Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Ang sinasabi ng datos ng PDEA tungkol sa sitwasyon ng bawal na gamot sa Pilipinas sa paglipas ng mga taon

Narito ang sinasabi ng mga ulat ng PDEA.

By VERA FILES

Sep 14, 2018

-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

Sa halos tatlong taon na walang tigil na giyera laban sa droga, ang publiko ay nanghuhula pa rin tungkol sa katotohanan ng mga sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa kanyang pangunahing kampanya. Ang isang dahilan: Ang mga opisyal na datos ay nananatiling hindi magagamit o masyadong pangkalahatang para makabuo ng konklusyon.

Si Duterte ay nagbibitaw ng mga kontrobersyal na pahayag tungkol sa giyera laban sa droga, ang pinakabago ang pagtukoy sa Naga City bilang “pugad ng shabu sa mga nakaraang taon.”

Bago nito, mali ang sinasabi niyang ang Iloilo, ang lungsod man o lalawigan, ang “pinaka-shabulized” sa bansa; binago ang kanyang datos tungkol sa mga adik sa droga ng maraming beses; at paulit-ulit na labis ang pagkalkula sa bilang ng mga tagapagpatupad ng batas na namatay sa mga operasyon laban sa bawal na gamot.

Sa ilalim ng isang memorandum na inilabas niya noong Oktubre 10, 2017, inatasan ni Duterte ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na manguna sa digmaan laban sa droga at iniutos na ang lahat ng impormasyon mula sa mga kinauukulang mga ahensya na “iparating, ihatid o dalhin sa atensyon” ng ahensya. Ang PDEA, naman, ay “nagsasagawa ng pamamahala at iba pang mahahalagang ulat sa Office of the President,” sabi ni PDEA spokesperson Derrick Carreon.

Ang datos ng PDEA tungkol sa mga nahuli, nakumpiska, nasamsam at mga operasyon na may kaugnayan sa droga ay inilalathala sa Real Numbers PH, isang website na inilunsad noong Mayo 2017 ng Presidential Communications Operations Office na upang pigilin ang pagkalat ng “nakaliligaw na datos.”

Ngunit ang impormasyon sa Real Numbers PH ay madalang/kakaunti, binubuo ng buod ng mga pambansang istatistika na hindi sapat para makapaghusga ang publiko kaugnay ng mga pahayag na ginawa ng presidente tungkol sa mga barangay, bayan at lungsod, at kahit mga probinsya.

Ang mga end-of-year na ulat na inilalathala ng PDEA ay hindi rin bumaba sa antas ng bayan at lungsod, mas lalo sa barangay. Ang pinakabagong magagamit na taunang ulat ng PDEA na natagpuan sa kanyang website ay para sa taong 2016.

Humiling sa PDEA ang VERA Files sa ilalim ng FOI (Freedom of Information) ng na-update na datos na panrehiyon at panlalawigan para ma-fact-check ang pahayag ni Duterte tungkol sa Naga City at iba pang mga lugar. Ito tugon na mula kay Carreon:

“Mangyaring tandaan na kami ay nakatutok sa datos ng buong bansa kaya’t ang trabaho (pagpapatunay) ay lubhang matagal at nakapapagod at kritikal. Hindi ko alam kung gaano katagal ang panahon ang kinakailangan para sa gayong mga gawain. Iyon ay nasa sa aming Intelligence at Investigation Service na.”

Sa halip, ang PDEA ay nagbigay sa VERA Files ng isang taunang breakdown mula Enero 2011 hanggang Hulyo 2018. Sa kawalan ng na-update at disaggregated na datos, ang mga mamamahayag at ang publiko ay walang pagpipilian kundi pagbatayan ang inilalathala ng PDEA taun-taon at ang datos na pinipili nitong ibigay sa media.

Narito ang sinasabi ng mga ulat ng PDEA.

Ang mga taunang ulat ay tinukoy ang NCR bilang pinakasentro ng shabu

Ang bawat taunang ulat ng PDEA mula noong 2012 ay may isang seksyon na tinatawag na “The Philippine Drug Situation,” na nagpapakita ng mga trend sa merkado ng bawal na gamot, datos ng natanggal na mga plantasyon ng marijuana, pagbuwag ng mga laboratoryo ng shabu at mga kaugnay na pag-aresto, bagama’t kapansin-pansin na hindi sa lahat ng taon.

Ang PDEA, sa taunang mga ulat nito mula 2012 hanggang 2017, ay hindi kailanman tinukoy ang Naga bilang “pugad ng shabu.” Gayunman, ang ulat ng 2012 ay sinabing ang National Capital Region (NCR) ay “nananatiling pinakasentro sa paggawa ng shabu sa bansa.”

