coronavirus disease (COVID-19), nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga Pilipino na sundin ang mga direktiba ng gobyerno at manatili sa bahay upang maiwasan ang lalong pagkalat ng virus.

Sa kanyang pambansang talumpati noong Abril 6, sinabi ni Duterte na binalaan na niya ang publiko mula pa sa “simula” na bantayan ang sakit, na inilarawan niya na “nakamamatay” sa isang naunang talumpati noong Abril 3, sapagkat ito ay “talagang tatamaan tayo matindi.”

Ngunit hindi ganito ang naunang paglalarawan ng pangulo sa COVID-19 dalawang buwan bago ang kanyang mga talumpati.

Sa kanyang unang media briefing tungkol sa isyu noong Peb. 3, isang araw matapos ipahayag ng mga awtoridad sa kalusugan ang unang pagkamatay dahil sa COVID-19, minaliit ni Duterte ang tindi ng outbreak at inihalintulad ang novel coronavirus sa ibang (sakit na) nagagamot o kontrolado na.

Panoorin ang video na ito.

VERA FILES FACT CHECK: Duterte says he’s been warning of ‘deadly’ COVID-19 from the beginning. Not quite. from VERA Files on Vimeo.

Sa parehong briefing noong Peb. 3, si Duterte ay mali rin sa paghalintulad ng novel coronavirus (SARS-CoV-2), na nagdudulot ng COVID-19, sa human immunodeficiency virus (HIV). (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Ang new coronavirus ay katulad ng HIV, sabi ni Duterte. Ganoon ba?)

Mula nang naitala ng bansa ang unang kaso nito noong Enero 30, ang bilang ng mga kumpirmadong pasyente na nahawahan ng COVID-19 ay umakyat sa 4,076, na may 203 na pagkamatay at 124 na gumaling, hanggang Abril 9.

 

Mga Pinagmulan

RTVMalacanang, Talk to the Nation on COVID-19 4/6/2020, April 6, 2020

RTVMalacanang, Kumusta Po Mahal Kong Kababayan? | PRRD’s Talk to the Nation on COVID-19 4/3/2020, April 4, 2020

RTVMalacanang, Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the meeting with Local Chief Executives, Feb. 10, 2020

RTVMalacanang, Briefing on the 2019 Novel Coronavirus – Acute Respiratory Disease 2/3/2020, Feb. 3, 2020

Covid19.gov.ph, COVID-19 TRACKER: AS OF APRIL 9, 2020 4:00PM PST

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.