Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Duterte na LANDBANK ang pinakamalaking commercial bank sa PH, hindi tumutupad sa kautusan MALI

Sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address, maling ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Land Bank of the Philippines (LANDBANK) ang pinakamalaking komersyal na bangko sa bansa at wala itong mga programang pinansyal para sa sektor ng agrikultura.

By VERA Files

Aug 2, 2019

9-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa kanyang ika-apat na State of the Nation Address, maling ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang Land Bank of the Philippines (LANDBANK) ang pinakamalaking komersyal na bangko sa bansa at wala itong mga programang pinansyal para sa sektor ng agrikultura.

PAHAYAG

Sa harap ng mga miyembro ng Kongreso, nagsalita si Duterte tungkol sa hindi pa niya naipatutupad na mga programa para mapaunlad ang industriya ng niyog — isang pangako niya noong kampanya — dahil hindi pa rin siya nakakikita ng isang “taong matapat” na mamamahala sa pondo ng coco levy na tinatayang nagkakahalaga ng P100 bilyon.

Pagkatapos ay kinuwestiyon niya kung ano ang ginagawa ng LANDBANK sa pagtulong sa pagpapabuti ng sektor ng agrikultura:

“You know, you are called LANDBANK but you are now the number one commercial bank in the Philippines. What the heck is happening to you? You are supposed to finance agricultural enterprises and endeavors. Bakit wala? Bakit — why can’t you just buy a few wagons or whatever? Go to the countryside and ask the people if there are cooperatives, tulungan ninyo to form one
(Alam mo, tinawag kang LANDBANK pero ikaw ang numero unong komersyal na bangko sa Pilipinas. Ano ang ba nangyayari sa iyo? Dapat kang mag-pondo ng mga pang-agrikulturang negosyo at programa. Bakit wala? Bakit – bakit hindi ka makakabili ng ilang mga sasakyan o anuman? Pumunta ka sa kanayunan at tanungin ang mga tao kung mayroong mga kooperatiba, tulungan ninyo na makatatag nito).”

Idinagdag niya:

LANDBANK should go back to land. Why are you mired in so many commercial transactions? Bumalik kayo where you were created for and that is to help the farmers
(Ang LANDBANK ay dapat bumalik sa lupain. Bakit ka nasa sa napakaraming komersyal na transaksyon? Bumalik kayo doon sa dahilan ng inyong pagkakalikha at iyon ay para matulungan ang mga magsasaka).”

Pinagmulan: 4th State of the Nation Address of President Rodrigo Roa Duterte, Hulyo 22, 2019, panoorin mula 1:26:24 hanggang 1:27:48

Pagkatapos ay inutusan ni Duterte ang bangko na bumuo ng isang “mabuting plano” upang matulungan ang mga magsasaka at isumite ito sa kanyang tanggapan sa pagtatapos ng Hulyo:

I am asking now Congress, pag wala sila, if there is no viable plan for that, for the farmers, and it is just all commercial transactions, might as well abolish it and give the money to the congressmen for their development funds
(Hinihiling ko ngayon sa Kongreso, pag wala sila, kung walang mabuting plano para dito, para sa mga magsasaka, at ito ay lahat na mga komersyal na transaksyon, mabuti pang buwagin ito at ibigay ang pera sa mga kongresista para sa kanilang development funds).”

Pinagmulan: PCOO, 4th State of the Nation Address of President Rodrigo Roa Duterte, Hulyo 22, 2019, panoorin mula 1:28:07 hanggang 1:28:25

 

ANG KATOTOHANAN

Mali si Duterte sa dalawang bagay.

Una, ang LANDBANK ay hindi ang pinakamalaking komersyal na bangko sa bansa.

Ito ang pangatlong pinakamalaking bangko hingil sa assets na may P1.895 trilyon at pangalawa pagdating sa mga deposito na may P1.68 trilyon hanggang Marso 31, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.

Narito ang pinakamalalaking mga bangko sa bansa at ang kanilang ranggo hinggil sa mga asset:

1.BDO Unibank (BDO) – P2.89 trilyon

2. Metropolitan Bank & Trust Company (Metrobank) – P1.91 trilyon

3. LANDBANK – P1.895 trilyon

4. Bank of the Philippine Islands (BPI) – P1.79 trilyon

5. Philippine National Bank (PNB) – P95 bilyon

Ang BDO din ang pinakamalaking bangko sa bansa hinggil sa mga deposito na may P2.31 trilyon, kasunod ng LANDBANK, Metrobank (P1.36 trilyon), BPI (P1.358 trilyon) at PNB (P69 bilyon).

