Ipinaliwanag ni Sen. Jinggoy Estrada noong Peb. 21 na naghain siya ng resolusyon na humihimok sa Senado na tutulan ang pagpapatuloy ng pagsisiyasat ng International Criminal Court (ICC) sa mga pagpatay na may kaugnayan sa digmaan laban sa droga ng administrasyong Duterte dahil ang sistema ng hudikatura sa bansa ay ganap na gumagana. Binigyang-diin niya na ang gobyerno ay gumawa ng sarili nitong imbestigasyon at nagsampa ng mga kaukulang kaso. Ito ay nakaliligaw.
Ang resolusyon ni Estrada ay inihain isang araw matapos hilingin ni Sen. Robinhood Padilla sa Senado sa isang hiwalay na resolusyon na ideklara ang “walang alinlangang depensa” kay dating pangulong Rodrigo Duterte. Ang resolusyon ni Padilla ay sumasalamin sa House Resolution 780 ni Senior Deputy Speaker Gloria Macapagal-Arroyo na inihain noong Peb. 15. (Basahin AT A GLANCE: House Resolution to support Duterte vs ICC probe)
Si Estrada ay isa sa 17 senador na bumoto para pagtibayin ang Rome Statute, ang kasunduang nagtatatag ng ICC, noong 2011.
PAHAYAG
Sa isang press release, sinabi ni Estrada:
“As I have pointed out in Senate Resolution No. 492, our domestic institutions are fully functional and more than capable to address the concerns raised by the Prosecutor of the ICC Karim A. A. Khan QC and our government formally conveyed this to the ICC in a letter dated November 10, 2021. Our Department of Justice and the Philippine National Police-Internal Affairs Service have in fact investigated the alleged crimes committed between July 1, 2016 to March 16, 2019 under the so-called war on drugs campaign and such effort resulted in the filing of four criminal cases before the courts.”
(“Tulad ng aking binanggit sa Senate Resolution No. 492, ang ating mga lokal na institusyon ay ganap na gumagana at higit na may kakayahang tugunan ang mga alalahanin na sinasabi ni ICC Prosecutor Karim A. A. Khan QC at ang ating pamahalaan ay pormal na ipinarating ito sa ICC sa isang sulat na may petsang Nobyembre 10, 2021. Sa katunayan, iniimbestigahan ng ating Department of Justice at Philippine National Police-Internal Affairs Service ang mga umano’y krimeng ginawa sa pagitan ng Hulyo 1, 2016 hanggang Marso 16, 2019 sa ilalim ng tinatawag na kampanyang giyera kontra droga at nagbunga ang ganitong pagsisikap sa pagsasampa ng apat na kasong kriminal sa mga korte.”)
Pinagmulan: Senate of the Philippines, SENATOR JINGGOY EJERCITO ESTRADA’S RESPONSE TO QUERY ON HIS DECISION TO FILE SRN 492, Peb. 21, 2023
ANG KATOTOHANAN
Nilinaw ng ICC na hindi nito nilayon na palitan ang mga lokal na korte dahil nag-uusig lamang ito ng mga kaso kapag ang mga estado ay napatunayang ayaw o walang kakayahan na gawin ito.
Gayunpaman, sa desisyon nito noong Enero 26, sinabi ng ICC Pre-Trial Chamber I na ang pagsisiyasat sa drug war na ginawa ng gobyerno ng Pilipinas ay nakatuon lamang sa mga “mababang ranggo” na mga pulis at nabigong imbestigahan ang sistematikong katangian ng mga krimen o tukuyin ang “pinaka-responsable” na mga opisyal.
Ang imbestigasyon ng ICC Office of the Prosecutor ay sumasaklaw sa mga umano’y pagpatay na may kaugnayan sa drug war ni Duterte at sa 2011-2016 vigilante group na Davao Death Squad.
Sa desisyon ng awtorisasyon nito, isinulat ng Pre-Trial Chamber I, “Ang Pilipinas ay nabigo na magbigay ng materyal na nagpapakita na ito ay nagsagawa o nagsasagawa ng mga pambansang pagsisiyasat o pag-uusig na sapat na sumasalamin sa imbestigasyon na pinahintulutan ng Chamber, sa kabila ng pagkakaroon ng sapat na pagkakataon na gawin ito.”
Sina Duterte o Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa, ang dalawang opisyal na pinangalanan sa ICC Office of the Prosecutor’s 2021 investigation request, ay hindi nahaharap sa mga kaso sa mga lokal na korte kaugnay ng umano’y pagkakasangkot sa drug war o ang mga Davao Death Squad killings.
Si Estrada ang pangalawang senador na gumawa ng nakaliligaw na pahayag na ito. Ang kanyang kasamahan, si Dela Rosa, ay nag-iwan ng mahalagang konteksto sa complementarity principle ng ICC noong Peb. 2. (Basahin ang VERA FILES FACT CHECK: Dela Rosa’s statement on ICC complementarity principle is misleading)
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
Senate of the Philippines, SENATOR JINGGOY EJERCITO ESTRADA’S RESPONSE TO QUERY ON HIS DECISION TO FILE SRN 492, Feb. 21, 2023
Senate of the Philippines, ROME STATUTE OF THE INTERNATIONAL CRIMINAL COURT, Aug. 23, 2011
International Criminal Court, How the Court Works, accessed on Feb. 6, 2023
International Criminal Court, Public Redacted Version of “Authorisation pursuant to article 18(2) of the Statute to resume the investigation”, Jan. 26, 2023
International Criminal Court, Public redacted version of “Request for authorisation of an investigation pursuant to article 15(3)”, 24 May 2021, ICC-01/21-7-SECRET-Exp, June 14, 2021
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)