Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Mga FB page, nagbebenta ng PEKENG gatas na ‘panlinis ng baga’

WHAT WAS CLAIMED

Pagtapos ng pitong araw lang na pag-inom ng Lung Gold Milk, gagaling na ang pulmonya, bronchitis, hika, at chronic obstructive pulmonary disease

OUR VERDICT

Peke:

Ang Lung Gold Milk ay hindi registered sa Food and Drug Administration. 

Payo ng American Lung Association, “Huwag magtiwala sa mga mabilisang pampagaling (quick fixes). Kahit mukhang maganda ang mga remedyong pang-detox, sa kasamaang palad ay marami sa mga sabi-sabi ng mga kompanyang nagbebenta ng mga delikado at hindi napatutunayang gamot ay hindi makatotohanan at puwede pang makapinsala.”

By VERA Files

Sep 19, 2023

2-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

(Editor’s Note: Unang inilathala ang fact-check na ito sa Ingles noong Sept. 8.)

Isang mambabasa ng VERA Files ang nagpa-fact-check ng isang produktong gatas na naglilinis at nag-de-detoxify raw ng baga. Kasinungalingan ito.

Ayon sa post noong Aug. 9 ng Facebook (FB) page na Lung Gold Milk – Specialty Milk For Lung Patients at tatlo pang FB page:

Pneumonia, Bronchitis, asthma, C.O.P.D. resolved right after 7 days of using Lung Gold Milk.”

(Pagtapos ng pitong araw lang na pag-inom ng Lung Gold Milk, gagaling na ang pulmonya, bronchitis, hika, at chronic obstructive pulmonary disease.)

Ang Lung Gold Milk ay hindi registered sa Food and Drug Administration

Payo ng American Lung Association, “Huwag magtiwala sa mga mabilisang pampagaling (quick fixes). Kahit mukhang maganda ang mga remedyong pang-detox, sa kasamaang palad ay marami sa mga sabi-sabi ng mga kompanyang nagbebenta ng mga delikado at hindi napatutunayang gamot ay hindi makatotohanan at puwede pang makapinsala.”

Dagdag pa ng American Lung Association, kusang nililinis at pinagagaling ng baga ang sarili nito kapag hindi na ito naka-expose sa mga pollutant gaya ng usok ng sigarilyo at air pollution.

Ang pekeng ads ay may dalang link sa website na lunggoldmilk.com na nanloloko ng mga tao na mag-log-in sa kanilang FB Messenger para ma-track daw ang kanilang order.

Nagpapanggap na “Manila International Clinic” ang lunggoldmilk.com, at kapag binuksan ang website ay nangangako ng discounts hanggang 70% at pagbabalik ng bayad kung hindi magustuhan ng bumili ang produkto.

Pero kapag sinearch sa internet, walang “Manila International Clinic”. Ang lunggoldmilk.com ay nagpapakita ng mga palatandaan o red flags ng mga pekeng health claims, ayon sa Department of Health. Ilan rito ay:

  • Ang produkto ay nangangako ng mabilisang paggaling ng maraming klase ng sakit.
  • May pangakong ibabalik ang bayad kung hindi nagustuhan ng bumili ang produkto.
  • Ang produkto ay mabibili lang sa isang tindahan o nagtitinda.

Ang FB pages na Lung Gold Milk – Nutrition For Lung Diseases at Lung Gold Milk – Specialty Milk For Lung Patients (na parehong ginawa noong Aug. 9) at Lung Gold Milk – No.1 lung tonic colostrum in the philippines (na ginawa naman noong Nov. 21, 2022) ang nag-post ng pekeng ads na nagka-1,368 interactions. 

Ang ads ng Lung Gold Milk ay lumabas nitong Agosto, ang Pambsang Buwan ng Baga.

Have you seen any dubious claims, photos, memes, or online posts that you want us to verify? Fill out this reader request form or send it to VERA, the truth bot on Viber.

(Editor’s Note: VERA Files has partnered with Facebook to fight the spread of disinformation. Find out more about this partnership and our methodology.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.