Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Roque mali sa pagsabing pareho ang proteksyong nabibigay ng face mask at shield sa COVID-19 vaccine

Sa pagpapaliwanag sa direktiba ng gobyerno sa patuloy na pag gamit ng mga face mask at face shield para makontrol ang transmission at pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), inihalintulad ni Palace Spokesperson Harry Roque ang proteksyon mula sa pagsusuot ng mga gamit na pang-proteksiyon sa pagpapabakuna laban sa sakit.

By VERA Files

Jun 6, 2021

6-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa pagpapaliwanag sa direktiba ng gobyerno sa patuloy na pag gamit ng mga face mask at face shield para makontrol ang transmission at pagkalat ng coronavirus disease 2019 (COVID-19), inihalintulad ni Palace Spokesperson Harry Roque ang proteksyon mula sa pagsusuot ng mga gamit na pang-proteksiyon sa pagpapabakuna laban sa sakit.

Habang ang isang pag-aaral noong Hunyo 2020 mula sa Lancet journal ay sumusuporta sa paggamit ng mga face mask para mabawasan ang peligro ng COVID-19 infection at mga face shield para sa proteksyon ng mata, ang mga benepisyo sa kalusugan ng mga gamit na pang-proteksiyon ay iba kaysa sa pagpapabakuna laban sa COVID-19.

PAHAYAG

Tinanong kung pinag-iisipan ng gobyerno ang patuloy na pagpapatupad ng kautusan na gumamit ng mga face mask and face shield dahil karagdagang gastos ito para sa mga Pilipino, sinabi ng tagapagsalita:

“Sa pag-aaral po, talagang nakakatulong po na makaiwas ang kaparehong … face mask and face shield, no? So together, I understand the statistical …uh… the percentage of helping and avoiding COVID is almost equivalent to having a vaccine (Kaya’t magkasama, naiintindihan ko ang istatistika … uh… ang porsyento ng tulong at pag-iwas sa COVID ay halos pareho sa pagkakaroon ng bakuna).”

Pinagmulan: PTV Philippines Official Facebook Page, WATCH: Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque | May 24, 2021, Mayo 24, 2021, panoorin mula 44:54 hanggang 45:20.

Inulit ng tagapagsalita ang pahayag sa isang online briefing noong Hunyo 3, na binanggit ang epidemiologist na si Edsel Salvana na sinasabing ang pagsusuot ng face shield ay nakakatulong na maiwasan ang COVID-19 transmission, at iginiit na ang paggamit ng face mask at face shield at pagsunod sa physical distancing ay nagbibigay ng katumbas na proteksyon ng mga bakuna.

ANG KATOTOHANAN

“Hindi maaaring ipantay” ang proteksyon mula sa pagsusuot ng face mask at face shield sa pagpapabakuna laban sa COVID-19, sinabi ni Dr. Anthony Leachon, dating special adviser ng National Task Force Against COVID-19, sa isang panayam sa telepono ng VERA Files Fact Check. Paliwanag ni Leachon, isang independent health reform advocate, ang mga gamit na pang-proteksiyon ay hindi nagbibigay ng “permanenteng proteksyon” at “hindi naglalayon na makagawa ng antibodies para aktwal na lumikha ng immune response” hindi katulad ng makukuha mula sa naaprubahang COVID-19 vaccines. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Para mapalakas ang tiwala sa Sinovac, Roque paulit-ulit na binabanggit ang maling datos)

“Kaya’t mali [na ipantay ang proteksyon mula sa mga face mask at mga face shield sa pagbabakuna laban sa COVID-19],” dagdag ni Leachon sa Filipino, na idinagdag na ang isang malawakang pagbabakuna ay maaaring humantong sa herd immunity at maibalik ang ekonomiya sa isang antas ng normalidad.

Ipinaliwanag ng global team ng health experts mula sa international non-profit Meedan sa VERA Files Fact Check na habang tinatakpan ang mga maaaring pasukan ng virus tulad ng bibig, ilong, at mata ay “binabawasan ang mga pagkakataong kumalat ang virus mula sa isang tao patungo sa isa pa,” ang gayong kagamitan ay “hindi sapat upang mahinto ang transmission.” Samakatuwid, kinakailangan pa rin ang pagbabakuna upang maihanda ang immune system ng isang tao para labanan ang virus at mabawasan ang peligro ng malubhang mga sintomas ng COVID-19, pagpapa-ospital, at pagkamatay.

