Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Para mapalakas ang tiwala sa Sinovac, Roque paulit-ulit na binabanggit ang maling datos

Sa hindi bababa sa tatlong magkakahiwalay na briefing, mali ang sinasabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mga resulta ng interim clinical trial ng Indonesia sa CoronaVac, ang bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na dinebelop ng Chinese firm na Sinovac Biotech.

By VERA Files

Jan 25, 2021

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa hindi bababa sa tatlong magkakahiwalay na briefing, mali ang sinasabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mga resulta ng interim clinical trial ng Indonesia sa CoronaVac, ang bakuna laban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) na dinebelop ng Chinese firm na Sinovac Biotech.

Panoorin ang video na ito:

Ang mga pahayag ni Roque tungkol sa Sinovac sa kanyang briefing noong Enero 14 ay ginawa para matugunan ang mga kritisismo na “pinapaboran” ng gobyerno ang bakunang gawa sa China kaysa sa iba pang mga kandidato na may mas mataas na mga efficacy rate at umano’y mas mura ang presyo.

Sa mga nagdaang back-to-back na pagdinig sa pambansang programa sa pagbabakuna, ginisa ng mga senador ang mga opisyal ng gobyerno tungkol pagkuha ng 25 milyong dosis ng Sinovac COVID-19 jabs sa kabila ng mga alegasyon ng overpricing at katotohanan na hindi pa ito nabibigyan ng isang emergency use authorization (EUA) ng Food and Drug Administration (FDA).

Nag-apply ang Sinovac para sa isang EUA sa bansa noong Enero 13 ngunit hindi pa ito nagsumite ng datos sa phase 3 clinical trials para sa pagsusuri, sinabi ng FDA sa isang forum ng media noong Enero 14. Hanggang Enero 21, ang COVID-19 vaccine ng Pfizer-BioNTech ang nabigyan ng permiso para sa emergency use sa bansa.

Ano ang ‘vaccine efficacy’?

Ang vaccine efficacy ay ang term na ginagamit para “mag-ulat kung gaano kahusay ang isang bakuna para maiwasan ang isang partikular na sakit sa mga controlled, research environment,” ayon sa global team ng public health experts na pinagtipun-tipon ng international nonprofit Meedan.

Nauugnay ito sa “kung gaano kahusay na pinipigilan ng bakuna ang virus sa research vaccine group” kumpara sa mga kalahok sa trial na hindi nakatanggap ng treatment, sinabi ng mga eksperto ng Meedan. Hindi nito inilalarawan kung gaano kahusay gumagana ang bakuna sa pangkalahatang publiko sa mga kondisyon sa mundo, idinagdag nila.

 

Pinagmulan

Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Jan. 14, 2021

Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Jan. 18, 2021

Presidential Communications Operations Office, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Jan. 19, 2021

Cabinet Secretary of the Republic of Indonesia, BPOM Issues EUA for Sinovac COVID-19 Vaccine, Jan. 11, 2021

Reuters, Wariness in Indonesia as Chinese COVID-19 jabs start, Jan. 13, 2021

South China Morning Post, Coronavirus: Turkey approves China’s Sinovac vaccine for emergency use, Jan. 14, 2021

AP, Indonesia green-lights emergency use of Chinese vaccine, Jan. 11, 2021

CNBC, Brazil researchers now say China’s Sinovac vaccine is 50% effective — lower than announced earlier, Jan. 12, 2021

World Health Organization, CONSIDERATIONS FOR EVALUATION OF COVID19 VACCINES, Nov. 25, 2020

Manila Bulletin, Senators question gov’t for pushing Sinovac vaccine despite its low efficacy rate, Jan. 15, 2021

Philstar.com, Senators question government preference for Sinovac, Jan. 16, 2021

Inquirer.net, Senators question vaccine deal with China’s Sinovac sans EUA application, Jan. 11, 2021

Rappler, Senate hearing puts heat on Duterte gov’t negotiations with Sinovac, Jan. 15, 2021

Manila Standard, ‘Sinovac buy still up in the air’, Jan. 16, 2021

Senate of the Philippines, Lacson: Differences in Sinovac Prices Smack in Corruption, Jan. 17, 2021

Department of Health official Facebook page, FDA Special Announcement, Jan. 14, 2021

Food and Drug Administration, FDA Philippines Grants Emergency Use Authorization to Pfizer-BioNTech COVID19 Vaccine, Jan. 14, 2021

Learnaboutcovid19.org, Vaccine efficacy, n.d.

Learnaboutcovid19.org, “In what way could the public better understand efficacy rates of COVID-19 vaccines published by various companies, and do the efficacy rates affect a population’s herd immunity if that is the ideal goal of vaccination programs?,” Jan. 19, 2021

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.