Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Video, nagpakita ng mga wildfire sa Argentina at HINDI giyera ng Israel at Hamas

Isang compilation video ng mga wildfire sa Argentina ang ini-upload sa Facebook at TikTok para ipagmukhang mga eksena sa patuloy na giyera ng Israel at Hamas.

By VERA FILES

Nov 8, 2023

2-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

(Editor’s Note: Unang inilathala ang fact-check na ito sa Ingles noong Oct. 27, 2023.)

Isang compilation video ng mga wildfire sa Argentina ang ini-upload sa Facebook at TikTok para ipagmukhang mga eksena sa patuloy na giyera ng Israel at Hamas.  

Kasinungalingan ito. Ini-upload noong Oct. 14, ang isang-minuto at pitong-segundong Facebook (FB) video ay compilation ng limang clip ng mga napakalaking sunog na tumupok sa iba’t ibang lugar sa Argentina, hindi sa Israel o Palestine.

Sabi sa mapanlinlang na video:

“NAKAKA PANINDIG BALAHIBO ISRAEL VS PALESTINE WAR UPDATE 2023.” 

Kapag ini-reverse image search ang mga clip, matutuklasang lahat ay kuha sa probinsya ng Cordoba, Argentina. Nagsimula ang mga forest fire noong Oct. 10 at patuloy na kumalat dahil sa sobrang init, bago ito masupil kinabukasan.

Ang drone shot ng napakalaking sunog papalapit sa Villa Carlos Paz City, Cordoba ay kuha ni Federico Krypner at ini-upload sa Storyful noong Oct. 11.  

Note: Pindutin ang litrato para makita ang totoong kopya at konteksto.

May isa namang clip na nagpapakita ng mga residenteng nasa highway sa Cabalango, isa pang bayan sa Cordoba, habang may napakalaking sunog sa background. Pinublish ito ng ilang media outlets.  

Ang iba pang clip ng napakalaking sunog papalapit sa Villa Carlos Paz ay:

  • Kuha mula sa mataas na lugar at unang ini-upload ng Facebook page na Meteorología Argentina y mundial noong Oct. 11. Ginamit din ito sa mga balita ng iba pang media;
  • Residential area na pinalilibutan ng napakalaking sunog. Ipinakita ito sa Oct. 11 YouTube video ng ADN 40 at iba pang balita;
  • Kuha mula sa taas ng building na ini-upload din ng Meteorología Argentina y mundial noong Oct. 11.

Ang kasinungalingang Facebook video ay may higit 8,500 na reactions, 842 comments, 3,100 shares at 349,000 views. Ang kopya naman nito sa TikTok na ini-upload ni @walangjowavlog ay may higit 25,600 reactions, 1,084 comments, 1,863 shares at 1.5 milyong views. 


May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).


(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.