Sa pagsagot sa pahayag ni Sen. Risa Hontiveros na nag-aalala siya sa “banta ng isang nuklear na digmaan” ng China laban sa Pilipinas, ang blogger at tagasuporta ni Duterte na si Sass Rogando Sasot ay nagbigay ng maling detalye ng kasaysayan. Ayon kay Sasot, ang China ay “isang nuclear power mula pa noong 1950s.”
Hinimok ni Hontiveros ang administrasyong Duterte noong Mayo 20 na repasuhin ang relasyon ng bansa sa China at talakayin sa United Nations ang mga ulat tungkol sa nuclear-capable bombers ng China na nag landing South China Sea.
“Hindi natin maaaring tawagin na isang kaibigan ang isang bansa na nagnanakaw ng ating mga isla at nagbabanta sa atin ng nuclear na digmaan,” sinabi nya sa isang pahayag.
PAHAYAG
Tinuligsa ni Sasot si Hontiveros sa isang 17-minutong video sa Facebook kinabukasan:
“Risa, ano ba itong katangahan mo? Diyos ko. Unang-una, ang China ay isang nuclear power mula pa noong 50s! “
Pinagmulan: For the Motherland – Sass Rogando Sasot, May 21, 2018, panoorin mula 2:23 hanggang 2:32
Inulit niya ang pahayag sa 2:54 at 3:54 ng video at hinamon ang senador sa isang debate tungkol sa internasyonal na relasyon:
“Risa, uulitin ko, ang China ay naging isang nuclear power mula pa noong 1950s, at nagkaroon tayo ng mga territorial disputes sa China mula nang opisyal tayong pumasok sa gulo noong 1970s.”
Pinagmulan: For the Motherland – Sass Rogando Sasot, May 21, 2018, panoorin mula 2:54 hanggang 3:01
“Kaya, ang China ay isang nuclear power mula pa noong 1950s. Hindi lalampas ng 1950s, ‘di ba? 1970s sila ay isang nuclear power. At noong panahon na iyon, tayo ay hindi nalalayo… Bakla ka ng taon, ‘teh. Nalalapit ang distansya na tayo ng nuclear power, ng nuclear weapons ng China! “
Panoorin: For the Motherland – Sass Rogando Sasot, May 21, 2018, panoorin mula 3:54 to 4:18
FACT
Ang hirit ni Sasot ay hindi tumpak.
Ang Pilipinas ay hindi maaaring “nalalapit ang distansya” sa mga armas nuclear ng China simula noong 1950s dahil ang China ay walang nuclear weapons noon.
Sa kanyang ulat tungkol sa kasaysayan ng pag-unlad ng nuclear weapons sa China, sinabi ni Brandon University Professor Leoh Yueh-Yun Liu na ang bansa ay nagsimulang tumuklas ng nuclear energy noong 1953 ngunit nagtagumpay sa paggawa at nagpasabog ng una nitong nuclear explosive, isang uranium-enriched fission device, noong 1964:
“Sa pamamagitan ng determinasyon at masidhing pagsisikap nito, ang Komunistang China ay matagumpay na isinagawa ang unang nuclear test noong ika-16 ng Oktubre 1964, sa test grounds at Lop Nor sa lalawigan ng Sinkiang. Ito ay isang nakapirming pagsabog sa isang 70-metrong toreng bakal.”
Pinagmulan: Liu, L. (1972). na nagsasalaysay sa kasaysayan ng pag-unlad ng nuclear weapons sa Tsina, p. 35.
Ang China, pagkatapos ng limang nuclear test, ay nagpasabog ng una nitong hydrogen bomb noong 1967:
“Pagkatapos, noong Hunyo 17, 1967, dumating ang ikaanim na test, na binubuo ng hydrogen bomb na hinulog mula sa isang high-flying na TU-16. Ang pagputok nito ay lumika ng isang matinding pagsabog na katumbas ng tatlo hanggang pitong megaton ng T.N.T. (trinitrotoluene). “
Pinagmulan: Liu, L. (1972). China and its Development of Nuclear Weapons. China as a Nuclear Power in World Politics. p. 36.
Puna ng isang pag-aaral noong 2013 tungkol sa patakaran ng China kaugnay ng kontrol sa mga armas:
“Hanggang 1964, ang China ay walang tunay na patakaran sa mga armas ng nuclear at kontrol ng mga armas. Ito ay higit na nababahala tungkol sa pagbuo ng isang kapani-paniwala na kakayahang nuclear. “
Pinagmulan: Klintworth, G. (2013). Power and Responsibility in Chinese Foreign Policy. Australian National University Press. p. 221.
Sa nuclear policy, isang pag-aaral noong 2015 ang nagsaad:
“Sa unang araw ng pagkakaroon ng mga nuclear weapon, ipinahayag ng China ang patakarang nukleyar nito na mga sumusunod: Isinagawa lamang ng China ang nuclear test para sa pagtatanggol (sa sarili)Hindi para maging una na gumamit ng mga nuclear weapon sa anumang oras o sa anumang sitwasyon. ”
Pinagmulan: Liping, X. (2015). On China’s Nuclear Doctrine. Journal of China and International Relations. p. 168.
Ang Facebook video ni Sasot, na nakakuha ng may 550,000 views, ay dinala/hinatid ng website ng Good News Network sa isang post ng Mayo 21, “Sass Rogando Sasot hinamon si Sen. Risa Hontiveros sa debate dahil sa katangahan niya.”
Ang Facebook page ni Sasot ay mayroong 631,758 na tagasunod.
Mga pinagmulan:
China’s Choice for Nuclear Power and a Closed Nuclear Fuel Cycle, Carnegie Endowment for International Peace, May 14, 2018.
Hontiveros on Chinese nuclear-capable bombers: Review Bilateral Relations with China: File Reso Before UN, Senate.gov.ph, May 20, 2018.
Klintworth, G. (2013). Power and Responsibility in Chinese Foreign Policy. Australian National University Press.
Liping, X. (2015). On China’s Nuclear Doctrine. Journal of China and International Relations.
Liu, L. (1972). China and its Development of Nuclear Weapons. In Liu (ed.), China as a Nuclear Power in World Politics, pp. 33-45. New York: Palgrave MacMillan.