Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Duterte mali ang pahayag na nag utos ng lockdown kontra COVID-19 ang lahat ng mga bansa

Hindi totoo ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang bawat bansa sa buong mundo ay nag utos ng lockdown bilang tugon sa dumadaming mga kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19).

By VERA Files

Mar 27, 2020

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Hindi totoo ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang bawat bansa sa buong mundo ay nag utos ng lockdown bilang tugon sa dumadaming mga kaso ng Coronavirus Disease (COVID-19).

PAHAYAG

Sa ni-rekord na press briefing na inere nang ala-1 ng umaga noong Marso 20, nanawagan ni Duterte sa lahat ng mga Pilipino, lalo na ang mga lokal na opisyal ng pamahalaan, na “sumunod sa mga direktiba ng pambansang pamahalaan,” bilang mga nangunguna sa pagpapatupad ng enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Sinabi ni Duterte:

All over the world, there is confusion and chaos already because of these lockdowns. We are not the only ones into it. All countries of the world, as a matter of fact, are doing it. And that is why it adds more trouble than what is already there that we can handle.”

(Sa buong mundo, may kalituhan at kaguluhan na dahil sa mga lockdown na ito. Hindi lang tayo ang nasa ganitong sitwasyon. Ang lahat ng mga bansa sa mundo, sa totoo lang, ay ginagawa ito. At iyon ang dahilan kung bakit nadaragdagan ng mas maraming problema kaysa sa nariyan na maaari nating ayusin.)

Pinagmulan: Radio Television Malacañang, Message of President Rodrigo Roa Duterte to local government units on implementation of the Enhanced Community Quarantine, Marso 19, 2020, panoorin mula 8:09 hanggang 8:32

ANG KATOTOHANAN

Hanggang noong Marso 19, may 23 sa 197 mga bansa sa buong mundo ang naka lockdown habang ang ilan ay nagpapatupad ng paghihigpit sa paglalakbay, ayon sa ilang mga ulat na balita.

Sa Pilipinas, ipinaliwanag ni Interior and Local Government Spokesperson Jonathan Malaya na ang lockdown ay tumutukoy sa paghihigpit ng mga awtoridad sa paglalakbay ng mga tao mula sa isang lugar patungo sa isa pang lugar. Unang ipinasailalim ni Duterte ang Metro Manila sa community quarantine, pagkatapos ay pinalawak ito upang sakupin ang buong isla ng Luzon. Maraming mga local government units (LGU) sa Visayas at Mindanao ay nag utos din ng lockdown sa kani-kanilang mga lugar. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Pag-unawa sa mga patakaran ng ‘community quarantine’ at ‘social distancing’)

Sa isang pakikipanayam sa Vox, sinabi ni Lindsay Wiley, isang health law professor sa American University Washington College of Law, na “ang lockdown” ay hindi isang teknikal na termino na ginagamit ng mga pampublikong opisyal ng kalusugan o abogado:

It could be used to refer to anything from mandatory geographic quarantine [which would probably be unconstitutional under most scenarios in the US], to non-mandatory recommendations to shelter in place [which are totally legal and can be issued by health officials at the federal, state, or local level], to anything in between [such as ordering certain events or types of businesses to close, which is generally constitutional if deemed necessary to stop the spread of disease based on available evidence].

(Maaari itong magamit upang isangguni ang anumang bagay mula sa ipinag-uutos na geographic quarantine [na marahil ay hindi konstitusyonal sa ilalim ng karamihan ng mga sitwasyon sa US], sa mga di-ipinag-uutos na mga rekomendasyon na shelter in place [na ganap na ligal at maaaring iutos ng health officials sa federal, state o lokal na antas], sa anumang bagay sa pagitan [ng dalawa, tulad ng pag-uutos na isa ang ilang mga kaganapan o uri ng mga negosyo, na sa pangkalahatan ay ayon sa konstitusyon kung itinuturing na kinakailangan upang mapigilan ang pagkalat ng sakit batay sa nakikitang ebidensya].)

Pinagmulan: Vox.com, Italy and China used lockdowns to slow the coronavirus. Could we?, Marso 10, 2020

Sinabi ni Indonesian President Joko Widodo na hindi niya isinasaalang-alang ang isang lockdown bilang tugon sa COVID-19 pandemic, sa halip ay nakatuon sa social distancing, ayon sa mga ulat na balita.

