Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT CHECK: WALANG pinalipad na eroplanong pandigma ang U.S. sa himpapawid ng Tsina

WHAT WAS CLAIMED

Para magpakita ng lakas ang Amerika, nagpalipad ito ng bomber planes sa himpapawid ng Tsina

OUR VERDICT

Mali:

Walang ganitong pangyayari. Hindi ito inulat ng mga opisyal ng Amerika at Tsina at wala ring balitang sumusuporta rito.

By VERA Files

Oct 7, 2023

2-minute read
ifcn badge

Share This Article

:

(Editor’s Note: Unang inilathala ang fact-check na ito sa Ingles noong Sept. 30.)

Kumalat sa YouTube at Facebook ang isang video na nagsasabing para magpakita ng lakas ang Amerika, nagpalipad ito ng bomber planes sa himpapawid ng Tsina. Hindi ito totoo.

Sabi sa video, na inupload noong Sept. 23:

“Sa isang nakakamanghang pagpapakita ng lakas militar, ipinadala ng Estados Unidos ang kanyang mabigat na long range na B-52 bomber sa airspace ng China.”

Walang ganitong pangyayari. Hindi ito inulat ng mga opisyal ng Amerika at Tsina at wala ring balitang sumusuporta rito.

Sa pagsasaliksik ng VERA Files Fact Check, ang nabalitang B-52 bomber planes na ipinalipad ng Amerika ay tumungo pa-Indonesia noong June 19 para sa pagsasanay kasama ang Indonesian Air Force.

May mga nagsasabing ang pagpapalipad ng America sa Indonesia ay pagpapalipad sa “bakuran ng China” dahil ang Indonesia ay 4,197 kilometro lang mula China.

Para suportahan ang mali nitong claim, ipinakita sa video ang litrato ng B-52 bomber. Pero kapag ni-reverse image search ang litrato, malalaman na ang totoong litrato ay kuha ng U.S. Air Force noong Feb. 17, 2015 sa Guam.

Hindi rin sinabi ng Japan, U.S. at Pilipinas sa isang joint statement na magsagawa sila ng araw-araw na pagronda sa West Philippine Sea. Nagkasundo lamang sila na magsagawa ng regular na pagsasanay (joint drills).

Panghuli, pinagmukha rin ng video na kamakailan ay nagkita sina U.S. National Security Advisor Jake Sullivan, Japan National Security Advisor Akiba Takeo at Philippine National Security Advisor Eduardo Año para pag-usapan ang pagtutulungan ng tatlong bansa sa Indo-Pacific region. Ito ay hindi nagbabagang balita, nangyari ito noong Hunyo. 

Ang Facebook page na PH Speaker (ginawa noong Sept. 19, 2022 sa pangalang My Name 001) at YouTube channel na Terong Explained (ginawa noong Oct. 6, 2015) ang nag-upload ng video na nagkaroon ng higit 214,981 interactions. 

Ang video na may maling impormasyon ay pinaikot nitong Setyembre dalawang araw matapos sabihin ng gobyerno na magsasampa ang Pilipinas ng kaso laban sa China dahil sa pagsira nila ng mga coral reef sa West Philippine Sea.


May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).


(Editor’s Note: Nakikipagtulungan ang VERA Files sa Facebook para labanan ang pagkalat ng maling impormasyon. Alamin ang iba pang tungkol sa partnership na ito at ang pamamaraan namin.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.