Pangalawa, hindi totoo na ang LANDBANK ay hindi nagbibigay ng pinansiyal na tulong sa mga negosyo at proyektong pang agrikultura, at nakatuon lamang ito sa mga komersyal na transaksyon.

Ayon sa LANDBANK, ito ay:

“A government financial institution that strikes a balance in fulfilling its social mandate of promoting countryside development while remaining financially viable. The profits derived from its commercial banking operations are used to finance [its] developmental programs and initiatives
(Isang institusyong pampinansyal ng gobyerno na bumabalanse sa pagtupad nito ng panlipunang kautusan na itaguyod ang kaunlaran sa kanayunan habang nananatiling maunlad ang pananalapi. Ang mga kinikita na nagmumula sa mga komersyal na operasyon ng bangko ay ginagamit upang tustusan [ang] mga programang pang-unlad at inisyatibo nito.)”

Pinagmulan: Land Bank of the Philippines, About Us

Sa isang pahayag na ipinadala sa VERA Files, sinabi ng LANDBANK na 93 porsiyento ng P799.64-bilyong loan portfolio nito ay inilaan sa sektor ng agrikultura at mga programa ng pag-unlad ng gobyerno.

Sinabi ng bangko na ang mga pautang nito sa sektor ay nagkakahalaga ng 22.17 porsyento ng kabuuang pautang nito. Sa pagtatapos ng Hunyo, ang LANDBANK ay naglabas ng P177.32 bilyon kabilang ang:

    • P119.52 bilyon para sa agribusinesses;
    • P2.59 bilyon para sa aqua-businesses; at
    • P55.21 bilyon para sa mga may kaugnayan sa agri-aqua na proyekto ng mga lokal na yunit ng gobyerno at mga korporasyong na pag-aari at kontrolado ng pamahalaan.

Ang LANDBANK ay naglabas din ng P42.31 bilyon na pautang sa mga “mandated” na sektor: P42.17 bilyon sa mga maliliit na magsasaka, kabilang ang mga benepisyaryo ng repormang agraryo, at P135 milyon sa maliliit na mangingisda at kanilang mga asosasyon.

Sa kanyang 2017 Annual Report, ang pinakabagong magagamit, inilista ng bangko ang mga credit program na pang-agrikultura at suporta na nakatuon sa pagtulong sa mga lokal na magsasaka, mangingisda, micro, small, and medium enterprises (MSME), mga lokal na yunit ng gobyerno (LGU), at mga korporasyon na pag-aari at kontrolado ng gobyerno. Kabilang dito ang:

    • Sikat Saka Program – isang credit program na itinatag kasama ang Department of Agriculture (DA) na nagbibigay sa mga maliit na magsasaka ng bigas at mais ng suporta sa merkado, libreng serbisyo ng patubig, at crop insurance subsidy at pagsasanay;
    • Agricultural and Fisheries Financing Program o AFFP – isang credit program para sa maliliit na magsasaka at mangingisda na nakarehistro sa Registry System for Basic Sectors in Agriculture;
    • Agrarian Production Credit Program o APCP – isang ugnayan kasama ang DA, Department of Agrarian Reform (DAR), at Department of Environment and Natural Resources na dinisenyo bilang isang “flexible credit facility” para sa mga organisasyon ng Agrarian Reform Benefeciaries (ARB) na hindi pa kwalipikado para sa regular na pagpapautang mula sa LANDBANK at iba pang pormal na institusyong pinansyal;
    • Agricultural Credit Support Project o ACSP – nagbibigay ng credit at non-credit na suporta sa maliliit na grupo ng mga magsasaka at mangingisda, small at medium enterprises, mga malalaking agribusiness, at mga institusyong pampinansyal na nakikibahagi sa mga proyekto sa agrikultura;
    • Agricultural Competitiveness Enhancement Fund o ACEF – isang credit program para sa mga magsasaka at mangingisda, kanilang mga kooperatiba at asosasyon, at micro at small enterprises para madagdagan ang inaani;
    • Assistance to Restore and Install Sustainable Enterprises for Agrarian Reform Beneficiaries and Small Farms Holders o ARISE-ARB – nag-aalok ng suportang pinansyal para sa mga ARB na naapektuhan ng kalamidad, mga maliit na may-ari ng bukid, at kanilang mga pamilya upang maibalik ang mga gawaing pangkabuhayan at pagsasaka;
    • Masustansyang Inumin Para sa Likas na Kalusugan o MILK – naitatag kasama ng National Dairy Authority upang suportahan ang mga kinakailangan sa pagpopondo ng mga kwalipikadong maliit na magsasaka, kooperatiba, pederasyon, at small and medium enterprises para sa dairy production, processing, at marketing; at
    • Credit Assistance for Cacao Agribusiness Entities and Other Organizations 100 o CACAO 100 – isang programa na naglalayon sa pagpopondo ng mga stakeholder ng industriya ng cacao upang makatulong na maabot ang kanilang layunin na umani ng 100,000 metriko tonelada ng pinatuyong fermented beans sa 2022.

