Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Payo ni Panelo na pagmumumog ng tubig na may asin maaaring makaiwas sa COVID nakaliligaw

Nakapanlilinlang ang ipinahiwatig ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na maaaring maiwasan na mahawahan ng SARS-CoV-2, ang virus na sanhi ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), sa pamamagitan ng pagmumumog ng tubig na may asin.

By VERA Files

Mar 26, 2021

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

(UPDATED) Nakapanlilinlang ang ipinahiwatig ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na maaaring maiwasan na mahawahan ng SARS-CoV-2, ang virus na sanhi ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), sa pamamagitan ng pagmumumog ng tubig na may asin.

PAHAYAG

Sa episode ng kanyang isang oras na talk show na Counterpoint na ginawa ng Presidential Communications Operations Office noong Marso 16, nagkomento ang kalihim sa tumataas na araw-araw na bilang ng mga kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa kanyang maraming mga pahayag, sinabi niya:

“Isa lang ho ang solusyon diyan (sa tumataas na bilang ng mga kaso) — mag mask, mag face shield, mag distansya, maghugas ng kamay. ‘Yun lang naman ho eh. Mag gargle (magmumog) kayo. May nabasa na naman ako; tama ‘yung mga sinasabi na gargle with salt and water (magmumog ng asin at tubig). O kaya ‘yung pinapang-gargle (pinapangmumog) niyo pagkagagaling niyo sa labas. Lahat ho ‘yan eh.”

Pinagmulan: RTVMalacanang, Counterpoint by Secretary Salvador Panelo 3/16/2021, Marso 17, 2021, panoorin mula 7:49 hanggang 8:26

ANG KATOTOHANAN

“Walang scientific na ebidensya na nagpapahiwatig na ang paggamit ng mga mouthwash, rinse, at mga gargling solution ay mapipigilan ang COVID-19 infection,” ayon sa global team ng mga public health expert na binuo ng international nonprofit Meedan.

Isang Abril 2020 advisory ng MIT Medical, isang serbisyong pangkalusugan na itinatag ng Massachusetts Institute of Technology (MIT) sa United States, sinabi din na walang katibayan na ang pagmumog ng tubig na may asin ay “mapipigilan ang impeksyon sa COVID-19 o anumang iba pang virus. ” Idinagdag nito:

Interestingly, this ‘cure’ was popular during the spread of SARS, MERS, and Zika as well — and was equally useless then.

(Kapansin-pansin, ang ‘lunas’ na ito ay popular sa panahon ng pagkalat din ng SARS, MERS, at Zika — at walang silbi rin noon.)

Sa explainer nito noong Marso 18 na inilathala sa online health desk, binanggit ng Meedan team ang isang pag-aaral noong Hunyo 2020 na nagsabi na ang pagmumumog ng tubig na may asin ay “maaaring mabisa sa pagbawas ng mga sintomas at kalubhaan ng COVID-19.”

Ang pag-aaral ay isang post-hoc secondary analysis ng datos na nakolekta noong 2019 sa isang randomized controlled trial sa Scotland, na “ipinahiwatig” na ang “hypertonic saline (tinimplang asin at tubig) nasal irrigation at pagmumumog ay nakabawas ng tagal ng coronavirus upper respiratory tract infection ng average na dalawa at kalahating araw.”

Kaya, idinagdag ng pag-aaral, “maaari itong maging isang potensyal na ligtas, mabisa[,] at nasusukat na interbensyon” para sa mga taong may COVID-19. Gayunpaman, nagbabala ang mga mananaliksik na ang mga natuklasan sa post-hoc analysis noong 2020 ay “kailangang bigyang kahulugan nang may pag-iingat.”

Gayundin, sinabi ng team ng mga eksperto ng Meedan:

“…evidence has not demonstrated any instance of saline nasal irrigation and/or gargling at preventing COVID-19, and that gargling is not by any means a recommended standalone cure or treatment.

(…ang ebidensya ay hindi nagpakita ng anumang halimbawa ng saline nasal irrigation at/o pagmumumog sa pagpigil ng COVID-19, at ang pagmumumog ay hindi sa anumang paraan inirekumendang nag-iisang gamot o paraan ng paggamot.)

“Ang bagay na ito ay lubos na hindi nasasaliksik at nangangailangan ng karagdagang katibayan upang maunawaan ang epekto ng pagmumumog ng tubig na may asin sa COVID-19,” dagdag nito.

Habang ang pagmumumog ng tubig na may asin ay maaaring makatulong na mapagaan ang mga sintomas ng namamagang lalamunan, sinabi ng Department of Health (DOH), sa isang advisory noong Marso 2020, na “walang ebidensya” na maaari nitong “matanggal” ang COVID-19 virus. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Gargling water with salt, vinegar DOES NOT ‘remove’ coronavirus)

Sa isang email sa VERA Files Fact Check noong Marso 26 ng taong ito, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire na “kinakailangan ng matibay na katibayan bago i-endorso ng [DOH] ang paggamit ng pangmumog na tubig at asin bilang isang preventive measure” para sa sakit.

Gayunpaman, ang departamento ay “nananatiling bukas sa mga bagong therapeutic regimen at makabagong ideya para sa COVID-19,” dagdag niya.

Sa Q&A; article tungkol sa COVID-19, na inilathala noong Oktubre ng nakaraang taon, sinabi ng World Health Organization na “hindi inirerekumenda ang self-medication ng anumang mga gamot, kabilang ang mga antibiotic, bilang pag-iwas o lunas para sa COVID-19.”

Magbasa nang higit pa mga fact check at mga istorya kaugnay ng nagpapatuloy na pandemic dito.

 

Tala ng editor: Ang artikulong ito ay na-update upang ipakita ang tugon ng DOH sa tanong ng VERA Files tungkol sa bagay na ito.

 

Mga Pinagmulan

RTVMalacanang, Counterpoint by Secretary Salvador Panelo 3/16/2021, March 17, 2021

Health-desk.org, What do we know about mouth and nose rinses, washes, sprays, or creams to prevent COVID-19?, March 18, 2021

MIT Medical, Will gargling wash the virus away?, April 13, 2020

Ramalingam, S., Graham, C., Dove, J., Morrice, L., & Sheikh, A. (2020). Hypertonic saline nasal irrigation and gargling should be considered as a treatment option for COVID-19., Journal of Global Health, 10(1). Retrieved from: http://jogh.org/documents/issue202001/jogh-10-010332.pdf.

Ramalingam, S., Graham, C., Dove, J., Morrice, L., & Sheikh, A. (2019). A pilot, open labelled, randomised controlled trial of hypertonic saline nasal irrigation and gargling for the common cold. Scientific Reports. Retrieved from: https://doi.org/10.1038/s41598-018-37703-3.

Cambridge Dictionary, “Saline,” Accessed March 22, 2021

U.S. Centers for Disease Control and Prevention, Sore Throat (See “How to Feel Better), Accessed March 22, 2021

Department of Health, “Fact Check: Ang ipinakikitang Advisory ay walang katotohanan…,” March 17, 2020

World Health Organization, Coronavirus disease (COVID-19), Oct. 12, 2020

Department of Health, Email response, March 26, 2021

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.