Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Ang mga panganib ng orbital debris sa mga Pilipino

Sa loob ng dalawang linggo, naglabas ang Philippine Space Agency (PhilSA) ng dalawang advisory na nagbababala sa publiko sa mga potensyal na panganib ng pagbagsak ng mga labi mula sa dalawang space rocket na inilunsad ng China. Ano ba ang orbital debris at ang mga panganib na dulot nito? Ano dapat gawin kapag nakita mo ang mga ito?

By VERA Files

Jan 20, 2023

8-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Sa loob ng dalawang linggo, naglabas ang Philippine Space Agency (PhilSA) ng dalawang advisories na nagbababala sa publiko sa mga potensyal na panganib ng bumabagsak na debris mula sa dalawang space rockets na inilunsad ng China.

Noong Enero 9, inalerto ng PhilSA ang publiko sa inaasahang mga drop zone ng rocket boosters at iba pang mga debris mula sa Long March 7A, na inilunsad nang maaga nung araw na iyon mula sa Wenchang Space Launch Center sa China. Inaasahang kakalat ang mga ito sa paligid na karagatan ng Babuyan Islands, Cagayan at Ilocos Norte.

Noong Dis. 29, 2022, halos dalawang linggo bago nito, nagbabala rin ang space agency tungkol sa mga debris na nagmumula sa Chinese rocket na Long March 3B na inaasahang babagsak sa palibot ng Recto Bank sa West Philippine Sea.

Bagama’t ang rocket waste ay hindi inaasahang mahuhulog sa lupa, nagbabala ang PhilSA na ang mga fragment ay maaaring magdulot ng panganib at potensyal na panganib sa mga barko, sasakyang panghimpapawid, bangkang pangisda at iba pang sasakyang-dagat na dumadaan sa mga landing zone.

Ano ang orbital debris at ang mga panganib na dulot nito? Ano ang gagawin kapag nakita mo ang mga ito? Narito ang apat na bagay na dapat mong malaman:

1. Ano ang orbital debris?

Ayon sa PhilSA, ang orbital debris ay mga bagay na gawa ng tao na umiikot sa Earth na maaaring mahulog pabalik sa planeta o bumangga sa iba pang mga bagay sa orbit. Kabilang dito ang non-functional na spacecraft, launch vehicle stages, mga hindi na gumaganang satellite at mga fragment tulad ng mga tipak ng pintura na itinuturing na basura at hindi na nagsisilbi nang anumang gamit.

Gayunpaman, sinabi ng PhilSA sa VERA Files Fact Check sa isang email noong Enero 18 na hindi lahat ng mga debris mula sa mga paglulunsad ng rocket ay nakakukumpleto ng isang orbit sa paligid ng Earth. Ang ilan tulad ng mga payload fairing at rocket booster ay itinatapon ilang minuto pagkatapos ng paglunsad at idinisenyo upang mahulog sa mga lugar na walang nakatira na tinatawag na mga drop zone.Understanding orbital debris

Ayon sa National Aeronautics and Space Administration (NASA) ng United States (U.S.), ang mga orbital debris ay karaniwang itinuturing na “space debris.”

Sa kasalukuyan, mahigit 27,000 trackable space junk ang nasa orbit ng Earth, batay sa catalog ng Space Surveillance Network ng U.S. Department of Defense. Wala pang kakayahan ang PhilSA na subaybayan ang mga space debris.

2. Ano ang mga potensyal na panganib ng pagbagsak ng mga debris sa mga tao, mga property?

Paulit-ulit na nagbabala ang PhilSA sa publiko sa kanilang mga advisory na huwag hawakan o lapitan ang anumang orbital debris na maaaring maglaman ng mga labi ng mga mapanganib na kemikal tulad ng rocket fuel, at magdulot ng pinsala sa mga sasakyang panghimpapawid at mga bangkang pangisda sa mga drop zone.

Gayunpaman nilinaw ng space agency na ang panganib na mangyari ito ay medyo mababa dahil ang karamihan sa mga drop zone ay nasa tubig. Ang mas maliliit na debris ay maaaring masunog sa atmosphere, ngunit ang malalaking piraso ay maaaring bumagsak sa mababaw na katubigan at makapinsala sa mga coral reef o makasakit ng mga hayop sa dagat.

Walang naitalang casualty o pinsala sa ari-arian na dulot ng space debris sa Pilipinas, ayon sa PhilSA. Sa kasaysayan ng tao, isang tao lamang mula sa Tulsa, Oklahoma sa U.S. ang natukoy ng NASA na natamaan ng nahulog na fragment – mga anim na pulgadang metal – mula sa American rocket na Delta II noong 1997.

Sa kabila nito, sinabi ng PhilSA na ang kawalan ng interbensyon para maiwasan ang naturang insidente sa loob ng susunod na dekada ay maaaring humantong sa posibilidad na nasa pagitan ng 6% at 10% na ang isang tao ay mapatay o malubhang masugatan ng nahuhulog na space junk.

Sa mga tuntunin ng makabuluhang epekto sa kapaligiran, sinabi ng space agency na ang pag-crash ng Russian nuclear-powered satellite na Kosmos 954 noong 1978 ay ang tanging dokumentadong kaso. Ang pagbagsak ng satellite sa Northwest Territories of Canada ay nagresulta sa pagkalat ng radioactive debris sa mahigit 124,000 square kilometers.

Binanggit ng PhilSA na may mga patuloy na pag-aaral sa buong mundo tungkol sa pinagsama-samang negatibong epekto ng space debris sa kapaligiran.

