VERA FILES FACT CHECK YEARENDER: Bakulaw, Bakulam, Bakuna: Ang mga anyo ng COVID-19 vaccine disinformation noong 2021
Sinimulan ng administrasyong Duterte noong Pebrero ang pagpaplantsa ng mga deal para makakuha ng mga bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) at mabakunahan ang 70 milyong Pilipino na nasa hustong gulang at maabot ang "herd immunity" sa katapusan ng taon.