Ang pagpapabakuna ng na-update na bakuna ang “nananatiling pinakamabisa at pinakamahusay na pangmatagalang proteksyon” laban sa COVID-19 virus, ayon sa Department of Health (DOH), kahit na may natukoy na bagong subvariant ng Omicron sa bansa noong unang bahagi ng buwang ito.
Ang unang kumpirmadong kaso ng XBB.1.16 o Arcturus subvariant ay natagpuan sa Western Visayas, batay sa pinakahuling ulat ng biosurveillance mula Abril 12 hanggang 17. Ang pasyente ay asymptomatic at gumaling na.
Pinaalalahanan ng DOH ang publiko na “patuloy na sumunod sa [l]ayers of protection tulad ng pagsusuot ng mask, pag-isolate kapag may sakit, at pagtiyak ng maayos na daloy ng hangin lalo na kapag mobile sa mga pampublikong lugar.”
Ano ang Arcturus subvariant? Dapat ba itong maging dahilan ng pag-aalala?
1. Ano ang alam ng mga health expert sa ngayon tungkol sa Arcturus subvariant?
Ang Arcturus o XBB.1.16 ay unang na-flag noong Enero 2023 dahil sa pagkakaroon ng mga mutasyon na nagpapataas sa kakayahan ng virus na magdulot ng impeksiyon. Ito ay may katulad na genetic na katangian sa Omicron XBB.1.5, na kasalukuyang nangingibabaw na variant na kumakalat sa United States (U.S.).
Noong Abril 17, inuri ng World Health Organization (WHO) ang Arcturus bilang variant of interes matapos itong matukoy sa 33 bansa, pangunahin sa India.
Ang isang variant of interes ay hinuhulaan o pinaniniwalaang makaaapekto sa kung gaano kadali kumalat ang virus, kung gaano katindi ang magiging sakit ng isang tao kapag nahawahan, o kung gaano kabisa ang mga treatment at bakuna.
Habang ang Arcturus subvariant ay “tumataas sa pandaigdigang prevalence,” binanggit ng mga opisyal ng kalusugan na ang kasalukuyang magagamit na ebidensya ay hindi nagpapakita ng anumang mga pagkakaiba sa kalubhaan ng epekto nito kumpara sa orihinal na variant ng Omicron.
2. Ang Arcturus ba ay nagdudulot ng mga bagong sintomas?
Hindi malinaw kung ang mga indibidwal na nahawaan ng Arcturus subvariant ay nakararanas ng mga bagong sintomas. Sinabi ng DOH na “sa pangkalahatan, ang COVID-19 ay nagpapakita ng mga sintomas tulad ng trangkaso kagaya ng lagnat, ubo, pagkapagod, pagkawala ng panglasa o pang-amoy, pananakit ng lalamunan, sakit ng ulo, pananakit ng katawan at pagtatae.”
Kamakailan, ang ilang mga pediatrician sa India ay nag-uulat ng pink eye o conjunctivitis sa mga bata na nahawaan ng arcturus.
Sinabi ng mga opisyal ng WHO noong Abril 18 na “ito ay mga kilalang sintomas na bahagi na ng COVID” ngunit pag-aaralan nila kung ang Arcturus ay nauugnay sa iba pang mga katangian.
Isang sistematikong pagsusuri, na inilathala sa Journal of Ophthalmic and Vision Research noong Enero 20, 2021, ang nagpakita na ang conjunctivitis ay isang iniulat na sintomas sa mga pasyente ng COVID-19. Inilista din ng Mayo Clinic sa U.S. ang conjunctivitis bilang isang hindi pangkaraniwang sintomas ng COVID-19.
Bukod sa mga kilalang sintomas ng COVID-19 tulad ng trangkaso, binigyang-diin ng DOH na “maaaring mag iba-iba ang sintomas sa bawat kaso at ang mga pag-aaral ay nagpapatuloy sa kung ano ang maaaring maging epekto ng virus.” Ang mahalaga, idinagdag nito, ay ang mga kaso ay mananatiling mapapamahalaan.
3. Gaano kabisa ang mga bagong vaccine booster laban sa mga umuusbong na variant ng Omicron?
Habang limitado pa rin ang ebidensya sa kung gaano kahusay umiwas ang Arcturus subvariant sa immunity mula sa pagbabakuna, inirerekomenda ng mga eksperto sa kalusugan ang pagkuha ng pangalawang booster shot na partikular na nagta-target sa Omicron.
