Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Videos tungkol sa pamumuno ni Marcos ng ASEAN, NILILIGAW ang manonood

WHAT WAS CLAIMED

Si Pangulong Bongbong Marcos ang “napiling” bagong lider ng ASEAN

OUR VERDICT

Misleading:

Ang pagho-host ng ASEAN Summit ay umiikot sa mga miyembro nitong bansa. Ayon sa Article 31 ng ASEAN Charter, ang pamumuno ay nagro-rotate taun-taon base sa unang letra ng pangalan ng sampung miyembrong bansa.

By VERA Files

Sep 19, 2023

3-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

(Editor’s Note: Unang inilathala ang fact-check na ito sa Ingles noong Sept. 11.)

Matapos sabihin ng Pilipinas na handa itong i-host ang 2026 Summit ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations, tatlong videos sa YouTube ang nagsabing si Pangulong Bongbong Marcos ang “napiling” bagong lider ng ASEAN. Kailangan nito ng konteksto.

Ang pamumuno ng ASEAN ay by rotation, o sa pamamagitan ng pag-ikot, hindi pagboto.

Unang inupload noong Sept. 5, sabi sa video: 

“NAGULAT ANG LAHAT! GRABE PRES BBM! HAHAWAKAN NA ASEAN! ITO AYAW MANGYARE NG CHINA! PRES XI VS PBBM!”

Sa ika-43 na ASEAN Summit sa Indonesia nitong buwan, sinabi ni Marcos na “handa ang Pilipinas na pamunuan ang ASEAN sa 2026.” Sisikapin daw nitong palakasin ang ASEAN. Noong 2017 ang huling taon na ginanap sa Pilipinas ang summit.

Habang pinakikita ng video ang pagdating ni Marcos sa opening ceremony ng ASEAN Summit sa Jakarta noong Sept. 5, sinabi ng narrator ng video na kinausap ng presidente ang lahat ng ASEAN leaders at sinabing sana raw ang sunod na pagpupulong ay ganapin sa China para makita kung tutupad ang China sa Code of Conduct sa West Philippine Sea.

Ang sinasabi ng video ay gawa-gawa lang.

Ang pagho-host ng ASEAN Summit ay umiikot sa mga miyembro nitong bansa. Ayon sa Article 31 ng ASEAN Charter, ang pamumuno ay nagro-rotate taun-taon base sa unang letra ng pangalan ng sampung miyembrong bansa.

Ang pagpupulong ng ASEAN sa 2024 ay gaganapin sa Laos at ang 2025 ay sa Malaysia. Sa Myanmar dapat gaganapin ang ASEAN Summit 2026 at sa Pilipinas sa 2027. Pero dahil sa patuloy na gulo sa Myanmar gawa ng batas militar noong 2021, Pilipinas ang magiging punong-abala ng ASEAN sa 2026.

Ipinakita sa dulo ng video ang Aug. 29 interview ng SMNI kay dating National Security Adviser Clarita Carlos tungkol sa agresyon ng China sa West Philippine Sea. 

Ang Pilipinas ay isa lang sa maraming miyembro ng ASEAN na may laban sa China tungkol sa teritoryo. Ang iba pa ay Vietnam, Malaysia, Brunei, at Indonesia.

Inupload ng YouTube channels na Boss Balita TV, BALITA NI JUAN at WANGBUDISS TV, ang tatlong videos ay may 23,500 views at 915 likes. Ito ay mga channel na dati na ring na-fact check ng VERA Files.


Have you seen any dubious claims, photos, memes, or online posts that you want us to verify? Fill out this reader request form or send it to VERA, the truth bot on Viber.

(Editor’s Note: VERA Files has partnered with Facebook to fight the spread of disinformation. Find out more about this partnership and our methodology.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.