Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Piñol mali sa pahayag na walang malaking isyu laban sa kanya bilang DA secretary

Mali si dating Agriculture Secretary Emmanuel "Manny" Piñol sa pagsasabi na walang pangunahing isyu laban sa kanya bilang pinuno ng Department of Agriculture (DA).

By VERA Files

Jul 31, 2019

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mali si dating Agriculture Secretary Emmanuel “Manny” Piñol sa
pagsasabi na walang pangunahing isyu laban sa kanya bilang pinuno ng Department of Agriculture (DA).

PAHAYAG

Sinabi ng isang pahayag mula sa DA noong Hunyo 27:

Piñol also said that in his three years as Secretary, there were no major issues, and no cases of corruption and anomaly.

(Sinabi rin ni Piñol na sa kanyang tatlong taon bilang Kalihim, walang mga pangunahing isyu, at walang mga kaso ng katiwalian at anomalya).”

Pinagmulan: Department of Agriculture, Press Release: I am proud of all of you, Hunyo 27, 2019

ANG KATOTOHANAN

Si Piñol ay nasangkot sa hindi bababa sa tatlong mga kontrobersya sa tatlong taon niya bilang agriculture secretary.

Ang pinakahuli ay ang naging papel niya sa kaso ng 22
mangingisda, na sakay ng bangka na nalubog ng isang sasakyang
pangingisda ng mga Tsino noong Hunyo 9 habang ito ay nakaangkla malapit sa Reed Bank, isa sa mga pinagtatalunang isla na inaangkin ng China sa West Philippine Sea.

Ang mga alegasyon ng pananakot at panunuhol ni Piñol ay lumitaw matapos magbago ng salaysay ang kapitan ng bangka na si Junel Insigne at ang kanyang mga tauhan, kasunod ng isang closed-door meeting kasama ang agriculture secretary sa isang lugar na napapalibutan ng mga pulis na naka-full gear noong Hunyo 19, ayon sa mga ulat ng Inquirer.net, CNN Philippines at Interaksyon.

Una nang iginiit ng mga mangingisda na sinasadya silang banggain at iwanan ng mga Tsino. Kasunod nito, binawi ng mga mangingisda ang kanilang mga pahayag na nagsasabing “hindi sila sigurado kung ang kanilang bangka ay sadyang tinamaan o hindi.” (Tingnan ang
VERA FILES FACT SHEET: The evolving statements on the Recto Bank allision: a visual timeline)

Sa isang pakikipanayam sa ANC, pinawalang-halaga ni Piñol ang paglubog ng bangka ng mga Pilipino bilang isang “simpleng maritime incident” na “pinalaki”. Itinanggi niya ang mga akusasyon na pinagbantaan niya ang mga Pilipinong mangingisda na baguhin ang kanilang naunang mga pahayag.

Bago ang kanyang courtesy resignation, si Pinol ay nabatikos na dahil sa rice shortage. Umani siya ng kritisismo dahil sa pagmungkahi na gawing ligal ang rice smuggling para malutas ang krisis sa bigas sa Zamboanga, Basilan, Sulu, at Tawi-tawi noong nakaraang taon. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Piñol falsely claims state TV reporter misquoted him on rice smuggling).

Sinabi niya:

It’s the more practical option (Ito ang mas praktikal na pagpipilian). Legalize it (Gawin itong ligal). Hindi na smuggled rice (puslit na bigas) ‘yan. Then, we are able to control the situation (Pagkatapos, atin nang makokontrol ang sitwasyon) kaysa maghabulan tayo ng mga bangka diyan.”

Pinagmulan: GMA News Youtube, Saksi: Piñol: Dapat i-legalize ang smuggling ng bigas para mapunan ang supply, Agosto 28, 2018, panoorin mula 1:50 hanggang 2:08

Nagdeklara ng state of calamity ang Zamboanga City at Basilan, Agosto noong nakaraang taon, dahil sa rice shortage na naging sanhi ng pagtaas ng presyo hanggang P70 kada kilo, ayon sa panayam ng DZMM kay Zamboanga Mayor Maria Isabelle Climaco-Salazar.

