Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: Wala si Neri Colmenares sa senatorial lineup ni Robredo

Mali ang sinabi ng tabloid na Pinoy Exposé sa isang artikulo sa website nito na isinama ni Vice President Leni Robredo si Neri Colmenares, kandidato ng Makabayan coalition para sa Senado, sa kanyang senatorial slate kapalit ng pag-endorso ng coalition sa kanyang presidential bid.

By VERA Files

Feb 18, 2022

4-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Mali ang sinabi ng tabloid na Pinoy Exposé sa isang artikulo sa website nito na isinama ni Vice President Leni Robredo si Neri Colmenares, kandidato ng Makabayan coalition para sa Senado, sa kanyang senatorial slate kapalit ng pag-endorso ng coalition sa kanyang presidential bid.

PAHAYAG

Sa isang artikulong inilathala noong Peb. 4, sinabi ng Pinoy Exposé na si Robredo ay “pumasok sa isang ‘alyansa’ sa mga front group ng CPP (Communist Party of the Philippines)” — binanggit nang walang ebidensya ang Makabayan bloc — para “palakasin ang kanyang kandidatura.”

Idinagdag nito:

Makabayan has formally endorsed Robredo’s candidacy last January 28, 2022, with Robredo agreeing to accept Neri Colmenares, former Makabayan congressman and a perennial loser in the Senate race, as one of her candidates for the Senate.

(Pormal na inendorso ng Makabayan ang kandidatura ni Robredo noong Enero 28, 2022, kung saan pumayag si Robredo na tanggapin si Neri Colmenares, dating kongresista ng Makabayan at laging talunan sa labanan para makaupo sa Senado, bilang isa sa kanyang mga kandidato para sa Senado.)

Pinagmulan: Pinoy Exposé, Robredo Sets ‘One Condition’ In SMNI Presidential Debate: ‘No Usec. Badoy, Please’, Peb. 4, 2022 (archive)

ANG KATOTOHANAN

Habang inendorso ng Makabayan coalition ang kandidatura ni Robredo bilang pangulo, hindi ito kapalit ng pagsama ni Colmenares sa kanyang lineup para sa Senado.

Nakumpleto ni Robredo at ng kanyang running mate na si Sen. Francis Pangilinan ang kanilang pinal na listahan ng mga kandidato sa pagka-senador noong huling bahagi ng Oktubre 2021. Kabilang dito ang dating kinatawan ng Kongreso na si Teddy Baguilat, nakakulong na si Sen. Leila De Lima, abogadong si Alex Lacson, lider ng manggagawa na si Sonny Matula, human rights lawyer Chel Diokno, at dating senador Antonio “Sonny” Trillanes IV. Para makumpleto ang lineup, kinuha nila bilang guest-candidate sina Sen. Richard Gordon, Joel Villanueva, at Migz Zubiri; dating bise presidente Jejomar Binay; at dating senador Francis “Chiz” Escudero.

Una nang inanunsyo ni Robredo noong Okt. 15, 2021 ang unang 11 kandidato ng tiket (hindi kasama si Matula) at sinabi sa mga mamamahayag na si Colmenares ay kabilang sa kanilang isinasaalang-alang para sa ika-labindalawang puwesto sa lineup. Inihayag niya makalipas ang pitong araw na si Matula ang kanilang napili.

Sa kabila ng hindi pagkakasama ni Colmenares sa tiket, inendorso pa rin ng Makabayan, isang political coalition ng walong progresibong grupo tulad ng Bayan Muna, ang tandem nina Robredo at Pangilinan noong Enero 29.

Noong Peb. 16, sa pamamagitan lamang ng pag-endorso ng 1Sambayan, isang koalisyon ng mga grupong maka-demokrasya na nag-eendorso ng iisang talaan ng mga kandidato para sa halalan sa Mayo 9, sina Robredo at Colmenares ay parehong nasa listahan. Si Colmenares ay isa sa walong senatorial candidates na inendorso ng koalisyon, habang si Robredo ang presidential bet nito.

Si Colmenares ay tumatakbong senador sa ikatlong pagkakataon matapos matalo noong 2016 at 2019 elections. Siya ay isang kinatawan ng Bayan Muna party-list sa Kongreso mula 2009 hanggang 2016.

Ayon sa website nito, ang Pinoy Exposé ay isang tabloid na naka-base sa Maynila na pinamamahalaan ni Paul Gutierrez, presidente ng National Press Club, columnist/commentator Herman Tiu Laurel, at layout artist Francis Deocaris.

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Pinoy Exposé, Robredo Sets ‘One Condition’ In SMNI Presidential Debate: ‘No Usec. Badoy, Please’, Feb. 4, 2022 (archive)

Makabayan coalition, (Colmenares’ acceptance of 1Sambayan endorsement), Jan. 29, 2022

Office of the Vice President, Pahayag ni Atty. Barry Gutierrez Ukol sa Tugon nina VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan sa Deklarasyon ng Suporta ng Koalisyong Makabayan., Jan. 29, 2022

Office of the Vice President, , PAGPAPAKILALA NI KGG. LENI ROBREDO SA IKA-LABINDALAWANG KASAPI NG SENATORIAL SLATE – Office of the Vice President of the Republic of the Philippines, Oct. 22, 2021

Office of the Vice President, OPENING STATEMENT OF HON. LENI ROBREDO ON HER INTRODUCTION OF THE SENATORIAL SLATE – Office of the Vice President of the Republic of the Philippines, Oct. 15, 2021

Office of the Vice President, Leni and Kiko on their 2022 senatorial slate, unity, COVID-19 matters Press conference with VP Leni Robredo, Sen. Kiko Pangilinan, and Sen. Frank Drilon – Office of the Vice President of the Republic of the Philippines, Oct. 15, 2021

Makabayan coalition, (declaration of endorsement for Robredo), Jan. 29, 2022

1Sambayan, About Us, Accessed Feb. 17, 2022

1Sambayan, (endorsement of official candidates of the coalition), Feb, 16, 2022

House of Representatives, ROSTER of Philippine Legislators (from 1907 to 2019), Accessed Feb. 17, 2022

Commission on Elections, 2016 elections ballot template

Commission on Elections, 2019 elections ballot template

National Press Club, JOINT NPC-PTFoMS PRESS CONFERENCE, Feb. 16, 2022

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.