Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Marcos na ‘nangunguna’ ang PH sa pagbangon ng ekonomiya sa Asia-Pacific, mundo HINDI TOTOO

WHAT WAS CLAIMED

Ang Pilipinas ay nangunguna [sa] economic recovery at performance hindi lamang sa Asia-Pacific kundi maging sa mundo.

OUR VERDICT

Hindi totoo:

Sa Southeast Asia pa lamang, ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas ay ikawalo sa pinakamabagal na nakabangon mula sa recession na dala ng COVID-19 pandemic, ayon sa datos ng IBON Foundation.
Ang datos mula sa ASEAN Statistics Division at International Monetary Fund (IMF) ay nagpapakita na ang bansa ay nag-post ng ikatlong pinakamataas na inflation rate habang ang unemployment rate ay pang-apat na pinakamataas hanggang noong Oktubre 2022.

By VERA Files

Jan 30, 2023

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa kanyang arrival statement sa Maynila mula sa Davos, Switzerland noong Enero 21, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang Pilipinas ay “nangunguna [sa] economic recovery” hindi lamang sa rehiyon ng Asia-Pacific kundi maging sa mundo.

Ito ay hindi totoo.

PAHAYAG

Matapos makilahok sa World Economic Forum (WEF) na ginanap noong Enero 16 hanggang 20, nagsalita si Marcos sa harap ng mga opisyal ng gobyerno sa Villamor Air Base sa Pasay City. Sinabi niya:

“Ang ating pakikipag-ugnayan sa WEF ay nagbigay-daan sa maraming pinuno at eksperto sa gobyerno, sa negosyo, civil organization, at sa akademya na dumalo na makatanggap ng magandang balita na ang Pilipinas ay nangunguna sa pagbangon ng ekonomiya at performance hindi lamang sa Asia-Pacific kundi pati na rin sa mundo.”

Pinagmulan: RVMalacañang, Arrival Statement from Participation to the World Economic Forum in Davos, Switzerland 01/21/2023, Enero 21, 2023, panoorin mula 2:52 hanggang 3:12

ANG KATOTOHANAN

Sa Southeast Asia pa lang, ang gross domestic product (GDP) ng Pilipinas ay ikawalo sa pinakamabagal na nakabangon mula sa recession na dala ng COVID-19 pandemic, ayon sa datos mula sa IBON Foundation hanggang noong Abril 2022.

Ang datos mula sa ASEAN Statistics Division at International Monetary Fund (IMF) ay nagpapakita na ang Pilipinas ay nag-post ng ikatlong pinakamataas na inflation rate habang ang unemployment rate ay pangatlo sa pinakamataas sa Southeast Asia hanggang noong Oktubre 2022.

Ayon sa World Bank, ang mga indicator ng economic recovery ay kinabibilangan ng rebounding GDP, pagbaba ng unemployment rate at stabilizing inflation rate.

Hindi nangunguna ang Pilipinas sa rehiyon ng Asia-Pacific sa alinman sa mga indicator na ito.


Habang isinusulat ang report na ito, nakita ng VERA Files Fact Check ang maling pahayag na ikinalat sa hindi bababa sa 11 pro-administrasyon na Facebook pages at public groups, ayon sa social media monitoring tool na CrowdTangle.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

RTVMalacañang, Arrival Statement from Participation to the World Economic Forum in Davos, Switzerland 01/21/2023, Jan. 21, 2023

IBON Foundation, PH among worst performers in Southeast Asia, June 13, 2022

International Monetary Fund, World Economic Outlook (October 2022) – Inflation rate, average consumer prices, accessed on Jan. 25, 2023

ASEAN Statistics Division, Inflation rate, year-on-year change of the consumer price index, average of period (Annually), Dec. 2022

Philippine Statistics Authority, Summary Inflation Report Consumer Price Index (2018=100): October 2022, Nov. 4, 2022

ASEAN, ASEAN Economic Integration Brief, June 2022

International Monetary Fund, World Economic Outlook (October 2022) – Unemployment rate, accessed on Jan. 25, 2023

World Bank, WDI – Economy, accessed on Jan. 30, 2023

International Monetary Fund, World Economic Outlook (October 2022) – GDP, current price, accessed on Jan. 25, 2023

Centre for Monitoring Indian Economy, Unemployment in India: A Statistical Profile (September-December 2019),Dec. 2019

Centre for Monitoring Indian Economy, Unemployment in India: A Statistical Profile (September-December 2020),Dec. 2020

Centre for Monitoring Indian Economy, Unemployment in India: A Statistical Profile (September-December 2021),Dec. 2021

Centre for Monitoring Indian Economy, Unemployment in India: A Statistical Profile (September-December 2022),Dec. 2022

Cambodia Institute of Statistics, Report on the Cambodia Labour Force Survey 2019, 2019

Cambodia Institute of Statistics, Final Report of Cambodia Socio-Economic Survey 2019-2020, December 2020

Cambodia Institute of Statistics, Final Report of Cambodia Socio-Economic Survey 2021, December 2021

Maldives Bureau of Statistics, House Income and Expenditure Survey 2019, accessed on Jan. 26, 2023

International Labour Organization, ILO Data Explorer, accessed on Jan. 26, 2023

World Bank, Unemployment, (total % of the labor force)(Modeled ILO estimate) – Bangladesh, Dec. 6, 2022

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.