Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Sa paglimang pagkakataon, inulit ni Duterte ang maling pahayag sa kanyang suweldo

Muling pinaliit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang suweldo, na hindi bababa sa ika-limang beses sa bilang ng VERA Files Fact Check, nang sabihin niya ang mga sakripisyo na ginagawa niya at ng mga miyembro ng kanyang Gabinete para sa bansa.

By VERA Files

Aug 27, 2020

3-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Muling pinaliit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang suweldo, na hindi bababa sa ika-limang beses sa bilang ng VERA Files Fact Check, nang sabihin niya ang mga sakripisyo na ginagawa niya at ng mga miyembro ng kanyang Gabinete para sa bansa.

Panoorin ang video na ito.

Itinalaga ng Republic Act (RA) 6758, o Compensation and Position Classification Act ng 1989, ang Salary Grade 33 sa pangulo, ang pinakamataas na posisyon sa gobyerno.

Nang umupo si Duterte bilang pangulo noong 2016, ang kanyang suweldo ay mula P160,924 hanggang P165,752 bawat buwan dahil sa mga pagtaas ng sahod sa ilalim ng Executive Order No. 201, na iniutos ni dating Pangulong Benigno Aquino III noong Pebrero 2016. Ang EO 201 ay nagbigay ng umento sa suweldo sa apat na tranches mula 2016 hanggang 2019 para sa mga opisyal at empleyado ng pambansang pamahalaan, kabilang ang pangulo.

Habang itinaas din ni Duterte ang suweldo sa gobyerno, kasama na ang sa pangulo, para sa 2020 hanggang 2023 sa pamamagitan ng pagpapatupad ng RA 11466 noong Enero 2020, siya ay hindi maaaring makinabang dito ayon sa batas. Ang kasalukuyang pangulo, bise presidente, mga miyembro ng Kongreso ay hindi maaaring makatikim ng mga pagtaas ng sweldo sa panahon ng kanilang panunungkulan, ayon sa 1987 Constitution.

Sa ilalim ng RA 11466, ang pangulo pagkatapos ni Duterte ay tatanggap ng sweldong P395,858 hanggang P431,718 kada buwan, dagdag pa ang mga allowance at iba pang perks na kakabit ng posisyon.

Lumabas ang reklamo ni Duterte tungkol sa kanyang suweldo habang tinatalakay niya ang umano’y mga anomalya sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) at kung paano tinutugunan ng gobyerno ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.

Sa isang punto, hiniling niya sa mga Pilipino na “dagdagan pa ang sakripisyo upang matulungan ang bansa.”

Sinabi ng pangulo na ubos na ang pondo ng gobyerno at hindi na siya makapagbigay ng mga subsidy kaya kailangang mabuksan ang ekonomiya kahit na bahagya at ang mga tao ay dapat na bumalik sa trabaho.

Tingnan ang mga kaugnay na mga fact check:

 

Mga Pinagmulan

RTVMalacanang Meeting on COVID-19 Concerns and Talk to the People on COVID-19 8/10/2020, Aug. 10, 2020

Brodhead Media Features, Wrong Buzzer – Sound Effect, May 25, 2017

Official Gazette, Republic Act No. 6758

Department of Budget and Management, Chapter 5, Accessed Aug. 18, 2020

Department of Budget and Management, DISTRIBUTION OF PERMANENT POSITIONS IN THE NATIONAL GOVERNMENT PLANTILLA BY SALARY GRADE FOR FY 2020

Official Gazette, Executive Order No. 201, s. 2016

Department of Budget and Management, National Budget Circular No. 562, Series of 2016, Feb. 24, 2016

Department of Budget and Management, National Budget Circular No. 568, Jan.5, 2017

Department of Budget and Management, National Budger Circular No. 572, Jan. 3, 2018

Department of Budget and Management, National Budget Circular No. 575 Jan. 15, 2019

Previous false claims on salary

Presidential Communications Operations Office, Photo by King Rodriguez, Aug. 2, 2020

Official Gazette, Republic Act No. 11466

Department of Budget and Management, NATIONAL BUDGET CIRCULAR N0. 579, Jan. 24, 2020

Official Gazette, 1987 Constitution

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.