Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Palparan nagbabago ng paninindigan; ngayon, sinasabing si Duterte lamang ang makakapagpapabagsak sa rebeldeng komunista

Mula sa pagtawag kay Pangulong Rodrigo Duterte na isang coddler ng New People’s Army (NPA), si retiradong Maj. Gen. Jovito Palparan Jr., na nahatulan sa pag-kidnap at serious illegal detention, ay "naniniwala" ngayon na si Duterte ang nag-iisang pangulo na maaaring "magtapos" sa paghihimagsik ng komunista sa bansa.

By VERA Files

Sep 9, 2019

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mula sa pagtawag kay Pangulong Rodrigo Duterte na isang coddler ng New People’s Army (NPA), si retiradong Maj. Gen. Jovito Palparan Jr., na nahatulan sa pag-kidnap at serious illegal detention, ay “naniniwala” ngayon na si Duterte ang nag-iisang pangulo na maaaring “magtapos” sa paghihimagsik ng komunista sa bansa.

PAHAYAG

Sa isang pakikipanayam noong Agosto 22 ni dating Communications Assistant Secretary Margaux “Mocha” Uson, sinabi ni Palparan na “panahon na” para tuldukan ng gobyerno ang pag-aalsa ng mga komunista:

I believe in the president’s leadership. Very strong [ang] leadership ng president saka influence niya sa tao…I think it’s a big factor to end insurgency

(Naniniwala ako sa pamumuno ng pangulo. Napakalakas [ng] pamumuno ng presidente tsaka impluwensya niya sa tao…Sa palagay ko isang malaking katangian para wakasan ang paghihimagsik).”

Idinagdag niya:

I think it’s the only time na we have the chance to end insurgency. Under the president’s leadership. Ganun talaga ang tingin ko ngayon

(Sa palagay ko ito lang ang panahon na magkaroon tayong pagkakataon na tapusin ang paghihimagsik. Sa ilalim ng pamumuno ng pangulo. Ganun talaga ang tingin ko ngayon).”

Pinagmulan: Mocha Uson Blog official Facebook page, EXCLUSIVE INTERVIEW KAY RETIRED MAJ. GEN. PALPARAN, panoorin mula 27:16 hanggang 27:28 at 28:23 hanggang 28:51

Nanawagan si Uson na palayain si Palparan sa gitna ng kontrobersya sa naiulat na posibleng paglaya ni ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez, na nahatulan sa panggagahasa at maraming bilang ng pagpatay, dahil sa mabuting pag-uugali. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Understanding good conduct time allowance for prisoners: 4 things you should know)

Sinabi ni Uson na kinapanayam niya si Palparan “dahil sa matinding kahilingan ng publiko.” Ang panayam ay nakakuha ng higit sa 1.4 milyong views.

ANG KATOTOHANAN

Una nang binatikos ni Palparan si Duterte sa maraming pagkakataon noong panahon ng kampanya para sa pagkapangulo dahil sa pagiging “kaibigan” at “tagasuporta” ng NPA.

Sa isang eksklusibong panayam noong Oktubre 2015 sa Inquirer.net, sinabi ni Palparan:

He (Duterte) is a supporter of the [NPA]. He is one of the biggest supporters of the NPA among local officials. For me, Duterte should not run [for president]

(Siya (Duterte) ay isang tagasuporta ng [NPA]. Isa siya sa mga pinakamalaking tagasuporta ng NPA sa mga lokal na opisyal. Para sa akin, hindi dapat tumakbo si Duterte [para sa pagkapangulo]).”

Pinagmulan: Inquirer.net, Duterte a Red-coddler, claims Palparan, Okt. 2, 2015

Pagkalipas ng ilang mga buwan, noong Mayo 4, 2016, iniulat ng GMA News Online na tinawag ng dating army general si Duterte na “traydor” dahil sa umano’y pagbibigay ng pondo sa kilusang komunista para bumili ng mga sandata na “pumapatay” sa mga sundalo at pulis. Binalaan din niya ang mga Pilipino sa “alyansa” sa pagitan nina Duterte at Jose Maria “Joma” Sison, tagapagtatag ng Communist Party of the Philippines:

“Maghunos dili po tayo mga kababayan, mukhang sisirain ng dalawang ito ang ating maka demokrasya pamumuhay. Tutulan natin ang inaasam-asam ni Joma na communist government (komunistang gobyerno).”

