Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Roque na ‘tanging’ si Duterte ang nakapagbigay ng mga bagong frigate sa AFP kulang ng konteksto

Ang sinabi ni Palace Spokesperson Harry Roque na si Pangulong Rodrigo Duterte “lang” ang nakapagbigay sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ng dalawang bagong frigates bilang bahagi ng modernization program ng militar ay nangangailangan ng konteksto.

By VERA Files

Jun 22, 2021

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Ang sinabi ni Palace Spokesperson Harry Roque na si Pangulong Rodrigo Duterte “lang” ang nakapagbigay sa Armed Forces of the Philippines (AFP) ng dalawang bagong frigates bilang bahagi ng modernization program ng militar ay nangangailangan ng konteksto.

PAHAYAG

Noong Hunyo 8, inulit sa isang pahayag ni Sen. Risa Hontiveros ng oposisyon ang panukala ni political science professor Clarita Carlos, na minsan nagsilbing pangulo ng pinamamahalaan ng estado na National Defense College of the Philippines, na muling ayusin ang AFP at palakasin ang depensa sa karagatan ng bansa laban sa incursions sa territorial waters nito.

Tinanong kung tinitingnan ni Duterte ang panukala ni Carlos, sinabi ni Roque sa isang pahayag sa press noong araw ding iyon:

“Sa totoo lang po, matagal na po iyang in-implement ng ating Presidente. Siya lang po ang nagpasok ng dalawang modernong frigates galing po sa South Korea, at patuloy po ang kaniyang ninanais na tuluyang ma-modernize ang ating Hukbong Sandatahan dahil talaga namang hindi madidepensahan ang national teritoryo kung wala tayong kakayahan na dipensahan iyan.”

Pinagmulan: People’s Television, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, Hunyo 8, 2021, panoorin mula 43:45 hanggang 44:01 (transcript)

Sinabi pa ni Roque na itutuloy ng pangulo ang AFP modernization hanggang sa magtapos ang kanyang termino, “mayroon o walang COVID (coronavirus disease 2019).”

ANG KATOTOHANAN

Bagaman ang dalawang bagong missile-frigate ng Philippine Navy ay naihatid sa panahon ng administrasyong Duterte, ang mga anunsyo ng gobyerno at mga ulat sa media ay nagpapakita na ang pagbili nito ay sinimulan noong 2013, sa panahon ng administrasyon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.

Ang proseso ng bidding para sa mga frigate ay nagsimula noong Oktubre 2013 sa pamamagitan ng P18-bilyong budget sa ilalim ng Frigate Acquisition Project (FAP) ng Philippine Navy.

Ang FAP ay isang “big ticket” item sa pinalawig na 15-taong modernization program ng sandatahang lakas, na nagsimula noong 2013, upang mapalakas ang kakayahan na depensahan ang teritoryo ng bansa.

Noong Oktubre 2015, binago ng Department of National Defense (DND) ang mga acquisition document sa pamamagitan ng paghahati sa kontrata: ang mga frigate sa halagang P16 bilyon at ang mga munition sa halagang P2 bilyon, mula sa magkakaibang mga supplier. Gayunpaman, ang bidding ay hindi natapos nang bumaba sa puwesto si Aquino noong Hunyo 30, 2016.

Sa ilalim ng administrasyong Duterte noong Oktubre 2016, iginawad ng bagong itinalagang Defense Secretary Delfin Lorenzana ang kontrata na gumawa ng dalawang 2,600-toneladang frigate sa South Korean warship manufacturer Hyundai Heavy Industries (HHI).

Gayunpaman, isiniwalat ni Ernesto Boac, dating pinuno ng Bid and Awards Committee (BAC) ng DND, sa isang pagdinig sa Senado noong 2018 na ang proseso ng bidding ay natapos bunga ng rekomendasyon noong ikalawang linggo ng Hunyo 2016 ng noo’y Defense Secretary Voltaire Gazmin para sa pagpapalabas ng notice of award sa nanalong bidder, na HHI.

Sinabi ni Gazmin, na naroroon sa parehong pagdinig, na pinayuhan siyang ipagpaliban ang “pagbibigay ng awards o pagpapatupad ng mga kontrata” at payagan ang papasok na administrasyong Duterte na magpasya sa kontrata.

Ang pagdinig sa Senado ay bunga ng maraming ulat sa media na ang dating aide ni Duterte na naging senador, si Christopher “Bong” Go, ay nakikialam sa pagpili ng combat management system (CMS), o computer at software ng mga frigate na nag-iintegrate ng lahat ng sandata ng isang barko, data, sensors at iba pang kagamitan sa iisang system.

Magkahiwalay na inihatid ng HHI ang dalawang frigates sa Navy. Ang unang frigate na pinangalanang Barko ng Republika ng Pilipinas (BRP) Jose Rizal, ay dumating noong Mayo 2020, habang ang pangalawa, na pinangalanang BRP Antonio Luna, ay naihatid noong Peb. 5.

Ayon sa DND, ang dalawang frigates ay ang “kauna-unahang” mga barkong pandigma ng Navy na may kakayahang magsagawa ng “anti-air warfare (AAW), anti-surface warfare (ASUW), anti-submarine warfare (ASW) at electronic warfare (EW) operations.”

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Senate of the Philippines, Press Release – Hontiveros to DND: Study proposal seeking to restructure AFP with more maritime forces, June 8, 2021

National Defense College of the Philippines, Past Presidents, Accessed June 14, 2021

People’s Television, Press Briefing of Presidential Spokesperson Harry Roque, June 8, 2021

Initiation of frigates procurement

Start of procurement process

Philippine Navy, Rough Deck Log, May 2019

Department of National Defense, Annual Report 2019, 2019

Official Gazette, Republic Act No. 10349

Presidential Communications Operations Office, President Duterte vows for continuous AFP modernization, July 2, 2019

Philippine Navy, Rough Deck Log, June 2019

Senate of the CA approves appointment of Medialdea and Lorenzana, Oct. 19, 2016

Department of National Defense, Defense_Chronicle_Volume_3_Issue_3, 2019

Hyundai Heavy Industries, Sitemap, Oct. 24, 2016

ABS-CBN News, WATCH: Senate investigates Navy frigate deal, Feb. 18, 2018

Go on frigates deal hearing

Lockheed Martin, The Brains of a ship, Accessed June 18, 2021

Philippine Navy, Rough Deck Log, July 2020

Philippine Navy, Navy welcomes future BRP Antonio Luna as it reaches Philippine waters, Feb. 9, 2021

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.