Sa pagsusulong ng panukalang batas na magbabalik ng parusang kamatayan para sa malakihang ilegal na trafficking ng droga, sinabi ni Sen. Ronald “Bato” Dela Rosa na ang lethal injection ay ang “universally accepted” na paraan ng parusang kamatayan. Mali ito.
PAHAYAG
Sa panayam sa The Source ng CNN Philippines, tinanong si Dela Rosa ng anchor na si Pinky Webb kung ang mga nahatulang illegal drug trafficker at drug lord ay mabibigyan ng lethal injection sa ilalim ng inihain niyang death penalty bill. Sumagot ang dating hepe ng pambansang kapulisan:
“Yes. Lethal injection is the universally accepted mode of carrying out death penalty, so okay tayo d’yan. We have to abide by that convention.”
(Oo. Lethal injection ang universally accepted mode ng pagpapatupad ng parusang kamatayan, kaya okay tayo d’yan. Kailangan nating sumunod sa convention na iyon.)
Pinagmulan: CNN Philippines Official Youtube Channel, Sen. Bato dela Rosa | The Source, Agosto 3, 2022, panoorin mula 25:33 hanggang 25:45
ANG KATOTOHANAN
Walang “universally accepted” mode ng pagpapatupad ng death penalty. Sa katunayan, 123 state-parties sa United Nations, kabilang ang Pilipinas, ang bumoto para sa pandaigdigang suspensiyon ng parusang kamatayan sa isang resolusyon noong Disyembre 16, 2020.
Ang kamatayan sa pamamagitan ng pagbitay ay ang paraan na ginagamit sa walo sa 16 na bansa na patuloy na nagsasagawa ng parusang kamatayan, ayon sa ulat ng Amnesty International noong 2021.
Method Country Bitay Bangladesh, Botswana, Egypt, Iran, Iraq, Japan, South Sudan, United Arab Emirates (UAE) Firing squad Belarus, China, North Korea, Somalia, Yemen Lethal injection China, USA, Vietnam Pagpugot ng ulo Saudi Arabia
Pinagmulan: Amnesty International, Death sentences and executions 2021, Mayo 24, 2022
Sa United States, naitala mula noong 1976 ang 1,368 executions sa pamamagitan ng lethal injection, ayon sa Death Penalty Information Center, na nagsabing ito ang “pangunahing pamamaraan” ng parusang kamatayan sa mga state na may death penalty.
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
CNN Philippines Official Youtube Channel, Sen. Bato dela Rosa | The Source, Agosto 3, 2022
United Nations Digital Library, Moratorium on the use of the death penalty : resolution / adopted by the General Assembly, Disyembre 16, 2020
Commission on Human Rights, Statement of Commissioner Karen Gomez-Dumpit on the United Nations General Assembly Resolution on Moratorium on the Use of the Death Penalty, Disyembre 17, 2020
Amnesty International, Death sentences and executions 2021, Mayo 24, 2022
Amnesty International, Who We Are, Na-access noong Agosto 3, 2022
Death Penalty Information Center, Fact Sheet, Hulyo 29, 2022
Death Penalty Information Center, About Us, Na-access noong Agosto 3, 2022
Death Penalty Information Center, State by State, Na-access noong Agosto 3, 2022
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)