Mula sa mas naunang posisyon na ang presumption of innocence ay maaaring talikuran, sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo ngayon na dapat itong mapanindigan sa kaso ng nagbitiw na police chief Oscar Albayalde.
Ipinagtanggol ni Panelo ang presumption of innocence ni Albayalde sa isang pakikipanayam sa media noong Okt. 14, sa parehong araw nagbitiw si Albayalde sa gitna ng “ninja cops” na kontrobersya. Sinabi niya, “lahat ng mga tao na inakusahan ng anumang krimen o paglabag” ay dapat na ipagpalagay na walang kasalanan hanggang hindi napapatunayan na nagkasala, tulad ng nakasaad sa 1987 Constitution.
Ang imbestigasyon sa Senado kamakailan-lamang sa isyu ng good conduct allowance time ay naglantad ng isang insidente ng pag-recycle ng droga sa Mexico, Pampanga, noong 2013 na isinagawa ng 13 tiwaling mga opisyal ng pulisya, na bininyagang “ninja cops.” Nadawit din sa insidente si Albayalde, ang provincial director ng Pampanga nang oras na iyon.
Pitong buwan lang ang nakalilipas, si Panelo ay nagbigay ng ibang argumento nang ipagtanggol niya ang desisyon ng administrasyong Duterte na ilabas ang isang listahan ng mga pangalan ng mga umano’y narco-politicians na tumatakbo noong May-midterm elections.
Sinabi ni Panelo noon na ang presumption of innocence ng isang tao ay maaaring “talikuran” at ang mga akusasyon na ibinabato laban sa mga pampublikong opisyal ay “patas na laro.”
Panoorin ang video na ito.
VERA FILES FACT CHECK: Panelo twists argument on presumption of innocence from VERA Files on Vimeo.
Mga Pinagmulan
CNN Philippines, The Source: Sal Panelo, Oct. 14, 2019
Official Gazette, 1987 Constitution
PTV, PRRD reveals names in narco-list, March 16, 2019
RTVMalacanang, Joint National Peace and Order Council (NPOC) – Regional Peace Order Council (RPOC) Clusters, March 15, 2019
ABS-CBN News, Early Edition: Alleged narco-politicos ‘waived’ right to presumption of innocence — Panelo, March 5, 2019
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking
Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)