Mali ang naging pahayag ni dating presidential spokesman Harry Roque na ang 10 patrol vessels na binili mula sa Japan upang mapabuti ang seguridad sa karagatan ng bansa ay nakuha dahil kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Ang hininging “unang dalawang” mga sasakyang pandagat na may kakayahang maglunsad ng missile na sinabi ni Roque na pinaghirapan ng administrasyong Duterte ay nakaliligaw.
PAHAYAG
Sa kanyang kolum noong Hulyo 24 sa Inquirer.net, sinabi ni Roque na “imposible” ang mga iwas-giyerang mungkahi ni Supreme Court Justice Antonio Carpio sa pagkikitungo sa China pagdating sa pinagtatalunang teritoryal sa West Philippine Sea.
Sinuri ni Roque ang punto ng mga mungkahi ni Carpio. Sa mungkahi na gamitin ang mga nakuha kamakailan na mga sasakyang mula sa Japan sa pagpatrol sa Exclusive Economic Zone ng bansa, sinabi ni Roque:
“Justice Carpio then suggested the deployment of recently acquired vessels from Japan to patrol our EEZ. To begin with, it is the Duterte administration that acquired these vessels. It is also this administration that recently ordered for our first two missile-capable vessels. These vessels will be used to patrol our EEZ and territorial seas. Certainly, President Duterte has already been doing what Justice Carpio has suggested. What is clear is that the Duterte administration recognizes that defense of our territory can only be achieved with a modern navy and coast guard, hence the priority accorded the modernization of our armed forces
(Iminungkahi ni Justice Carpio ang pag gamit ng mga nakuha kamakailan na sasakyang-pandagat mula sa Japan upang mag patrol sa ating EEZ. Unang una, ang administrasyong Duterte ang nakuha ng mga sasakyang ito. Ito ring administrasyong ito na nag order kamakailan ng ating unang dalawang missile-capable na sasakyang pandagat. Ang mga sasakyang ito ay gagamitin para mag patrol sa ating EEZ at mga teritoryo sa dagat. Panigurado, ginagawa na ni Pangulong Duterte ang iminumungkahi ni Justice Carpio. Ang malinaw ay kinikilala ng administrasyong Duterte na ang pagtatanggol sa ating teritoryo ay makakamit lamang sa pamamagitan ng isang modernong hukbong-dagat at coast guard, samakatuwid ang binibigay na priyoridad sa modernisasyon ng ating sandatang lakas).”Pinagmulan: Komento ng Inquirer.net, Harry Roque: Impossible ‘non-war’ options, Hulyo 24, 2019
KATOTOHANAN
Habang ang kinokomisyon na sampung 44-metro na Multi-Role Response Vessels (MRRV) ng Philippine Coast Guard (PCG) ay nangyari sa termino ni Duterte, ang kasunduang bumili sa isang Japanese shipbuilder ay nilagdaan noong Hunyo 4, 2015, sa state visit ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino sa Tokyo.
Ang proyektong pagbili ay batay sa Maritime Safety Capability Improvement Project (MSCIP) para sa PCG sa ilalim ng Japanese Official Development Assistance (ODA) loan. Tulad ng bawat iskedyul ng kontrata, ang noo’y bagong halal na si Duterte ay opisyal na tumanggap ng una sa mga patrol vessel na ito – BRP Tubbataha – noong Agosto 18, 2016; ang huling dalawa ay naibigay noong Agosto 23, 2018.
Ang proyekto ng 10-sasakyang pandagat ay pinondohan ng P7.3 bilyong pautang mula sa Japan International Cooperation Agency, na may P1.4 bilyong kontribusyon mula sa pamahalaan ng Pilipinas, ayon sa ilang mga ulat sa balita. Ang tulong na ito ay saklaw ng Maritime Safety and Security Cooperation na nakasaad sa Action Plan for Strengthening of the Strategic Partnership na naka-annex sa PH-Japan Joint Declaration: “A Strengthened Strategic Partnership for Advancing the Shared Principles and Goals of Peace, Security, and Growth in the Region and Beyond.”
Tungkol naman sa dalawang missile-capable patrol vessel na sabi ni Roque ay “ini-order” ni Duterte, ang mga ito ay partikular na hiniling ni Aquino mula kay Japanese Prime Minister Shizo Abe bukod pa sa 10 patrol boat na naibigay na.
Sinabi ni Abe na hiniling ni Aquino ang “paglalaan ng mga malalaking patrol vessel sa Philippine Coast Guard at nais isaalang-alang ng Japan ang mga detalye ng bagay na ito.”
Ang kasunduan ay naayos sa opisyal na pagbisita ni Duterte sa Japan noong Oktubre 2016 kasama ang paglagda ng Exchange of Notes on Japanese ODA loan para sa dalawang 94m class vessel.
Ang hiniling ni Duterte at pumayag ang Japan na magbigay ng 13 High-Speed Boats para sa PCG — dalawa dito ang natanggap na nitong Pebrero.
Mga Pinagmulan
RTVM, Contract Signing between DOTC and the Japan Marine United Corporation on MSCIP, June 4, 2015
The Japan Times, Philippines accepts first of 10 Japan-funded patrol vessels to beef up coast guard, Aug. 18, 2016
Reuters, Philippines gets first coastguard boat from Japan to boost security, Aug. 18, 2016
Rappler.com, Japanese shipbuilder begins construction of PCG vessels, Feb. 8, 2016
Manila Bulletin, 10th Japan-made Coast Guard vessel arrives in PH, Aug. 21, 2018
Japan International Cooperation Agency, Press Release, Oct. 28, 2016
Japan Ministry of Foreign Affairs, Action Plan for Strengthening of the Strategic Partnership (Annex of the Joint Declaration)
Japan Ministry of Foreign Affairs, Japan- Philippines Joint Statement, Oct. 26, 2016
Japan Ministry of Foreign Affairs, Japan’s Development Cooperation in the Philippines
The Wall Street Journal, Japan to Provide Patrol Vessels to Philippines, June 4, 2015
Inquirer.net, Japan’s Abe, Aquino discuss China, patrol vessels for PH coast guard, Nov. 20, 2015
ABS-CBN News, Japan, Philippines approve defense equipment transfer, Nov. 20, 2015
Manila Standard, Manila, Tokyo agree on P93-B Bulacan rail, Nov. 21, 2015
Manila Shimbun TV, Japan delivers last 2 MRRVs to Philippine Coast Guard, Aug. 31, 2018
Embassy of Japan in the Philippines, Japan Turns Over Two 12m Class High-Speed Boats to the Philippine Coast Guard, March 1, 2019
Coastguard.gov.ph, Coast Guard receives 2 units of 12-meter-high speed boats from Japan, Feb. 27, 2019
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)