Hindi totoo ang pahayag ni Agriculture Emmanuel Piñol na nagkamali ang reporter ng istasyon ng telebisyon ng gobyerno kaugnay ng nauna niyang sinabi tungkol sa smuggling ng bigas sa Mindanao.
PAHAYAG
Si Piñol, na kamakailan lamang ay nasa balita sa pagsasampol ng bigas na may bukbok (weevil), ay nagreklamo noong Septiyembre 3 sa bukas na liham kay Communications Secretary Martin Andanar:
“Ako ay lubhang nalulungkot na isang reporter ng PTV4, isang istasyon ng telebisyon ng pamahalaan, ay magdudulot ng higit pang hindi pagkakaunawaan at pagkalito sa isang napakahalagang isyu sa pamamagitan ng pagtanong kay Pangulong Rody Duterte kung siya ay sang-ayon sa aking panukala na ‘gawing legal ang rice smuggling’ sa ZAMBASULTA (Zamboanga, Basilan, Sulu, Tawi-Tawi).”
Pinagmulan: Post sa Facebook ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, Setiyembre 3, 2018
Ang binanggit niya ay ang tanong ng reporter ng People’s Television (PTV) kay Duterte isang araw bago ang kanyang Facebook post:
“Isinusulong po ni Agriculture Secretary Manny Piñol na gawing legal po o pa-dokumentuhan po yung mga smuggled na bigas na ipinapasok sa Zamboanga, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi. Ano po yung posisyon natin dito?”
Pinagmulan: Pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pag-alis, Pasay City, Setyembre 2, 2018, panoorin mula 7:00 hanggang 7:18
Sinabi ni Piñol na ang tanong ng reporter ay “mali ang batayan” at hindi nakuha ang kanyang punto:
“Kung ang bigas na ipinadala sa pamamagitan ng iminungkahing (sentro ng pangangalakal) ay nasasakop ng mga permit sa pag angkat, na sinisingil ng mga angkop na mga taripa at bayarin at sakot ng mga quarantine at mga sanitary clearance, ito ba ay magiging ‘smuggling’ pa rin? Syempre, HINDI! Ito ay magiging isang lehitimong pag angkat ng bigas. Mahirap ba talaga itong maintindihan?”
Pinagmulan: Post sa Facebook ni Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, Septiyembre 3, 2018
FACT
Si Piñol mismo ang nagpakawala ng ideya na “gawing legal” o “gumawa ng lehitimong” smuggling ng bigas.
Sa panayam noong Aug. 28 sa Headstart ng ABS-CBN News Channel, sinabi niya:
“Gumagawa ako ng isang panukala: Kasi tradisyon sa kanila yung umasa ng bigas sa kabila eh, kaya sabi ko, kaysa payagan ang smuggling, isang iligal na aktibidad, na magpatuloy, baka mas mabuti na gawin nating legal ito.”
Pinagmulan: ANC Headstart, clip ng Agosto 28 na panayam kay Agriculture Secretary Emmanuel Piñol, panoorin mula 0:33 hanggang 0:45
Sinabi rin niya:
“Lahat ng tao ay tumatanggap (ng suhol), kaya bakit hindi pumasok ang pamahalaan at gawing legal ang lahat? Gawin ito, gawin itong lehitimo.”
Pinagmulan: ANC Headstart, Rice ‘trading center’ in south to curb smuggling, Piñol says, Agosto 28, 2018, panoorin mula 0:38 hanggang 0:43
Sa panayam noong Aug. 28 sa GMA News show na Saksi, tinanong si Piñol kung sa kanyang palagay ang National Food Authority Council, ang gumagawa ng polisiya kaugnay ng pangangasiwa sa suplay ng pagkain, ay aaprubahan ang (panukalang) “gawing legal” ang smuggling ng bigas. Sinabi niya:
“Ito ang pinaka praktikal na opsyon. I-legalize ito. Hindi na ipinuslit na bigas yan. Pagkatapos ay magagawang kontrolin natin ang mga sitwasyon na iyon, kaysa maghabulan tayo ng mga bangka diyan.”
Pinagmulan: GMA News, Saksi: Piñol: Dapat i-legalize ang smuggling ng bigas para mapunan ang supply, Agosto 28, 2018, panoorin mula 1:58 hanggang 2:08
Ang BusinessWorld, Philippine Star at GMA News Online ay naglabas rin ng mga balita tungkol sa panukala ni Piñol na “gawing legal” ang smuggling ng bigas.
Ang agriculture secretary ay umani ng batikos at nahaharap sa mga panawagan na magbitiw sa gitna ng krisis ng bigas sa bansa, na kitang-kita sa kakulangan sa suplay sa mga bahagi ng Mindanao, pagtaas ng presyo at ang pagpapadala ng bigas na may bukbok mula sa Thailand.
Mga pinagmulan:
ABS-CBN News, ANC: Piñol, Villar spar over food crisis, Aug. 29, 2018.
ABS-CBN News Channel, Rice ‘trading center’ in south to curb smuggling, Piñol says, Aug. 28, 2018.
BusinessWorld, P2B revenue seen from regulated rice trading in ZAMBASULTA, Aug. 29, 2018.
DA Secretary Emmanuel Pinol’s Facebook post, Sept. 3, 2018.
GMA News, Saksi: Pinol: Dapat i-legalize ang smuggling ng bigas para mapunan ang supply, Aug. 28, 2018.
GMA News Online, DA’s Piñol eyes legalized rice smuggling to solve crisis in Zamboanga, nearby areas, Aug. 28, 2018.
The Philippine Star, Batanes out of rice; government to distribute smuggled rice, Aug. 29, 2018.