Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Panelo mali sa pahayag na nag ‘total lockdown’ ang South Korea para makontrol ang pagkalat ng COVID-19

Mali si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa pagsabing ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa South Korea ay dahil sa “total lockdown” na ipinatupad ng bansa.

By VERA Files

Mar 17, 2020

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mali si Presidential Spokesperson Salvador Panelo sa pagsabing ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa South Korea ay dahil sa “total lockdown” na ipinatupad ng bansa.

PAHAYAG

Sa isang press briefing noong Marso 16, tinanong si Panelo tungkol sa mas mahigpit na mga hakbang na isinasaalang-alang ng gobyernong Duterte upang maiwasan ang karagdagang pagkalat ng COVID-19 at sinabi ng tagapagsalita:

“Ang tinitingnan ni [Interior] Secretary Año and other members of the Cabinet (at iba pang miyembro ng Gabinete), iyong ginawa sa [South] Korea. Korea kasi nag-total lockdown sila roon at na-arrest nila, naging zero casualty sila (wala nang namatay sa kanila).”

Pinagmulan: Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson and Chief Presidential Legal Counsel Secretary Salvador S. Panelo, Marso 16, 2020 panoorin mula 10:58 hanggang 11:07

ANG KATOTOHANAN

Taliwas sa pahayag ni Panelo, ang mga opisyal ng South Korea ay hindi nagpatupad ng “total lockdown” sa pagharap sa pagkalat ng COVID-19 pandemic.

Ang ipinatupad nito ay isang malawakang kampanya ng testing. Si Seo Eun-young, direktor ng foreign press relations ng Ministry of Foreign Affairs ng South Korea, ay nagsabing pinili ng gobyerno ng South Korea ang “mabilis, transparent, at pre-emptive” sa pagtugon sa COVID-19:

“Unlike other countries where only patients showing symptoms have been tested, we chose to test everyone who has been in close contact with confirmed cases. Rather than waiting for patients to come in, we pursued and tracked down possible patients to prevent spread within the community.

(Hindi tulad ng ibang mga bansa kung saan ang mga pasyente lamang na nagpapakita ng mga sintomas ang sinuri, pinili namin na i-test ang lahat ng nakipag-ugnay sa mga kumpirmadong mga kaso. Sa halip na maghintay para sa pagpasok ng mga pasyente, hinabol at sinusubaybayan namin ang mga posibleng pasyente upang maiwasan ang pagkalat sa loob ng komunidad.)”

Pinagmulan: The New York Times, South Korea: What We’re Doing to Fight the Coronavirus, Marso 11, 2019

Binanggit ng iba pang mga news agency ang desisyon ng pamahalaan ng South Korea na magbigay ng libreng diagnostic testing sa mga mamamayan nito bilang pangunahing tugon sa pagsiklab ng COVID-19, nang walang lockdown.

“Ang pagpapataas ng kakayahan sa testing ay napakahalaga dahil sa ganoong paraan, maaari mong malaman kung sino taong nagdadala ng virus, pagkatapos ay maaari mong mapigilan ang (pagkalat ng) virus,” sabi ni South Korea Health Minister Park Neunghoo sa isang eksklusibong pakikipanayam sa CNN.

Gayunpaman, idineklara ng pamahalaan ng South Korea ang Daegu, ang ikatlong pinakamalaking lungsod nito, at iba pang mga lugar na may mataas na infection rate bilang “mga special management zone” noong Pebrero. Sa isang press release noong Peb. 23, hiniling ng Ministry of Health and Welfare ng South Korea sa mga mamamayan ng Daegu na “kusang tumigil sa kanilang mga tahanan o huwag umalis sa loob ng kahit dalawang linggo,” at nanawagan sa publiko na iwasan ang pagtitipon ng malalaking grupo.

Ito ay hakbang na katulad ng enhanced community quarantine with social distancing na ipinatupad ng administrasyong Duterte simula Marso 16.

Noong Marso 17, ang mga lungsod ng Daegu-Gyeongbuk, ang lungsod ng Gyeongsan, at ang mga county ng Cheongdo at Bonghwa ay idineklara na “mga special disaster zone” habang ang mga kaso ng COVID-19 ay nagsisimula nang bumaba. Ito ang unang pagkakataon na ipinatupad ang naturang hakbang para mapigilan ang sakit. Ang pagtatalaga ay makatutulong sa mga residente sa mga lugar na ito na “tumanggap ng mas malakas na antas ng suportang pananalapi at administratibo mula sa estado, kabilang ang mga benepisyo sa buwis,” iniulat ng The Korea Times.

Mahigit sa 200,000 katao ang sumailalim sa testing para sa COVID-19 sa South Korea. Limampu’t apat na pagkamatay ang naitala sa 7,555 na nakumpirma na kaso, noong Marso 11. Naitala ng mga opisyal ang pagbagsak sa kumpirmadong kaso mula noong unang bahagi ng Marso.

Meantime, North Korea claims that it has no cases of COVID-19, despite the reported deaths of about 180 North Korean soldiers, according to a March 9 article of South Korean news agency Daily NK.

Samantala, sinabi ng North Korea na wala itong mga kaso ng COVID-19, sa kabila ng naiulat na pagkamatay ng halos 180 na mga sundalong North Korea, ayon sa isang artikulo noong Marso 9 ng South Korean news agency na Daily NK.

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office, Spox Panelo Press Briefing NEB, Malacañang, March 16, 2020

The New York Times, South Korea: What We’re Doing to Fight the Coronavirus, March 11, 2019

CNN, South Korea has ‘passed the peak’ of the coronavirus outbreak, health minister hopes, March 10, 2020

South China Morning Post, Coronavirus: South Korea’s infection rate falls without citywide lockdowns like in China, Italy, March 10, 2020

Forbes, South Korea sees Coronavirus Slowdown – Without A Lockdown, But With Nearly 250,000 Tests, March 13, 2010

South China Morning Post, Coronavirus: nearly 200 North Korea soldiers ‘die from outbreak government refuses to acknowledge’, March 10, 2020

The Washington Times, ‘Special management zone’ declared as coronavirus overwhelms South Korea city, Feb. 20, 2020

South Korea Ministry of Health and Welfare, Briefing on the pan-governmental meeting for COVID-19, Feb. 23, 2020

The Japan Times, South Korea declares Daegu ‘special management zone’ after COVID-19 death as infections surge, Feb. 21, 2020

Inquirer.net, South Korea declares Daegu a ‘special zone’ over virus cases, Feb. 21, 2020

BBC, South Korea Coronavirus: Concern in Daegu as cases rise, Feb. 21, 2020

South Korea Ministry of Health and Welfare, Regular Briefing of Central Disaster and Safety Countermeasure Headquarters on COVID-19, March 17, 2020

The Korea Times, Moon declares Daegu region as special disaster zone, March 15, 2020

Reuters, South Korea designates regions hit hardest by coronavirus as disaster zones, March 15, 2020

TIME, North Korea Says It Has No Coronavirus – Despite Mounting Clues to the Contrary, March 3, 2020

NBC News, Liveblog/ Coronavirus updates live: North Korea claims it has no coronavirus cases, March 14, 2020

Daily NK, Sources: Almost 200 soldiers have died from COVID-19, March 9, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.