Mula sa pagsasabi na ang arbitrasyon ay “hindi na isang opsyon” sa pagharap sa nagsasapawang pag-aangkin (ng teritoryo) sa West Philippine Sea, sinabi ngayon ni president-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na igigiit niya ang 2016 arbitral award, na inilalarawan niya bilang isang “napakaimportanteng desisyon na pabor sa atin.”
Panoorin ang video na ito:
Ginawa ni Marcos Jr. ang parehong argumento — na ang arbitrasyon ay “hindi na isang opsyon” para sa Pilipinas — sa isang one-on-one na panayam ni entertainment host Boy Abunda sa parehong araw ng panayam ng DZRH.
Sa parehong mga panayam noong Enero 25, binigyang-diin ni Marcos Jr. na ang giyera, na binanggit niya bilang “pangalawang opsyon,” ay dapat na “ibasura agad” dahil ito ay magiging masama para sa parehong bansa. Isang bilateral agreement sa China na lamang naiiwan na paraan para Pilipinas, aniya (tingnan dito at dito).
2016 arbitral ruling nagbubuklod sa China
Sa ilalim ng Article 9, Annex VII ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), ang “kawalan o pagkabigo ng isang partido na ipagtanggol ang kaso nito ay hindi dapat maging hadlang sa mga pagdinig sa [arbitrasyon].”
Dahil niratipika ang UNCLOS noong 1996, ang China ay “partido pa rin sa arbitration” at “nakatali sa anumang award” na ilalabas ng arbitral panel na nagpasya sa pinagtatalunan sa South China Sea, gaya ng pinagtibay ng tribunal na 2015 Award on Jurisdiction and Admissibility.
(Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: Mali si Duterte; China may pananagutan sa South China Sea arbitral award)
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
Bongbong Marcos official Facebook page, LIVE: Interview with President-elect Bongbong Marcos, May 26, 2022
The Boy Abunda Talk Channel, The 2022 Presidential One-On-One Interviews with Boy Abunda featuring Former Senator Bongbong Marcos, Jan. 25, 2022
DZRH News, Bakit Ikaw? The DZRH Presidential Job Interview, Jan. 25, 2022
The Manila Times, Bakit Ikaw: The Presidential Job Interview’ with former Sen. Bongbong Marcos, Jan. 25, 2022
Permanent Court of Arbitration, Award on the South China Sea Arbitration, July 12, 2016
Permanent Court of Arbitration, PRESS RELEASE: The South China Sea Arbitration, July 12, 2016
Permanent Court of Arbitration, Award on Jurisdiction and Admissibility, Oct. 29, 2015
United Nations, United Nations Convention on the Law of the Sea, Accessed May 26, 2022
United Nations, Status of the UNCLOS, Accessed on May 26, 2022
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)