Sinasabing pakana na naman ng mga kritiko laban sa gobyerno, sinalungat ni Palace Spokesperson Harry Roque ang pahayag ni Interior and Local Government Secretary Eduardo Año nang sinabi niyang walang mangyayaring “operasyon sa bahay-bahay” upang hanapin ang mga taong nahawaan ng coronavirus disease 2019 ( COVID-19).
PAHAYAG
Sa isang panayam ng ANC, sinabi ni Roque, tagapagsalita din ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), na:
“We don’t have a provision for house-to-house. Only the political critics of the government, again, weaponizing this very important task of tracing (Wala kaming probisyon para sa bahay-bahay. Tanging mga pulitikong kritiko ng gobyerno, muli, ginagamit na bala ang napakahalagang gawain na ito ng pagsubaybay).”
Pinagmulan: ABS-CBN News Channel official Twitter account, “Coronavirus patients — mild and asymptomatic — have to be reported first before they are visited in their houses…,” Hulyo 15, 2020, panoorin mula 1:53 hanggang 2:23
Nang sabihin na si Año ang nagbanggit ng house-to-house operations, sinabi ni Roque:
“They (authorities) will not go to (sic) house-to-house. They (individuals positive for COVID-19) will have to be reported. They will have to be reported by the persons themselves, their family[,] or the barangay (Sila (ang mga awtoridad) ay hindi papasok sa (sic) bahay-bahay. Sila (mga indibidwal na positibo sa COVID-19) ay kailangang i-report. Kailangan maiulat ng mga tao mismo, ng kanilang pamilya [,] o ng barangay).”
Pinagmulan: panoorin mula 2:23 hanggang 2:42
ANG KATOTOHANAN
Taliwas sa pahayag ng tagapagsalita, si Año mismo, hindi “mga kritiko” ng administrasyon, ang nagsabi na ang mga awtoridad ng gobyerno ay pupunta sa “bahay-bahay” upang mag tsek ng pagsunod sa mga regulasyon ng quarantine sa bahay.
Sa isang press conference noong Hulyo 14 sa Taguig City din dinaluhan din ni Roque, sinabi ni Año:
“[A]ng gagawin natin, sa tulong po ng ating LGUs (local government units) at Philippine National Police ay iba-bahay-bahay po natin talaga ‘yan at dadalhin natin ang mga positive (positibong) [indibidwal] sa ating COVID-19 isolation facilities.
Pinagmulan: Taguig City official Facebook page, WATCH:Press Conference on Taguig LGU COVID-19 Response with the IATF at the BGC Drive-Thru Testing Area, Hulyo 14, 2020, panoorin mula 47:00 hanggang 47:35
Hinikayat din ni Año, vice chair ng IATF-EID, ang publiko na i-report sa mga awtoridad ang positibong mga kaso sa kanilang komunidad, o mga taong kilala nilang nahawahan ng COVID-19 upang maiwasan ang karagdagang pagkalat ng virus.
Sa ilalim ng programang “Oplan Kalinga” ng gobyerno, ang mga pasyente ng COVID-19 na may banayad na mga sintomas at mga taong asymptomatic at “hindi kayang sundin ang mga protocol ng quarantine sa bahay na itinakda ng pamahalaan ay ililipat sa isolation facilities.”
Mayroong tatlong COVID-19 isolation facilities sa Metro Manila na pinamamahalaan ng pambansang gobyerno (na kilala rin bilang We Heal As One Centers) na handang tumanggap ng mga pasyente: ang Ninoy Aquino Stadium sa Rizal Memorial Complex sa Manila City, ang Philippine International Convention Center Forum Halls, at World Trade Center parehong nasa Pasay City.
Sa kanyang virtual presser sa Malacañang noong Hulyo 14, sinabi ni Roque na ang pasyente lamang ng COVID-19 na pasok sa mga sumusunod na pamantayan ang maaaring pahintulutang mag quarantine sa bahay:
- may itinalagang kuwarto at banyo sa bahay na gagamitin lamang ng nahawang indibidwal; at,
- hindi nakatira kasama ang mga taong madali mahawa sa sakit, tulad ng mga matatanda, mga may comorbidities (iba pang mga kondisyon sa kalusugan), o buntis.