Iniulat ng ilang ahensyang pangkalusugan na ang mga bivalent booster ay lumilitaw na “nagbibigay ng karagdagang proteksyon” laban sa mga symptomatic COVID-19 na impeksyon sa hindi bababa sa unang tatlong buwan sa mga taong nabakunahan na dati.
Sinabi ni Dr. Melvin Sanicas, isang dalubhasa sa bakuna, sa VERA Files Fact Check sa isang email na ang mga COVID-19 booster dose ay ipinakitang ligtas at nagpapataas ng immune responses laban sa kasalukuyang variants of cancers.
“Sa pagtingin sa iba pang mga respiratory viral infection na hindi nawala at patuloy na nagdudulot ng paulit-ulit na mga pana-panahong wave ng impeksyon, tulad ng influenza virus, posibleng kailanganin ng mga tao sa hinaharap ang taunang mga booster shot lalo na ang mga matatanda at ang mga immunocompromised,” idinagdag ni Sanicas, senior medical director sa Clover Biopharmaceuticals.
Noong Abril 13, inaprubahan ng Pilipinas ang pagbibigay ng second booster para sa mga taong may edad 18 taong gulang pataas. Ang pinakahuling datos ng DOH ay nagpapakita na humigit-kumulang 78.44 milyon ang nakatanggap ng dalawang dosis ng bakuna laban sa COVID-19 at 23.81 milyong Pilipino ang nakakuha ng unang booster.
Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.
Mga Pinagmulan
Department of Health, LATEST COVID-19 BIOSURVEILLANCE REPORT, accessed April 26, 2023
World Health Organization, Tracking SARS-CoV-2 variants, April 21, 2023
U.S. Centers for Disease Control and Prevention, COVID Data Tracker Weekly Review, April 14, 2023
World Health Organization, Updated working definitions and primary actions for SARSCoV2 variants, March 15, 2023
World Health Organization, 1 1 XBB.1.16 Initial Risk Assessment, April 17, 2023
World Health Organization, XBB.1.5 Updated Risk Assessment, Feb. 24, 2023
India reports conjunctivitis among XBB.1.16 infections
- The Times of India, Covid cases on rise among kids under 12 years in Delhi, April 10, 2023
- The Times of India, COVID XBB 1.16 has a new symptom everyone’s talking about, know what it is, April 13, 2023
- Gavi, the Vaccine Alliance, Arcturus: WHO upgrades XBB.1.16 to a COVID-19 “variant of interest”, April 21, 2023
- The Economic Times India, Doctors report new symptom as new Covid variant Arcturus spreads in India, April 15, 2023
World Health Organization, Virtual Press conference on COVID-19 and other global health issues transcript, April 18, 2023
U.S. National Library of Medicine, Ocular Manifestations of COVID-19: A Systematic Review and Meta-analysis, Jan. 20, 2021
Mayo Clinic, Unusual COVID-19 symptoms: What are they?, accessed April 26, 2023
On bivalent boosters
- European Centre for Disease Prevention and Control, Interim public health considerations for COVID-19 vaccination roll-out during 2023, April 5, 2023
- World Health Organization, Report of the meeting of the WHO Technical Advisory Group on COVID-19 Vaccine Composition (TAG-CO-VAC) held on 16-17 March 2023, April 14, 2023
- U.S. Centers for Disease Control and Prevention, Early Estimates of Bivalent mRNA Booster Dose Vaccine Effectiveness in Preventing Symptomatic SARS-CoV-2 Infection Attributable to Omicron BA.5– and XBB/XBB.1.5–Related Sublineages Among Immunocompetent Adults — Increasing Community Access to Testing Program, United States, December 2022–January 2023, Feb. 3, 2023
- U.S. National Institutes Health, Bivalent boosters provide better protection against severe COVID-19, Feb. 7, 2023
- Singapore Ministry of Health, MOH | FAQs – About COVID-19 Vaccines, accessed on April 26, 2023
Dr. Melvin Sanicas, Personal communication (interview), April 26, 2023
Department of Health, Department Memorandum No. 2023-0146: Interim Guidelines on the Management and Administration of COVID-19 Vaccine Second Booster, April 13, 2023
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)