Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Visiting Forces Agreement, ipinapaliwanag

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa mga senador noong Peb. 6 na hindi pa naipapadala ng gobyerno ang notice of termination ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa United States.

By VERA Files

Feb 6, 2020

8-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa mga senador noong Peb. 6 na hindi pa naipapadala ng gobyerno ang notice of termination ng Visiting Forces Agreement (VFA) sa United States.

Sa isang pagdinig sa Senado upang suriin ang VFA, sa gitna ng banta ni Pangulong Rodrigo Duterte na wakasan ang kasunduan, sinabi ni Locsin na “mahalaga ang muling pagsusuri sa VFA upang matugunan ang mga isyu ng soberanya, tulad ng jurisdiction at custody.”

Sa isang resolusyon, hindi bababa sa tatlong mga senador, kabilang si Senate President Vicente “Tito” Sotto III, ang nanawagan sa pangulo na muling isaalang-alang (ang kanyang desisyon), sinabi na ang Senado ay dapat bigyan ng pagkakataon na:

[assess the] impact of the withdrawal on the country’s security and economy, specifically with regard to intelligence information sharing, military aid and financing, and technical assistance extended by the [U.S.] relative to the continuing threats posed by domestic and foreign terrorist groups, and ultimately, to the stability and security in the Asia Pacific region.

([masuri ang] epekto ng pagkalas (sa kasunduan) sa seguridad at ekonomiya ng bansa, partikular sa pagbabahagi ng intelligence information, tulong sa militar at financing, at tulong na teknikal na naibibigay ng [US] kaugnay sa patuloy na mga banta na dulot ng domestic at foreign terrorist groups, at sa huli, sa katatagan at seguridad sa Asia Pacific region.)”

Pinagmulan: Senate P.S. Res. 312, Peb. 3, 2020

Ipinaliwanag ni Palace Spokesperson Salvador Panelo na ang pasya ni Duterte ay bunga ng “akumulasyon … ng mga walang pag galang na kagagawan” ng mga opisyal ng US, na ang pagkansela ng US visa ng dating police at corrections chief Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa’s “ang kasukdulan.”

Ngunit ano ba talaga ang VFA at bakit mahalaga ito? Narito ang limang bagay na dapat mong malaman.

Ano ang PH-US Visiting Forces Agreement?

Ang VFA ay isang bilateral na kasunduan sa pagitan ng Pilipinas at US na nagbabalangkas ng mga termino at kundisyon sa pagpasok at pagbisita ng armadong pwersa ng US sa bansa, na nagbibigay daan para sa mga aktibidad tulad ng Balikatan, o malakihang joint military trainings.

Inilalatag nito ang mga patakaran sa mga pribilehiyo sa paglalakbay na ibinibigay sa mga tauhan ng US; ang pag-import at pag-export ng mga kagamitan, materyales, at supply ng US, pati na rin ang movement ng mga aircraft, sasakyang-dagat, at sasakyan sa loob ng bansa. Tinutukoy din ng kasunduan ang mga karapatan ng parehong mga pamahalaan sa hurisdiksyon sa mga puwersa ng US na gagawa ng mga krimen habang nasa Pilipinas.

Ang VFA ay nilagdaan noong Pebrero 1998, sa ilalim ng termino ni Pangulong Fidel V. Ramos, at sinundan ng isang counterpart agreement noong Oktubre, tungkol sa mga tauhan ng Pilipinas na bibisita sa US. Ito ay agad napagtibay sa administrasyon ni Pangulong Joseph “Erap” Estrada, ang kahalili ni Ramos, at opisyal na ipinatupad noong Hunyo 1999 kasunod ng pagsang-ayon ng Philippine Senate.

Ang Pilipinas ay mayroon din status of visiting forces agreement sa Australian government, at nakikipagnegosasyon sa Japan para sa katulad na kasunduan mula pa noong 2015, ayon sa ulat ng ABS-CBN at Inquirer.net.

Paano ito nauugnay sa iba pang mga PH-U.S. defense agreement?

Ang VFA ay isang kasunduang nagpapatupad sa 1951 Mutual Defense Treaty (MDT), kung saan ang parehong bansa ay nagkasundo na “magkaisang” tumugon sa anumang panlabas na armadong pag-atake sa kanilang teritoryo, armadong pwersa, pampublikong sasakyang-dagat, at sasakyang panghimpapawid.