Ang rehiyon mula noon ay niraranggong una sa bilang ng mga nabuwag na laboratoryo ng shabu noong 2013, 2015 at 2016. Habang ang ulat ng 2014 ay hindi isinama ang eksaktong bilang ng datos, sinabi nito na ang pinakamaraming nabuwag na mga laboratoryo ng shabu ay nasa NCR, pati na rin sa mga lugar na may malaking populasyon sa Central Luzon.

Sa ulat ng 2017, na ibinigay ni Carreon, sinuma ng PDEA ang kabuuang bilang ng mga laboratoryo ng shabu na nabuwag mula noong 1997. Ang NCR pa rin ang una na may 48, sinundan ng Central Luzon na may 22, Calabarzon na may 19, at Bicol na may anim.

Ang Bicol ay panglimang sa bilang ng mga naaresto kaugnay sa mga nabuwag na laboratoryo ng shabu, na may pito, matapos ang NCR, 93; Calabarzon, 64; Gitnang Luzon, 49; at Central Visayas, 11.

Ang Zamboanga Peninsula ang may pinakamataas na rate ng mga barangay na apektado ng bawal na gamot sa pinakabagong magagamit na datos ng publiko

Ang datos ng PDEA para Disyembre 2017 at Enero 2018 kaugnay ng barangay na apektado ng droga ay nagraranggo sa Zamboanga Peninsula bilang una sa 17 mga rehiyon, na may 1,831 o 96.17 porsyento ng 1,904 na mga barangay na apektado ng droga.

Ang barangay na apektado ng droga ay nangangahulugang mayroong isang drug pusher, drug personality, tagagawa, drug den, o tagong laboratoryo sa lugar na tinukoy ng DDB.

Ang NCR ay malapit na ikalawa na may 1,627 o 95.37 porsiyento ng 1,706 na mga apektadong barangay. Ito ay nagpakita ng pagbawas sa bilang, na sa 2016 ay isang barangay ang layo mula sa pag-abot sa 100 porsiyento na pagka-apekto, na itong pinaka-apektadong ng droga na rehiyon sa bansa para sa taong iyon.

Ang Bicol, ang rehiyon kung saan matatagpuan ang Naga City, ay nasa ika-16 ranggo, na may 576 o 16.59 porsiyento ng 3,471 na barangay na apektado ng droga.

!function(e,t,n,s){var i=”InfogramEmbeds”,o=e.getElementsByTagName(t)[0],d=/^http:/.test(e.location)?”http:”:”https:”;if(/^/{2}/.test(s)&&(s=d+s),window[i]&&window[i].initialized)window[i].process&&window[i].process();else if(!e.getElementById(n)){var a=e.createElement(t);a.async=1,a.id=n,a.src=s,o.parentNode.insertBefore(a,o)}}(document,”script”,”infogram-async”,”https://e.infogram.com/js/dist/embed-loader-min.js”);

Ang Caloocan City ang may pinakamataas na bilang ng mga barangay na apektado ng bawal na gamot sa unang walong buwan ng 2016

Ang pinagsamang listahan ng drug-affectation ng PDEA ng 81 lalawigan at 27 lungsod mula Enero hanggang Agosto 2016 ay ay nagranggo sa Caloocan City na may 100 porsiyento na apektado ng droga. Ang Camarines Sur, kung saan matatagpuan ang Naga City, nasa ika-81 ranggo.

Ipinakita ng datos na 181 o 17 porsiyento lamang ng 1,063 barangay ng Camarines Sur ang apektado ng droga. Ang Davao City ay ika-20, na may 78 porsiyento ng mga barangay nito na apektado ng droga.

Mga pinagkunan ng impormasyon:

PCOO, President Rodrigo Duterte, Speech during the launch of Go Negosyo’s Pilipinas Angat Lahat program, Aug. 14, 2018.

PCOO, Duterte orders PDEA to lead campaign against illegal drugs, Oct. 11, 2017.

PDEA, 2012 Annual Report, The Philippine Drug Situation

PDEA, 2017 Annual Report, The Philippine Drug Situation, Critical Areas

PDEA, 2013 Annual Report, The Philippine Drug Situation

PDEA, 2015 Annual Report

PDEA, 2016 Annual Report

PDEA, 2014 Annual Report

PDEA, December 2017 and January 2018 Regional Drug-Affectation Data

PDEA, January to August 2016 Provincial Drug-Affectation Data

Ang VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang impormayan bisitahin ang pahinang ito.

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.