Sa paggunita ng kanilang anim na taong pagkakatapon kasunod ng 1986 People Power Revolution, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang kanyang pamilya ay “walang wala” nang dumating sila sa Honolulu, Hawaii kung saan sila ay inilipad mula sa Palasyo ng Malacañan matapos mapatalsik ang kanyang ama bilang presidente. Ito ay hindi totoo.
PAHAYAG
Sa isang pagpupulong noong Nob. 18 sa kanyang side trip mula sa U.S. mainland, pinasalamatan ni Marcos ang mga Filipino at Filipino-American communities sa Honolulu na, aniya, ay “pinanatiling buhay (sila)” sa mga taon ng kanilang pagkakatapon. Pagkatapos, naalala niya:
“We landed here in Honolulu with nothing, with nothing. My family was flown from Malacañan Palace to Hickam Air Force Base and when we finally move[d] to Makiki Heights. Kayong lahat, nakikita ko kayo nandoon kayong lahat. I know – they were always there. We had nothing with us. They kept everything to inspect everything.”
(“Nakarating kami dito sa Honolulu na wala, walang dala. Ang aking pamilya ay inilipad mula sa Palasyo ng Malacañan patungo sa Hickam Air Force Base at nang sa wakas ay lumipat kami sa Makiki Heights. Kayong lahat, nakikita ko kayo nandoon kayong lahat. Alam ko – lagi silang nandiyan. Wala kaming dala. Kinuha nila ang lahat para suriin ang lahat.”)
Pinagmulan: RVMalacañang, Meeting with the Filipino Community in Hawaii (Speech) 11/18/2023, Nob. 18, 2023, panoorin mula 2:38 hanggang 3:07
ANG KATOTOHANAN
Ang pamilya Marcos ay hindi itinapon nang walang dala. Noong 1986, kinuha ng United States Customs Services ang mga set ng alahas, na tinaya noong 1991 ng Christie’s auction house na nagkakahalaga ng $436,420 hanggang $559,630, na dinala ng mga Marcos sa Honolulu. Kilala bilang Hawaii Collection, ito ay ibinigay sa gobyerno ng Pilipinas noong 1992.
Nagdala rin ang mga Marcos ng mahigit P397-milyong halaga ng mga bank certificate, na ngayon ay itinuturing na ill-gotten wealth kasunod ng desisyon ng Sandiganbayan noong 2021 na nag-uutos na ibalik ang mga deposito sa bangko na ito sa gobyerno ng Pilipinas.
Maraming ulat din ang nakasaad na ang mga Marcos ay nagdala sa Honolulu ng 22 crates ng cash, bagong imprentang Philippine notes na nagkakahalaga ng P27 milyon, 24 gold bricks at mahigit 400 piraso ng alahas, bukod sa iba pang mga bagay.
BACKSTORY
Isinuko ni dating unang ginang Imelda Marcos ang pagmamay-ari ng mga nakumpiskang set ng alahas na kilala bilang Hawaii Collection at lahat ng mga bagay na dinala ng kanyang pamilya sa Honolulu sa Presidential Commission on Good Government (PCGG) sa isang settlement agreement noong Okt. 15, 1991. Ito ay kapalit ng pag atras ng ilang kaso laban sa pamilya.
Nilikha ni dating pangulong Corazon Aquino ang PCGG tatlong araw matapos ang pagbagsak ng yumaong diktador Marcos Sr. Ang ahensya ay may mandato na bawiin ang ill-gotten wealth na naipon ng pamilya Marcos, kanilang mga kamag-anak, nasasakupan at malalapit na kasosyo sa Pilipinas at sa ibang bansa.
(Basahin ang VERA FILES FACT CHECK: Claims that Marcos cases and ill-gotten wealth are fiction are FALSE)
Noong 2022, iniulat ng PCGG ang kabuuang P265-bilyong cash at mga asset na nabawi mula 1986 hanggang Disyembre 2021.
May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).
Mga Pinagmulan
Supreme Court of the Philippines E-Library, G.R. No. 213027, Jan. 18, 2017
Official Gazette of the Philippines, PCGG 28 Years Later, Feb. 2, 2014
Ombudsman of the Philippines, Civil Case No. 0181, Sept. 24, 2021
Reuters, How Marcos could control hunt for his family’s wealth as Philippines president, May 3, 2022
The Guardian, The $10bn question: what happened to the Marcos millions?, May 7, 2016
GMA News Online, What Marcoses brought to Hawaii after fleeing PHL in ’86: $717-M in cash, $124-M in deposit slips, Feb. 25, 2016
PCGG, 2012 Annual Report, August 2013
The Los Angeles Times, Marcos Gives Up Millions in Cash, Jewels to Settle Philippine Suit, Nov. 5, 1991
ABS-CBN News, Imelda handed over Hawaii jewels in 1991: documents, July 16, 2009
Official Gazette of the Philippines, Executive Order No. 1, s. 1986, Feb. 28, 1986
PCGG, Mandate, Accessed Nov. 22, 2023
PCGG, Coffee Table Book 2022, Accessed Nov. 22, 2023
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)