Kinilala pa nga ni Duterte ang mga pagsisikap na ito sa kanyang mensahe sa LANDBANK, na kasama sa parehong annual report:

Over the past year, LANDBANK’s relentless efforts in coming up with new, innovative and responsive lending programs and interventions have facilitated the development of communities and improved service accessibility, especially for hard-to-reach sectors and those located in the countryside
(Sa nakalipas na taon, ang walang tigil na pagsisikap ng LANDBANK sa pagkakaroon ng mga bago, makabagong at tumutugon na mga programa at interbensyon sa pagpapautang ay pinadali ang pag-unlad ng mga komunidad at pinahusay na pag-access sa serbisyo, lalo na para sa mga mahirap na maabot na mga sektor at mga matatagpuan sa kanayunan).”

Its activities have not only allowed it to maintain its standing as one of the country’s largest financial institutions but, more importantly, enabled it to fulfill its mandate to serve its priority sectors
(Ang mga aktibidad na ito ay hindi lamang nagpanatili ng katayuan nito bilang isa sa pinakamalaking institusyong pinansyal ng bansa ngunit, higit sa lahat, pinatupad nito ang kautusan na maglingkod sa mga priyoridad na sektor).”

Sa isang pahayag, ipinagtanggol ni Finance Secretary at LANDBANK Chairman Carlos Dominguez III ang pinamamahalaan ng estado na institusyong pinansyal:

“…LANDBANK is also working closely with [DAR] in speeding up the distribution of individual land titles to agrarian reform beneficiaries as a means to improve the bankability of small farmers

(Ang LANDBANK ay nakikipagtulungan din sa [DAR] sa pagpapabilis ng pamamahagi ng mga indibidwal na titulo ng lupain sa mga benepisyaryo ng repormang agraryo bilang isang paraan upang mapagbuti ang kita ng mga maliliit na magsasaka).”

Moreover, the LANDBANK also performs other critical functions such as distributing cash grants to the Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) households and the Pantawid Pasada fuel subsidy beneficiaries
(Bukod dito, ang LANDBANK ay nagsasagawa ng iba pang kritikal na trabaho tulad ng pamamahagi ng cash grants sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at ang Pantawid Pasada fuel subsidy sa mga benepisyaryo).”

Pinagmulan: Department of Finance, Press Release: Dominguez urges Congress to pass remaining CTRP bills, higher excise taxes on alcohol, e-cigarettes before yearend, Hulyo 23, 2019

Noong Hulyo 30, sinabi ng LANDBANK sa VERA Files na nakapagsumite na ito ng ulat — “detalyado ang mga plano at programa nito upang higit na makamit ang layunin” – sa pangulo, sa pamamagitan ng Department of Finance.

 

Mga Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office, 4th State of the Nation Address of President Rodrigo Roa Duterte, July 22, 2019

Bangko Sentral ng Pilipinas, Universal and Commercial Bank Group Ranking as to Total Assets as of March 31, 2019

Bangko Sentral ng Pilipinas, Universal and Commercial Bank Group Ranking as to Total Deposit Liabilities as of March 31, 2019

LANDBANK, About Us

LANDBANK, 2017 Annual Report: Expanding Financial Inclusion in the Countryside

LANDBANK, 93% of LANDBANK’s loan portfolio supports agriculture sector and government development programs, July 30, 2019

Landbank.com, LANDBANK Loans to Farmers

Department of Finance, Press Release: Dominguez urges Congress to pass remaining CTRP bills, higher excise taxes on alcohol, e-cigarettes before yearend, July 23, 2019

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.