Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Datos ng gobyerno pinasisinungalingan ang pahayag ni Roque tungkol sa mahinang piso

Sinabi Palace spokesperson Harry Roque na ang piso ay "tradisyonal" na pinakamalakas sa Disyembre, isang pahayag na pinasisinungalingan ng opisyal na datos.

By VERA FILES

Sep 14, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Sinabi Palace spokesperson Harry Roque na ang piso ay “tradisyonal” na pinakamalakas sa Disyembre, isang pahayag na pinasisinungalingan ng opisyal na datos.

PAHAYAG

Nang tanungin tungkol sa paghina ng piso sa US dollar sa isang press briefing noong Sept. 7 sa Amman, Jordan, sinabi ni Roque:

Ayon sa kaugalian, ang piso ay nagiging pinakamalakas sa Disyembre dahil sa mga remittance … Sa sandaling pumasok ang mga remittance para sa Disyembre, tataas po muli iyang peso, makikita po nating lahat iyan. (Iyan ay) nagawa at nasubukan po iyan.

Source: Presidential Communications Operations Office, Press Briefing ni Harry Roque, Amman, Jordan, Septiyembre 7, 2018, panoorin mula 27: 03-27: 18

FACT

Mali si Roque; sa loob ng tatlong dekada, Disyembre (ang panahon) kung kailan ang piso ay madalas na pinakamahina kumpara sa US dollar, pinapakita ng datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Mula 1986 hanggang 2017, ang average ng buwanang palitan ng piso-sa-dolyar ay pinakamahina ng Disyembre ng 12 beses, o sa isang beses tuwing tatlong taon: noong 1989, 1990, 1995, 1996, 1997, 1999, 2000, 2002, 2003, 2013, 2015 at 2016.

Enero ang panahon kung kailan pinakamalakas ang piso, siyam na beses, sa nakaraang 32 taon; Disyembre ang sumusunod, pitong beses.

Noong nakaraang taon, ang piso ay pinakamalakas sa average sa Enero, at pinakamahina ng Oktubre.

Bago ang 1986, ang merkado ng palitan ng pera ng dayuhan sa bansa ay lubos na kontrolado.

Mga pinagkunan ng impormasyon:

Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Harry Roque, Amman, Jordan, Sept. 7, 2018.

Bangko Sentral ng Pilipinas, Peso-Dollar Exchange Rate Statistics (Excel file).

BSP Working Paper Series, Adjustments in the Face of Peso Volatility: Perspective from the Past and Policy Directions, December 2008, p. 4.

Cayetano W. Paderanga Jr., The Macroeconomic Impact of Remittances in The Philippines, Nov 26. 2014, p. 4.

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.