Ang mga termino na nakasaad sa ilalim ng VFA ay “ipatutupad din sa pagpasok at pansamantalang pananatili” ng mga puwersa ng US sa ilalim ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), isa pang pagpapatupad ng kasunduan ng MDT na nilagdaan noong 2014, ayon sa isang Department of Foreign Affairs explainer.

Pinapayagan ng EDCA ang mga puwersa ng US na gumamit at mag-access sa mga “napagkasunduang lokasyon” sa bansa para sa mga security cooperation exercises at mga aktibidad ng humanitarian at disaster relief, bukod sa iba pa, pati na rin sa pag “preposition at pagtatago” ng mga materyales at kagamitan para sa parehong mga layunin.

Ang “mga pinagkasunduang lokasyon” sa ilalim ng EDCA ay tumutukoy sa mga lugar at pasilidad ng gobyerno ng Pilipinas na ang mga puwersa ng US ay may “karapatan” na ma-access, bilang “magkasamang pinagkasunduan” ng parehong mga bansa.

Maaari bang wakasan ni Duterte ang VFA nang walang pagsang-ayon ng Senado?

Ang katanungan kung maaaring wakasan ng pangulo ang isang treaty o isang kasunduan sa ibang mga bansa ay hindi pa napagpapasya ng Supreme Court (SC). (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Pahayag ni Pimentel na maaaring kanselahin ni Duterte ang VFA nangangailangan ng konteksto)

Sa ilalim ng sec. 21, article VII ng 1987 Constitution, ang pagsang-ayon ng “hindi bababa sa dalawang-katlo” ng lahat ng mga miyembro ng Senado ay kinakailangan para maituring na “wasto at epektibo” ang isang “treaty o pang-internasyonal na kasunduan.” Hindi nito tinukoy kung ito ay kinakailangan din para wakasan ang isang kasunduan.

Sa isang tweet noong Enero 24, sinabi ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. na sinimula na niya at ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang proseso ng pagwawakas ng VFA sa pamamagitan ng “pakikipag-ugnay sa Senado dahil ang [VFA] ay isang kasunduan” sa panig ng Pilipinas.

Ang VFA ay nananatiling “ipatutupad” hanggang sa matapos ang 180 araw mula sa petsa na naabisuhan ng Pilipinas ang US, o kabaliktaran, sa pamamagitan ng isang sulat na nais nitong wakasan ang kasunduan.

Paano makakaapekto sa bansa ang pagbasura ng kasunduan?

Ang “pinaka-direktang” epekto ng pagtatapos ng VFA ay sa isyu ng jurisdiction sa mga krimen na ginawa ng mga US personnel sa Pilipinas, sinabi ni international law professor Romel Bagares sa VERA Files sa isang email.

Sa ganoong kaso, sinabi ni Bagares na ang Pilipinas ay magkakaroon ng “eksklusibong jurisdiction,” kumpara sa ngayon kung saan and US ay “maaaring humiling” sa Pilipinas na “kusang talikuran” ang karapatan nito sa primary jurisdiction.

Mangangahulugan ito ng paglilipat kay US Marine Joseph Scott Pemberton, na kasalukuyang pinagdudusahan ang 10-taong sintensya sa isang pasilidad ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahil sa pagpatay sa Filipino trans woman babaeng trans na si Jennifer Laude noong 2014, sa National Penitentiary Prison, paliwanag ni Bagares. Si Pemberton ay nakakulong sa Custodial Center ng AFP “alinsunod sa isang kasunduan” sa pagitan ng dalawang bansa sa ilalim ng VFA.

Ang pagkalas (sa kasunduan) ay “hahantong din sa pagsuspinde” ng mga Balikatan sa pagitan ng Pilipinas at US, at makakaapekto sa mga katulad na aktibidad na isinasagawa ng parehong mga bansa sa West Philippine Sea, sinabi ni Bagares.

Ang mga tropang Amerikano at Pilipino ay nagpakuha ng litrato pagkatapos makumpleto ang Combines Arms Live-Fire exercise sa Balikatan 2019 sa Colonel Ernesto Ravina Air Base noong Abril 10, 2019. Litrato mula sa Wikimedia Commons.