Sa gitna ng mga problema sa suplay, ang bigas na inangkat ng
National Food Authority mula sa Thailand at Vietnam, na nakarating sa Subic noong Hunyo ng nakaraang taon, ay may mga weevil o bukbok.

Para maibsan ang takot sa mga panganib sa kalusugan, nagboluntaryo si Piñol na kainin ang bigas na may bukbok at galunggong, na pinaghihinalaan din na hindi ligtas kainin dahil sa kontaminasyon ng formalin, na nagbunga ng matinding negatibong reaksyon mula sa publiko.

Tinawag ni dating Budget Secretary Benjamin Diokno ang sektor ng agrikultura na “weakest link” ng ekonomiya ng Pilipinas, na umangat lamang ng 0.56 porsyento noong nakaraang taon, kumpara sa naiulat na target ng DA na 4 porsyento na paglago ng bukirin sa 2018. Sa unang quarter ng 2019, ang produkto ng bukirin ay lumago lamang ng 0.67 porsyento, kumpara sa 1.08 porsyento na paglago na naitala noong nakaraang taon.

Ang DA ay may higit P4 bilyon unliquidated fund transfers, ayon sa Commision on Audit (COA).

Sa isang post sa Facebook, sinabi ni Piñol na “walang iregular” sa ulat ng COA at “ang pondo na inilipat sa ibang mga ahensya ng gobyerno at mga organisasyon…[kailangan] lamang ng
liquidation.”

Sinabi ni Piñol na naglabas na ang DA ng mga demand letter sa mga ahensyang tumanggap ng pondo upang isumite ang kanilang liquidation reports.

 

Mga Pinagmulan

Department of Agriculture, Press Release: I am proud of all of you, June 27, 2019

Inquirer.net, No intimidation in meeting with Recto Bank fishermen — Piñol, June 20, 2019

CNN Philippines, Piñol denies pressuring Filipino fishermen to revise ramming account, June 20, 2019

Interaksyon, Behind Filipino boat captain’s ‘change of tune’ on South China Sea collision, June 21, 2019

Rappler.com Youtube, PH boat’s captain: Chinese ship intentionally sank us, June 14, 2019

Rappler.com, Pinol, Gem-Ver captain hold press conference on maritime incident, June 19, 2019

ABS-CBN News, ‘Simple maritime incident’ at Recto Bank ‘blown out of proportion: Agri chief, June 17, 2019

Manny Piñol Facebook, Statement on alleged bribery and intimidatio, June 20, 2019

GMA News Youtube, Saksi: Piñol: Dapat i-legalize ang smuggling ng bigas para mapunan ang supply, Aug. 28, 2019

ABS-CBN News, P70/kg of rice: Zamboanga City eyes state of calamity due to rice shortage, Aug. 21, 2018

ABS-CBN News Youtube, The World Tonight: Rice weevil-infested rice to undergo fumigation, Aug. 23, 2018

UNTV Public Service Channel Youtube, EXCLUSIVE: Sec. Piñol kumain ng kanin na may bukbok, Aug. 31, 2018

ABS-CBN News, Philippine 2018 GDP growth still among world’s fastest: Diokno, Jan. 8, 2019

Philippine Statistics Authority, Performance of Philippine Agriculture, October-December 2018, Jan. 23, 2019

BusinessWorld, Agriculture dep’t maintains 4% farm output growth target, Aug. 13, 2018

Philstar.com, Farm sector barely grows in April-June 2018, Aug. 9, 2018

Inquirer.net, PSA: Agri sector growth slower in Q1 of 2019, May 8, 2019

Philippine Statistics Authority, Performance of Philippine Agriculture, January-March 2019, Jan. 23, 2019

Commission on Audit, Department of Agriculture: Executive Summary for 2018

Manny Piñol Facebook account, Nothing Irregular In This, It Only Needs Liquidation!, July 17, 2019

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.