Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Palasyo kinontra ang AFP chief, sinabing PH ‘hindi bukas’ sa mga bagong military agreement

Kinontra ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang mga bagong hinirang na Armed Forces Chief Felimon Santos Jr., na nagsabing “isusulong” ng Pilipinas ang pag-apruba ng mga visiting forces agreement (VFA) sa ibang mga bansa.

By VERA Files

Feb 17, 2020

2-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Kinontra ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ang mga bagong hinirang na Armed Forces Chief Felimon Santos Jr., na nagsabing “isusulong” ng Pilipinas ang pag-apruba ng mga visiting forces agreement (VFA) sa ibang mga bansa.

Sa isang panayam sa radyo noong Peb. 13, tinanong si Panelo tungkol sa susunod na hakbang ng administrasyong Duterte kasunod ng pagtatapos nito sa VFA kasama ang United States.

Sinabi niya na ang pangulo ay hindi na bukas sa muling negosasyon ng kasunduan, ni walang interes na gumawa ng mga bagong pang militar na kasunduan sa ibang mga bansa.

Ngunit sa isang araw bago (ang pahayag ni Panelo), sinabi ni Santos na ang Armed Forces of the Philippines ay “magdadagdag ng bilateral exercises [at] mga kasunduan” sa ibang mga bansa upang “punan” ang gawak na malilikha ng pagtatapos ng U.S. VFA.

Panoorin ang video na ito.

VERA FILES FACT CHECK: Palace negates AFP chief, says PH ‘not open’ to new military agreements from VERA Files on Vimeo.

Ipinadala ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang VFA termination notice sa U.S. Embassy sa Maynila noong Peb. 11. Ang termination ay magkakabisa 180 araw pagkatapos maipabatid ng alinman sa dalawang partido sa pamamagitan ng sulat ang hangarin na kumalas sa kasunduan.

Bukod sa U.S. VFA, ang bansa ay mayroong SOVFA sa gobyernong Australia, at nakikipag-negosasyon para sa isang katulad na kasunduan sa Japan mula pa noong 2015. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Visiting Forces Agreement, ipinapaliwanag)

 

Mga Pinagmulan

ABS-CBN News, Duterte may also scrap EDCA, says Panelo: ‘Mukhang ayaw niya na rin’ | DZMM, Feb. 13, 2020

Philstar.com, AFP eyes VFAs with China, Japan, Feb. 13, 2020

GMA News Online, AFP chief Santos admits VFA termination will affect military capability, Feb. 12, 2020

News 5, FALLOUT | Military chief prepares measures to cushion impact of VFA termination, Feb. 12, 2020

Manila Bulletin, CA confirms Felimon Santos as AFP chief of staff; weighs VFA pros, cons, Feb. 12, 2020

Teodoro Locsin Jr. official Twitter account, @DFAPHL The Deputy Chief of Mission of the Embassy of the United States has received the notice of termination of the Visiting Forces Agreement, Feb. 11, 2020

Official Gazette, Agreement Between the Government of the Republic of the Philippines and the Government of the United States of America Regarding the Treatment of United States Armed Forces Visiting the Philippines, Feb. 10,1998

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.