3. Sino ang maaaring managot sa pinsala sa ari-arian o pagkamatay dahil sa mga nahuhulog na falling debris?

Ayon sa Convention on International Liability for Damage Caused by Space Objects, ang estado na nagmamay-ari at naglunsad ng isang bagay sa outer space ay mananagot sa pagbabayad ng pinsala tulad ng pagkawala ng buhay o pinsala ng isang tao. Sa kaso ng isa o higit pang mga estado ang kasangkot sa isang magkasanib na paglulunsad ng isang space object, maaari silang managot nang sama-sama o magkahiwalay sa anumang pinsalang naidulot.

Dapat ipakita ng nagrereklamong estado ang claim nito para sa kabayaran sa estadong naglulunsad sa pamamagitan ng mga diplomatikong channel nang hindi lalampas sa isang taon mula sa pangyayari ng pinsala o pagkakakilanlan ng mananagot na estado. Kung walang diplomatikong relasyon sa estadong naglunsad ng space object, maaaring hilingin ng naghahabol na estado sa ibang estado na iharap ang claim nito, katawanin ang interes nito sa ilalim ng convention, o idaan ito sa pamamagitan ng United Nations (U.N.) secretary-general sa kondisyon na parehong sangkot na partido ay mga miyembro ng internasyonal body.

Ang isang tatlong-miyembrong Claims Commission ay maaari ding itatag alinsunod sa Article XIV ng Liability Convention kung walang kasunduan na naabot sa pamamagitan ng diplomatikong negosasyon.

Sinabi ng PhilSA na inuuna nito ang ratipikasyon ng Pilipinas ng Liability Convention at Convention on Registration of Objects Launched into Outer Space. Hanggang sa ratipikasyon, ang Pilipinas ay hindi maaaring mag invoke ng dalawang kombensiyon upang i-claim ang kabayaran para sa damage o pinsala dahil sa mga bagay sa kalawakan ng ibang mga estado.

“Gayunpaman, maaari pa rin kaming humingi ng kabayaran sa pamamagitan ng iba pang mga mekanismo dahil ang mga nakaugalian na tuntunin ng international law na may kaugnayan sa pananagutan ng estado at responsibilidad ng estado ay dapat pa ring naaangkop sa space law regime,” tiniyak ng ahensya.

4. Ano ang dapat gawin ng publiko kung makakita sila ng orbital debris?

Pinayuhan ng PhilSA ang publiko na agad na ipaalam sa mga lokal na awtoridad kung makakita ng space debris at lumayo dahil sa posibleng mga nakalalason na sangkap.

How does PhilSA project the drop zone of rocket debris?

Sa ilalim ng Agreement on the Rescue of Astronauts, the Return of Astronauts and the Return of Objects Launched into Outer Space, dapat na ipaalam ng bansa sa launching state at sa U.N. secretary general kung saan matatagpuan ang mga debris. Mula noong 1968, ang U.N. Office for Outer Space Affairs ay nagpapanatili ng isang pampublikong database ng mga orbital debris na natuklasan sa teritoryo ng mga miyembrong estado, sa matataas na karagatan, o sa anumang iba pang lugar na hindi nasa ilalim ng hurisdiksyon ng anumang estado.

Bagama’t hindi pa niratipikahan ng Pilipinas ang Rescue Agreement, sinabi ng PhilSA na maaaring mag comply o sumunod ang gobyerno sa mga prinsipyo ng kasunduan “in good faith,” tulad ng pagkuha at pagbabalik ng mga debris sa kahilingan at tulong ng responsableng estado.

 

 

Nakakita ka na ba ng anumang kahina-hinalang pahayag, larawan, meme, o online post na gusto mong i-verify namin? Sagutan ang reader-request form na ito.

 

Mga Pinagmulan

Philippine Space Agency official website, Advisory on drop zones for unburned debris from the Long March 7A launch, Jan. 9, 2023

Philippine Space Agency official website, Public advisory on estimated debris drop zones from Long March 3B launch, Dec. 29, 2022

Philippine Space Agency, Personal communication (email), Jan. 18, 2023

National Aeronautics and Space Administration official website, Space Debris and Human Spacecraft., Accessed Jan. 18, 2023

National Aeronautics and Space Administration official website, ARES | Orbital Debris Program Office | Frequently Asked Questions., Accessed Jan. 18, 2023

National Aeronautics and Space Administration official website, ARES | Orbital Debris Program Office | Debris Modeling., Accessed Jan. 18, 2023

National Aeronautics and Space Administration official website, Sputnik 1 – Spacecraft, Accessed Jan. 18, 2023

Wired, Jan. 22, 1997: Heads Up, Lottie! It’s Space Junk!, Jan. 22, 2009

ABC News, Space Junk Survivor, March 22, 2001

NPR, ​​Where Falling Satellite Lands Is Anyone’s Guess : NPR, Sept. 21, 2011

National Aeronautics and Space Administration official website, Delta II Explosion Plume Analysis Report, 2000

Canada government official website, Previous nuclear incidents and accidents: COSMOS 954 – Canada.ca, Accessed Jan. 18, 2023

United Nations Office for Outer Space Affairs official website, Convention on International Liability for Damage Caused by Space Objects, Accessed Jan. 18, 2023

United Nations Office for Outer Space Affairs official website, Convention on Registration of Objects Launched into Outer Space, Accessed Jan. 18, 2023

United Nations Office for Outer Space Affairs official website, Agreement on the Rescue of Astronauts, the Return of Astronauts and the Return of Objects Launched into Outer Space Accessed Jan. 18, 2023

United Nations Office for Outer Space Affairs official website, Recovery and Return of Objects Launched into Outer Space, Accessed Jan. 18, 2023

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.