Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Harry Roque sa ‘word of honor’ ni Duterte salungat sa mga nakaraang pahayag ng dating pangulo

WHAT WAS CLAIMED

Sinabi ng abogadong si Harry Roque na hinahangad pa rin ng mga tao ang pamumuno ni dating pangulong Rodrigo Duterte dahil may “isang salita” siya.

OUR VERDICT

Hindi totoo:

Noong siya ay pangulo, ilang beses na binago ni Duterte ang kanyang posisyon sa mga pangunahing isyu, tulad ng kanyang mga pangako na tapusin ang katiwalian at sugpuin ang iligal na droga sa bansa.

By VERA Files

Feb 27, 2024

3-minute read

BASAHIN SA INGLES

ifcn badge

Share This Article

:

Sa panawagan sa mga nasa likod ng umano’y pamimili ng pirma para sa peoples initiative para sa Charter change, sinabi ng abogadong si Harry Roque na hinihiling pa rin ang mga tao ang pamumuno ni dating pangulong Rodrigo Duterte dahil “siya ay may isang salita” at pinaninindigan ito. Ito ay hindi totoo.

Salungat ito sa mga nakaraang pahayag ni Duterte na nagpakita na nagbago ang kanyang isip sa maraming isyu na bumagabag sa kanyang administrasyon.

PAHAYAG

Sa isang prayer rally sa Cebu City noong Peb. 25, nagbigay si Roque ng 10-minutong makapukaw-damdaming talumpati, na nagbabala sa mga Pilipino sa pag-uulit ng “madilim na panahon sa kasaysayan” nang ang mga pulitikong gutom sa kapangyarihan ang namuno sa bansa.

Tinukoy ng dating tagapagsalita ni Duterte ang dating pangulo bilang isang lider na hindi nagsisinungaling at tumutupad sa kanyang mga pangako. Sinabi niya:

Pinaka-importante, meron pong isang salita na pag sinabingI hate drugs, I will not take drugs. […] Magtataka ba sila kung bakit hinahanap-hanap ngayon ang [dating] presidente Rodrigo Roa Duterte? Dahil siya [ay] may isang salita.

(“Pinaka-importante, meron pong isang salitana pag sinabing Kimamumuhian ko ang droga, hindi ako magdro-droga. […] Magtataka ba sila kung bakit hinahanap-hanap ngayon ang [dating] presidente Rodrigo Roa Duterte? Dahil siya [ay] may isang salita.”)

Pinagmulan: Sonshine Media, FULL SPEECH | Atty. Harry Roque sa isinagawang prayer rally sa Cebu City, Peb. 25, 2024, panoorin mula 4:03 hanggang 5:43

ANG KATOTOHANAN

Noong siya ay pangulo, ilang beses na binago ni Duterte ang kanyang posisyon sa mga pangunahing isyu, tulad ng kanyang mga pangakong sugpuin ang katiwalian at alisin ang iligal na droga sa bansa. Tatlong taon sa pagkapangulo noong 2019, sinabi ni Duterte na “hindi niya makontrol ang droga,” isang pagbabago mula sa kanyang pangako noong 2016 na puksain ang iligal na droga sa loob ng tatlo hanggang anim na buwan.

Noong 2017, nangako si Duterte na magkaroon ng 101% na malinis na gobyerno. Bago matapos ang kanyang termino noong 2022, sinabi niyang walang makakapigil sa katiwalian.

(Basahin ang VERA FILES FACT SHEET: Dutertes never-endingfight against drugs and corruption in his own words (Part 1) at VERA FILES FACT SHEET: Dutertes never-endingfight against drugs and corruption in his own words (Part 2))

Si Duterte, sa isang talumpati noong Dis. 3, 2018, ay nagsabi na dati siyang gumagamit ng marijuana para manatiling gising ngunit huminto dahil siya ay tumatanda na. Nang maglaon sa araw na iyon, binawi ng dating pangulo ang pahayag na ito, na sinabing siya ay nagbibiro lang.

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

Mga Pinagmulan

GMA News Youtube Channel, REPLAY: PiliPinas Debates 2016 (commercial-free), Feb. 23, 2016

RTVMalacañang, PDP – Lakas ng Bayan (PDP-Laban) Malabon City Campaign Rally (Speech) 4/2/2019, April 2, 2019 

RTVMalacañang, 2017 State of the Nation Address, July 24, 2017

RTVMalacañang, Inauguration of the New Dr. Jose Fabella Memorial Hospital (Speech), May 4, 2022

RTVMalacañang, Conferment of Awards on ASEAN NOC Officials and Personnel (transcript), Dec. 3, 2018

Presidential Communications Office, Media Interview of President Rodrigo Roa Duterte following the conferment of posthumous Quezon Service Cross Award on the late Senator Miriam Defensor Santiago (transcript), Dec. 3, 2018

Inquirer.net, Duterte on admissionto marijuana use: It was a joke, Dec. 3, 2018

Philstar.com, Marijuana, EJKs and cursing: 5 times Duterte was just kidding, Dec. 4, 2018

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.