Sa gayon, “magiging walang kabuluhan” ang joint military exercises, ayon kay retired Philippine diplomat Gilberto Asuque, na nagsabi sa VERA Files sa isang text message na:

No foreign power would deploy men and material in another territory without a VFA [unless it is an invasion] (Walang foreign power ang magpapadala ng mga tauhan at materyal sa ibang teritoryo nang walang VFA [maliban kung ito ay isang pagsalakay]).”

Habang hindi nagbabanta si Duterte na kakalas sa MDT at EDCA, ang mga ito ay maaapektuhan pa rin. Halimbawa, kung walang VFA, ang mga joint traininig exercise ay magiging limitado lamang sa “mga pinagkasunduang lokasyon” sa ilalim ng EDCA, sinabi ni Bagares. Makakaapekto din ito sa VFA counterpart agreement, dagdag niya.

“Kalaunan, ang AFP ay aasa na lamang sa mga Pilipinong nagbabayad ng buwis upang mapahusay ang kanilang kakayahan. Ang US, sa ngayon, ay ang tanging defense partner [ng Pilipinas],” sabi ni Asuque.

Anu-ano ang mga isyu na bumulabog sa VFA?

Ilang beses dumaan sa matamang pagsusuri ang VFA mula nang mapagtibay nito. Narito ang ilan sa mga pangunahing isyu na humamon sa kasunduan.

 

Mga Pinagmulan

Senate.gov.ph, Senate P.S. Res. 312, Feb. 3, 2020

Presidential Communications Operations Office, Media Interview – Quezon City, Jan. 29, 2020

RTVMalacanang, Ceremonial Distribution of Benefits to Former Rebels (Speech) 1/23/2020, Jan. 26, 2020

RTVMalacanang, Press Briefing, Jan. 27, 2020

Official Gazette, Agreement Between the Government of the Republic of the Philippines and the Government of the United States of America Regarding the Treatment of United States Armed Forces Visiting the Philippines, Feb. 10, 1998

Official Gazette, Agreement Between the Government of the Republic of the Philippines and the Government of the United States of America Regarding the Treatment of Republic of the Philippines Personnel Visiting the United States of America, Oct. 9, 1998

Senate.gov.ph, AGREEMENT BETWEEN THE GOVERNMENT OF THE REPUBLIC OF THE PHILIPPINES AND THE GOVERNMENT OF AUSTRALIA CONCERNING THE STATUS OF VISITING FORCES OF EACH STATE IN THE TERRITORY OF THE OTHER STATE, Sept. 5, 2007

ABS-CBN News, Philippines, Japan still discussing visiting forces accord, Oct. 11, 2018

Inquirer.net, PH, Japan to begin talks on visiting forces agreement, June 5, 2015

Official Gazette, Mutual Defense Treaty, Aug. 30, 1951

Official Gazette, Enhanced Defense Cooperation Agreement, April 28, 2014

Department of Foreign Affairs, Frequently Asked Questions, April 28, 2014

Official Gazette, 1987 Constitution

Teodoro Locsin Jr. official Twitter account, @dndphl Del Lorenzana & I—as Vice and Chair of USVFA—are starting the process of terminating it, Jan. 24, 2020

Romel Bagares, Personal Interview, Feb. 5, 2020

Gilberto Asuque, Personal Interview, Feb. 5, 2020

U.S. Embassy in the Philippines, Exercise Balikatan 2019, April 12, 2019

Supreme Court, Bayan vs. Zamora, Oct. 10, 2000

Supreme Court, G.R. No. 175888, Feb. 11, 2009

GMA News Online, Subic Rape Case Timeline, March 17, 2009

Rappler, LOOKING BACK: Daniel Smith and the Subic rape case, Dec. 1, 2015

Inquirer.net, Olongapo folk remember ‘Nicole’, Oct. 16, 2014

ABS-CBN News, From motel to court: The Jennifer Laude slay case, Dec. 1, 2015

CNN Philippines, Revisiting the Jennifer Laude murder case, Feb. 24, 2015

Rappler, CA upholds 10-year jail time for U.S. marine who killed Jennifer Laude, Aug. 20, 2017

Inquirer.net, Protesters storm US embassy over Laude slay, Oct. 15, 2014

ABS-CBN News, Protesters aim at VFA during Laude case hearing, Oct. 27, 2014

Bulatlat.com, 2nd year of Laude killing | Groups heighten call to end VFA, Edca, Oct. 11, 2016

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.