Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Ang nagbabagong mga pahayag sa Recto Bank allision: isang timeline

Pumanig si Pangulong Rodrigo Duterte sa China sa panukala nito na magsagawa ng isang magkasanib na imbestigasyon sa insidente noong Hunyo 9 na kinasasangkutan ng isang naka-angklang bangka ng mga mangingisdang Pilipino at isang barkong Tsino sa pinagtatalunang West Philippine Sea.

By VERA FILES

Jun 27, 2019

5-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Pumanig si Pangulong Rodrigo Duterte sa China sa panukala nito na magsagawa ng isang magkasanib na imbestigasyon sa insidente noong Hunyo 9 na kinasasangkutan ng isang naka-angklang bangka ng mga mangingisdang Pilipino at isang barkong Tsino sa pinagtatalunang West Philippine Sea.

“President Rodrigo Roa Duterte welcomes and accepts the offer of the Chinese Government to conduct a joint investigation to determine what really transpired in Recto Bank and find a satisfactory closure to this episode (Malugod na tinatanggap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang alok ng Chinese government na magsagawa ng magkasanib na imbestigasyon upang matukoy kung ano talaga ang nangyari sa Recto Bank at makahanap ng kasiya-siyang pagtatapos sa kabanatang ito),” pahayag ng Malacanang noong Hunyo 22.

Bago ang pahayag ng Palasyo, nagbabala si Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin laban sa isang magkasanib na imbestigasyon, at sinabing ito ay “manghihimasok” sa “soberanya ng dalawang bansa.”

Gayunpaman, habang hinihintay ang mga resulta ng imbestigasyon, inilarawan na ni Duterte ang insidente, kung saan maaaring nalunod ang 22 mangingisdang Pilipino sa gitna ng dagat, bilang isang “maliit na insidente sa dagat”. Ang kanyang pahayag ay hindi lamang umani ng galit mula sa mga kritiko; ito ay tila nagsilbing hudyat ng nagbabagong mga salaysay.

Noong Biyernes, inihalintulad ni Duterte ang insidente sa isang banggaan sa kalsada: “Parang bungguan ‘yan sa highway. Ito ay hindi isang paghaharap ng mga armadong kalalakihan at mga makina o barko.”

“Hindi ito isang pag-atake sa soberanya ng bansa,” sabi ng pangulo.

Sa timeline na ito, tinipon ng VERA Files ang ebolusyon ng mga pahayag sa insidente noong Hunyo 9 at ang mga isyu na nakapalibot dito.

Ang timeline ay nakatuon sa tatlong mga isyu: kung ang nangyari ay sinadya o kung ito ay isang allision o pagbangga ng isang barko (ng Tsino) sa isang naka-angklang bangka (ng mga Pilipino); ang pag-abandona sa 22 mangingisdang Pilipino, isang paglabag sa international maritime laws; at ang posisyon ng Pilipinas sa magkasanib na imbestigasyon na iminungkahi ng China.

 

 

Mga Pinagmulan

Department of National Defense and Philippine Navy

 

Department
of Foreign Affairs Secretary Teddy Boy Locsin

 

Malacañang

 

Filipino Fishermen

 

China government

 

Department of Agriculture and Department of Energy

President Rodrigo Duterte

 

Vietnam government

 

(Ang
VERA Files Fact Check ay sumusubaybay sa mga maling salaysay at
nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at
personalidad, at itinatama ang mga ito gamit ang mga tunay na
ebidensya. Kami ay ginagabayan ng mga prinsipyo ng
International Fact-Checking Network sa Poynter. Para sa karagdagang
impormayan bisitahin ang pahinang
ito.
)

 

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.