Bilang sagot sa mga katanungang nai-post sa Health Desk nito, nilinaw ng team ng health experts ng Meedan:

Masks and vaccines are two different mechanisms of protection, like having a security system outside the house, but also having vaults to secure our valuables. Both are important for safeguarding our bodies. By getting vaccinated, using masks, and socially distancing when in public, we greatly reduce chances for the virus to spread and cause harm, thereby breaking widespread transmission patterns.

(Ang mga mask at bakuna ay dalawang magkaibang mekanismo ng proteksyon, tulad ng pagkakaroon ng isang security system sa labas ng bahay, ngunit mayroon ding mga vault para masiguro ang mahahalagang bagay. Mahalaga pareho para sa pangangalaga ng ating mga katawan. Sa pamamagitan ng pagpapabakuna, paggamit ng mga mask, at social distance kapag nasa publiko, binabawasan natin ang tsansa na kumalat ang virus at maging sanhi ng pinsala, sa gayon mapuputol ang malawak na mga transmission pattern.)

Pinagmulan: Meedan’s Health Desk, How are vaccines and masks different when it comes to protecting against COVID-19?, Hunyo 1, 2021

Ipinapakita ng mga advisory mula sa Department of Health (DOH), U.S. Centers for Disease Control and Prevention (CDC), at World Health Organization (WHO) na ang wastong pagsusuot ng mga face mask ay nakababawas sa transmission ng virus mula sa isang tao patungo sa isa pa.

Habang ang WHO, CDC, at iba pang mga health ministry ay hindi ipinapayo ang pagsusuot ng mga face shield, sumusunod ang DOH sa “conditional recommendation” ng Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases (PSMID) sa sapilitang paggamit ng mga face shield ng lahat, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire sa panayam noong Mayo 31 sa The Source ng CNN Philippines.

Gayunpaman, ang parehong mga alituntunin ay tumutukoy sa paggamit nito sa ibabaw ng face mask sa mga lugar na may “sustained community transmission” ng COVID-19.

Ang PSMID ay naglabas ng “malakas na rekomendasyon” para sa paggamit ng mga medikal face mask at face shield para sa mga health care worker na direkta at hindi direktang may kinalaman sa pag-aalaga ng mga pasyente ng COVID-19.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

The Lancet, Physical distancing, face masks, and eye protection to prevent person-to-person transmission of SARS-CoV-2 and COVID-19: a systematic review and meta-analysis, June 1, 2020

PTV Philippines Official Facebook Page, WATCH: Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque | May 24, 2021, May 24, 2021

PTV Philippines Official Youtube Channel, WATCH: Press briefing with Presidential Spokesperson Harry Roque | June 3, 2021, June 3, 2021

Anthony Leachon, Phone Interview with VERA Files Fact Check, June 1, 2021

World Health Organization, Rational use of personal protective equipment for coronavirus disease (COVID-19) and considerations during severe shortages, Dec. 23, 2020

World Health Organization, Coronavirus disease (COVID-19): Herd immunity, lockdowns and COVID-19, Dec. 31, 2020

World Health Organization, How do vaccines work?, Dec. 8, 2020

Meedan’s Health Desk, What do we know about claims that masks do not work?, April 21, 2020

Meedan’s Health Desk, About Health Desk, Accessed June 2, 2021

Meedan’s Health Desk, How are vaccines and masks different when it comes to protecting against COVID-19?, June 1, 2021

Department of Health, DOH: ALL COVID-19 VACCINES WITH EUA EFFECTIVE IN PREVENTING SEVERE ILLNESS AND DEATHS; REITERATES THAT THE BEST VACCINE IS THE ONE AVAILABLE, May 20, 2021

U.S. Centers for Disease Control and Prevention, Effectiveness of Pfizer-BioNTech and Moderna Vaccines Against COVID-19 Among Hospitalized Adults Aged ≥65 Years — United States, January–March 2021, May 7, 2021

Department of Health, DOH: WEARING MASKS MAY CUT TRANSMISSION RATE BY 85%, July 10, 2020

U.S. Centers for Disease Control and Prevention, Updated: Guidance for Wearing Masks, April 19, 2021

World Health Organization, Coronavirus disease (COVID-19) advice for the public: When and how to use masks, Dec. 1, 2020

Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases, Philippine COVID-19 Living Recommendations, May 28, 2021

CNN Philippines Official Youtube Channel, Health Spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire | The Source, May 31, 2021

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.