Pinagmulan: GMA News Online, Palparan joins fray vs. Duterte, hits mayor’s NPA links, Mayo 4, 2016

Si Palparan, sa isang panayam noong Mayo 5, 2016, ng Rappler, ay tinuligsa si Duterte sa pagiging “egoistic” at pagpapakilala sa Davao bilang “kanlungan ng anti-krimen o anti-droga,” samantalang siya ay sinasabing “kaibigan” ng NPA:

Davao is not a paradise. There are drugs. There are criminals. There’s killing of whoever’s enemy, and there’s the NPA. Police have been kidnapped there, how can you (Duterte) call it a paradise if your own police are being kidnapped by your NPA friends?

(Ang Davao ay hindi isang paraiso. May mga droga. Mayroong mga kriminal. Mayroong pagpatay sa sinumang kalaban, at mayroong NPA. Ang mga pulis ay nadudukot doon, paano mo (Duterte) tatawagin itong isang paraiso kung ang iyong sariling pulis ay dinudukot ng iyong mga kaibigan sa NPA)?”

Pinagmulan: Rappler.com, Palparan on Duterte: ‘It’s fake bravery’, Mayo 5, 2016

Sa kanyang kampanya sa pagkapangulo, sinabi ni Duterte na siya ang unang maka-kaliwang pangulo ng bansa. Sa pagtugon sa mga pahayag ni Palparan, inamin ni Duterte ang “pagkakanlong sa mga Pulahan,” na sinipi sa isang Okt. 2, 2015, post ng Facebook ni dating Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol:

Yes, I coddle the Reds, they are Filipinos after all…who are motivated by their principles and ideology

(Oo, kumakanlong ako ng Pulahan, sila ay mga Pilipino rin … na binubuyo ng kanilang mga prinsipyo at ideolohiya).”

Pinagmulan: Manny Piñol Facebook post, Duterte responds to “Red-coddler” tag, “YES, I CODDLE THE REDS, ALSO THE BLUES, WHITES AND YELLOWS,” Okt. 2, 2015

Si Palparan ay tinatawag ng mga aktibista na “The Butcher” dahil sa kanyang papel sa walang tigil na kampanya laban sa paghihimagsik ng komunista sa panahon ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

Noong Set. 17, 2018, siya ay nahatulan at nasentensiyahan ng reclusion perpetua o 20 hanggang 40 taong pagkabilanggo dahil sa pag-kidnap at serious illegal detention ng mga estudyante ng University of the Philippines na sina Sherlyn Cadapan at Karen Empeño noong 2006.

Tumakbo si Palparan bilang senador at natalo noong halalan ng 2016.

 

Mga Pinagmulan

Mocha Uson Blog official Facebook page, EXCLUSIVE INTERVIEW KAY RETIRED MAJ. GEN. PALPARAN, Aug. 22, 2019

Inquirer.net, Duterte a Red-coddler, claims Palparan, Oct. 2, 2015

GMA News Online, Palparan joins fray vs. Duterte, hits mayor’s NPA links, May 4, 2016

Rappler.com, Palparan on Duterte: ‘It’s fake bravery, May 05, 2016

Manny Piñol official Facebook account, Duterte responds to “Red-coddler” tag,“YES, I CODDLE THE REDS, ALSO THE BLUES, WHITES AND YELLOWS,” Oct. 2, 2015

GMA News Online, Duterte declares he’ll be first leftist president, April 22, 2016

The Diplomat, Is the Philippines’ Duterte really a Leftist?, May 2, 2017

J De Lima Youtube account, Duterte: I will be the first Left President of the Philippines, April 24, 2016

Presidential Communications Operations Office, Speech of President Rodrigo Roa Duterte during the Hugpong ng Pagbabago Convention, Aug. 17, 2018

ABS-CBN News, Fall of the ‘Butcher’: Reckoning comes after Palparan after 12 years, Sept. 18, 2018

BusinessWorld, Palparan, 2 others convicted for 2006 kidnapping, Sept. 17, 2018

Rappler.com, Palparan found guilty, Sept. 17, 2018

Comelec.gov.ph, Certified List of Candidates for National Positions, March 3, 2016

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.