Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Marcos na wala silang dala nang umalis matapos ipatapon sa Hawaii, HINDI TOTOO

WHAT WAS CLAIMED

Ang pamilya Marcos ay “walang natira (na ari-arian)” dahil “lahat ay kinuha sa [kanila]” nang sila ay itinapon sa Hawaii noong 1986.

OUR VERDICT

Hindi totoo:

Kinumpiska ng United States Customs Services ang mga set ng alahas, na nagkakahalaga, batay sa Christie’s auction house noong 1991, sa pagitan ng $436,420 at $559,630, na dinala ng mga Marcos sa Honolulu noong 1986. Ang mga Marcos ay nagdala ng mahigit P397-milyong halaga ng mga bank certificate, na ngayon ay itinuturing na nakaw na yaman kasunod ng desisyon ng Sandiganbayan noong 2021 na nag-uutos sa kanilang pagbabalik sa gobyerno ng Pilipinas.

By VERA Files

Mar 9, 2024

3-minute read

BASAHIN SA INGLES

ifcn badge

Share This Article

:

Hindi totoo ang pahayag ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na “wala nang natira”  sa kanila dahil “lahat ay kinuha sa [kanila]” nang ang kanilang pamilya ay ipinatapon sa Hawaii kasunod ng pagpapatalsik sa kanyang ama noong Pebrero 1986.

PAHAYAG

Sa isang sit-down interview sa Melbourne noong Marso 4, inungkat ni Australian Broadcasting Corp. anchor Sarah Ferguson ang kasaysayan ng korapsyon ng pamilya Marcos. Minaliit at binale-wala ng Pangulo ang mga pahayag na ito bilang propaganda lamang.

Pagkatapos ay binanggit niya na ang mga kaso ng katiwalian ay isinampa laban sa kanyang pamilya at sila ay pumirma ng ilang quitclaims sa mga iyon. Ipinagpatuloy niya:

“Everything was taken from us. We were taken to Hawaii. Everything. Everything was taken from us. We had nothing left.”

(Ang lahat ay kinuha sa amin. Dinala kami sa Hawaii. Lahat. Lahat ay kinuha sa amin. Walang natira sa amin.”)

Pinagmulan: ABC News In-Depth, Single ‘mistake’ could trigger South China Sea conflict, warns Philippines President | 7.30, Marso 4, 2024, panoorin mula 15:18 hanggang 15:29

ANG KATOTOHANAN

Hindi umalis ang mga Marcos ng Pilipinas na walang dala.

Hindi ito ang unang pagkakataon na sinabi ito ng Pangulo. Na fact-check ng VERA Files noong Nobyembre noong nakaraang taon ang katulad na pahayag sa isang meeting sa Filipino community sa Hawaii.

(Basahin ang VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Marcos na ‘walang wala’ ang kanilang pamilya nang ipatapon at dumating sila sa Hawaii HINDI TOTOO )

Hindi totoo ang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na kinuha ang lahat sa kanilang pamilya at walang natira sa kanila noong na-exile sila sa Hawaii matapos mapatalsik sa pwesto ang kanyang ama noong Pebrero 1986. May dinala silang mga alahas na kinumpiska ang United States Customs Services na nagkakahalagang $436,420 hanggang $559,630.

Noong 1986, kinumpiska ng United States Customs Services ang mga set ng alahas, na nagkakahalaga, batay sa Christie’s auction house noong 1991, sa pagitan ng $436,420 at $559,630, na dinala ng mga Marcos sa Honolulu. Ang koleksyon na ito, na kilala bilang Hawaii Collection, ay ipinasa sa gobyerno ng Pilipinas noong 1992.

Bukod pa rito, ang mga Marcos ay nagdala ng mahigit P397-milyong halaga ng mga bank certificate, na ngayon ay itinuring na ill-gotten wealth kasunod ng 2021 Sandiganbayan ruling na nag-uutos sa kanilang ibalik sa gobyerno ng Pilipinas.

Maraming ulat din ang nagsasaad na ang mga Marcos ay nagdala ng 22 crates ng cash, na may kabuuang P27 milyon na bagong limbag na mga Philippine notes, kasama ang 24 gold bricks at mahigit 400 piraso ng alahas, bukod sa iba pang mga item, sa Honolulu.

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

Mga Pinagmulan

Supreme Court of the Philippines E-Library, G.R. No. 213027, Jan. 18, 2017

Ombudsman of the Philippines, Civil Case No. 0181, Sept. 24, 2021

On other items brought to Honolulu

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.