Ang mga hindi makakatugon sa mga protocol na ito ay maaaring makipag-ugnay sa kanilang mga LGU at “magpasundo para madala sa isang quarantine facility.”
Sinabi ni Roque, sa panayam ng ANC, na “mas gusto” ng gobyerno na ang mga nasabing indibidwal ay “kusang sumuko at tumigil sa (government) isolation centers” at tiniyak na bibigyan sila ng libreng tutuluyan na may air conditioning, tatlong beses na pagkain sa isang araw, libreng Wi-Fi, at isang “graduation ceremony pa” pagkatapos ng 14-araw na quarantine period.
Ang pahayag na “house-to-house” ni Ano ay nagdulot ng pag-aalala sa mga grupo ng karapatang pantao at abugado, pati na rin sa mga miyembro ng oposisyon sa politika.
Ang Commission on Human Rights, para sa bahagi nito, ay naglabas ng pahayag noong Hulyo 15, na nagsasabing ang balak na paggagalugad sa “bahay-bahay” ay:
“…susceptible to overreach in terms of guaranteeing the right to privacy and right of individuals to be secure in their abode (madaling mahigitan ang mga tuntunin na naggagarantiya sa right to privacy at karapatan ng mga indibidwal na maging ligtas sa kanilang tahanan).”
Nabanggit din nito na ang karapatan ng mga Pilipino sa ilalim ng konstitusyon na maging “ligtas sa kanilang mga bahay, papel, at epektos ay hindi dapat labagin at gagawing iligal ang pilit na pagpasok, paghahanap, pag-aresto, at pag-agaw ng mga indibidwal sa loob ng kanilang mga tahanan nang walang tinukoy na maaaring dahilan.”
Kalaunan, nilinaw ng interior and local government secretary na ang operasyon na “house-to-house” na paghahanap at paglipat ay pangungunahan ng mga lokal na opisyal at health personnel, at ang mga pulis ay magbibigay lamang ng tulong.
Mga Pinagmulan
ABS-CBN News Channel official Twitter account, “Coronavirus patients — mild and asymptomatic — have to be reported first before they are visited in their houses…,” July 15, 2020
Taguig City official Facebook page, WATCH:Press Conference on Taguig LGU COVID-19 Response with the IATF at the BGC Drive-Thru Testing Area, July 14, 2020
Philippine Information Agency, Govt’s ‘Oplan Kalinga’ to provide isolation facilities for COVID patients who are unable to do home quarantine, July 14, 2020
Philippine Information Agency, We Heal As One Centers in NCR ready to accept COVID-19 patients, July 15, 2020
Covid19.gov.ph, We Heal As One Center – Ninoy Aquino Stadium sends home its first COVID-19 survivor, April 21, 2020
Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, July 14, 2020, watch from 10:22 to 11:10
Presidential Communications Operations Office, Gov’t intensifies isolation strategy with Oplan Kalinga; COVID-19 testing reaches 1M, July 14, 2020
Karapatan.org, Karapatan: Tokhang-style house-to-house searches to spread pandemic, rights violations in communities, July 15, 2020
National Union of People’s Lawyers, NUPL: PNP’s house-to-house is not the “kalinga” that the people need in this pandemic, July 14, 2020
Senate of the Philippines, STATEMENT OF SENATOR RISA HONTIVEROS ON PLANNED HOUSE TO HOUSE VISIT OF SECURITY FORCES IN SEARCH OF COVID-19 PATIENTS, July 15, 2020
ABS-CBN News, ‘No warrant, no entry’: Drilon hits house-to-house searches for COVID-19 cases, July 15, 2020
Inquirer.net, Drilon slams house-to-house search for COVID-19 patients, July 15, 2020
Manila Bulletin, Drilon on house-to-house search: No warrant, no entry, July 15, 2020
Commission on Human Rights, “Statement of the CHR on the recent COVID-19 measures that impact the right to privacy & constitutional right to be secure in…,” July 15, 2020
Official Gazette, 1987 Constitution
Año clarification
- GMA News Online, Health officials, not cops, will lead house-to-house search for COVID-19 cases —Año, July 15, 2020
- SunStar Philippines, Health workers to lead search for virus-positive persons, July 15, 2020
- Philippine News Agency, LGUs, health workers lead isolation strategy vs. coronavirus, July 15, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)