Ang sinabi ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III na maaaring kanselahin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Visiting Forces Agreement (VFA) “mayroon man o walang” dahilan ay kailangang isaalang-alang ang kaso na nakabinbin sa Supreme Court (SC).
PAHAYAG
Sa isang press release noong Enero 24, nagbigay ng reaksyon si Pimentel, tagapangulo ng Senate committee on foreign relations, sa banta ni Duterte na wakasan ang VFA sa gobyerno ng Estados Unidos matapos malaman na ang US visa ng kanyang dating pulis at correction chief na si Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa ay kinansela.
Nakasaad sa pahayag ni Pimentel:
“Re VFA, that agreement should always be subject to review. The President may cancel it with or without a reason. He can even say that times have changed and it is no longer needed by the country (ang kasunduang iyon ay dapat palaging isinasalang sa pagsusuri. Maaaring kanselahin ito ng Pangulo mayroo o wala mang dahilan. Masasabi nga niya na nagbago na ang panahon at hindi na ito kinakailangan ng bansa).”
Pinagmulan: Senate of the Philippines, Senator Koko Pimentel on President Rodrigo Roa Duterte terminating the Visiting Forces Agreement (VFA) with the US, Enero 24, 2020
ANG KATOTOHANAN
Ang katanungan kung maaaring wakasan ng pangulo ang isang treaty o kasunduan kasama ang ibang mga bansa ay hindi pa napapagpasyahan ng Korte Suprema.
Mayroong hindi bababa sa dalawang petisyon na isinampa sa SC noong 2018 na kinukwestiyon kung si Duterte, ay talagang, may natatanging awtoridad na kumalas sa isang kasunduan nang walang pagsang-ayon ng Senado.
Ang dalawang petisyon ay hiwalay na isinampa ng isang pangkat ng mga senador ng oposisyon, kasama ang sina senador Leila de Lima at Francis “Kiko” Pangilinan, at ang Philippine Coalition for the International Criminal Court (PCICC). Ito ay matapos na sinimulan ng gobyernong Duterte ang pag-alis sa ICC. (Tingnan ang The Philippines and the International Criminal Court)
Ang pagkalas ng bansa sa ICC ay naging ganap noong Marso 17, 2019, kahit na wala pang desisyon ang SC.
Sa ilalim ng 1987 Philippine Constitution, kinakailangan ang pagsang-ayon ng Senado para mapagtibay ang isang kasunduan:
“No treaty or international agreement shall be valid and effective unless concurred in by at least two-thirds of all the Members of the Senate (Walang treaty o pang-internasyonal na kasunduan ang maaaring magkabisa at maging epektibo maliban kung sang-ayunan ng hindi bababa sa dalawang-katlo ng lahat ng mga Miyembro ng Senado).”
Pinagmulan: Official Gazette, 1987 Constitution, Section 21, Article VII
Ang VFA ay isang kasunduan noong 1999 sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos na binabanggit ang mga termino at kundisyon sa pagpasok at pagbisita ng mga tauhan ng militar ng Estados Unidos sa bansa. Ang Artikulo IX ay nagsasabi na ang VFA ay “mananatiling may bisa” hanggang sa “pagtatapos ng 180 araw mula sa petsa” ng paglabas ng isang nakasulat na abiso ng alinman sa Pilipinas o Estados Unidos na nagpapahayag ng hangarin na wakasan ang kasunduan.
Una nang nagbanta si Duterte na ibasura ang VFA noong Disyembre 2016 matapos na hindi ni-renew ng Millenium Challenge Corporation na suportado ng US ang US $ 433-milyong grant sa Pilipinas dahil sa “mga pagkabahala tungkol sa patakaran ng batas at kalayaang sibil” sa ilalim ng kanyang administrasyon. Inulit niya ang bantang ito noong Enero 23 matapos malaman na kinansela ang US visa ni Dela Rosa.
Noong Enero 24, inihayag ng Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa isang tweet na siya at si Defense Secretary Delfin Lorenzana ay nagsisimula na sa proseso ng pagwawakas ng VFA sa pamamagitan ng pakikipag-ugnay muna sa Senado.
Mga Pinagmulan
Senate of the Philippines, Senator Koko Pimentel on President Rodrigo Roa Duterte terminating the Visiting Forces Agreement (VFA) with the US, Jan. 24, 2020
RTVMalacanang, Ceremonial Distribution of Benefits to Former Rebels (Speech) 1/23/2020, Jan. 23, 2020
Office of Senator Leila De Lima, G.R. No. 238875: Senator Francis “Kiko” N. Pangilinan, et al. v. Alan Peter Cayetano, et al.
Philippine Coalition for the International Criminal Court, Petition to the Supreme Court against the withdrawal of the Philippines from the ICC,
Official Gazette, 1987 Constitution
Official Gazette, Agreement between the Government of the United States of America and the Government of the Republic of the Philippines regarding the treatment of Republic of the Philippines Personnel visiting the United States of America, Oct. 9, 1998
Official Gazette, Q&A; on the Enhanced Defense Cooperation Agreement
United Nations, Philippines’ Notice Withdrawal from the ICC, March 17, 2018
Radio Television Malacanang, Arrival from Cambodia and Singapore State Visits (Speech), Feb. 21, 2017
Millenium Challenge Corporation grant deferred
- ABS-CBN News, US agency defers grant to PH amid rule of law issues, Dec. 15, 2016
- GMA News Online, PHL loses US Millenium grant over rights concerns, Dec. 15, 2016
- Philstar.com, US defers Philippine grant amid rule of law, rights issues, Dec. 16, 2016
Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. official Twitter account, @dndphl Del Lorenzana & I—as Vice and Chair of USVFA…, Jan. 24, 2020
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)