Tinugunan ng South Korea ang global pandemic sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng mass diagnosting testing sa mga mamamayan nito. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Panelo mali sa pahayag na nag ‘total lockdown’ ang South Korea para makontrol ang pagkalat ng COVID-19)

Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na ang pandemic ay “bumibilis” na may higit sa 540,000 na ang kumpirmadong mga kaso sa buong mundo, ayon sa Johns Hopkins COVID-19 case tracker.

Sinabi ni WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus na “posibleng baguhin ang trajectory”:

You can’t win a football game only by defending. You have to attack as well. Asking people to stay at home and other physical distancing measures are an important way of slowing down the spread of the virus and buying time – but they are defensive measures.

(Hindi ka mananalo sa isang laro ng football kung dumedepensa ka lamang. Kailangan mong umatake din. Ang paghiling sa mga tao na manatili sa bahay at iba pang mga pisikal na distancing measures ay isang mahalagang paraan ng pagpapabagal ng pagkalat ng virus at pagkakaroon ng karagdagang panahon — ngunit ang mga ito ay mga hakbang na pang depensa.)

Pinagmulan: World Health Organization, WHO Director-General’s opening remarks at the media briefing on COVID-19, Marso 23, 2020

Para manalo, sinabi niya na “kailangan nating atakihin ang virus na may agresibo at tutok na mga taktika — itest ang bawat hinihinalang kaso, paghiwalayin at alagaan ang bawat nakumpirmadong kaso, at tracing at pag-quarantine ng bawat close contact.”

Inirekomenda ni Ghebreyesus ang anim na pangunahing aksyon upang makatulong sa pag sugpo at pagpigil sa transmision, at upang ihinto ang muling paglitaw ng virus kapag ang lockdown measures ay tinanggal na:

  • palawakin, sanayin, at i-deploy ang health care at public health workforce;
  • magpatupad ng isang sistema upang mahanap ang bawat hinihinalang kaso sa komunidad;
  • palakihin ang produksiyon, kapasidad at pagkakaroon ng testing;
  • tukuyin, ibagay at magbigay ng kasangkapan sa mga pasilidad na gagamitin upang gamutin at i-isolate ang mga pasyente;
  • bumuo ng isang malinaw na plano at proseso upang i-quarantine ang mga contact; at,
  • itutok ang buong pamahalaan sa pagsugpo at pagkontrol sa COVID-19.

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office, Message of President Rodrigo Roa Duterte to local government units on implementation of the Enhanced Community Quarantine, March 19, 2020

Radio Television Malacañang Youtube, Message of President Rodrigo Roa Duterte to local government units on implementation of the Enhanced Community Quarantine, March 19, 2020

Encyclopedia Britannica, List of Countries

ANC 24/7 Youtube, DILG Usec. Malaya: No impending lockdown in any part of Metro Manila | Matters of Fact, March 11, 2020

Washington College of Law website, Lindsay F. Wiley

VOX, Italy and China used lockdowns to slow the coronavirus. Could we?, March 10, 2020

Reuters.com, Indonesia not considering lockdown as ministers tested for COVID-19, March 16, 2020

The Jakarta Post, No lockdown for Indonesia, Jokowi insists as COVID-19 cases continue to rise, March 24, 2020

Republika.co.id, Why Indonesia Does Not Impose Lockdown?, March 24, 2020

John Hopkins University, Coronavirus Resource Center, March 26, 2020

World Health Organization, WHO Director-General’s opening remarks at the media briefing on COVID-19, March 23, 2020

Business Insider, At least 20% of the global population is on coronavirus lockdown — here’s our constantly updated list of countries and restrictions, March 25, 2020

Aljazeera.com, Coronavirus: Travel restrictions, border shutdowns by country, March 24, 2020

Inquirer.net, 1.7 billion told to stay home worldwide over virus, March 24, 2020

Agence France-Presse, Nearly one billion people confined to homes globally to curb virus, March 21, 2020

World Health Organization, WHO Director-General’s opening remarks at the media briefing on COVID-19, March 25, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.