Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Ang Philippine CDC bill ipinaliwanag

Ano ang SB 1869 o ang CDC bill, at dapat ba tayong mag-alala tungkol dito?

By VERA Files

May 31, 2023

7-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Nag prayer rally noong Mayo 22 ang Lunas Pilipinas Coalition, isang network ng regional at sectoral groups, para tutulan ang Senate Bill (SB) No. 1869 na magtatatag ng Philippine Center for Disease Prevention and Control (CDC).

Sa isang press release sa parehong petsa, inilarawan ng koalisyon ang iminungkahing batas bilang “medical martial law” na magbibigay sa World Health Organization ng kontrol sa mga lokal na patakaran sa kalusugan, magpapatupad ng surveillance, at hahantong sa mga warrantless arrest.

“Ang CDC bill ay hindi isang medical martial law. Ang panukalang batas ay iminungkahi sa atin upang maging handa sa mga darating na pandemya o mga banta sa hinaharap sa kalusugan ng publiko ng isang bansa,” sinabi ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing noong Marso 28.

Ano ang SB 1869 o ang CDC bill, at dapat ba tayong mag-alala tungkol dito?

1. Tungkol saan ang CDC bill?

Iminungkahi ng SB 1869 ang paglikha ng isang CDC sa Pilipinas na direktang nasa ilalim ng  Office of the Secretary ng DOH.

Ang CDC ay magiging “ang teknikal na awtoridad sa pagtataya, pagsusuri, diskarte, at pag-unlad ng mga pamantayan para sa pag-iwas at kontrol sa lahat ng mga sakit na may kahalagahan sa kalusugan ng publiko at mga kaganapan sa seguridad sa kalusugan, maging domestic o international man ang pinagmulan,” ayon sa panukala.

Sa iba pang mga bagay, ang CDC ay magpapatupad ng pagsubaybay sa sakit, magrerekomenda ng mga aksyon laban sa mga banta sa kalusugan ng publiko, bubuo ng lokal na kapasidad para sa pagsubaybay at pananaliksik sa kalusugan, at mangunguna sa mga komunikasyon sa publiko kaugnay ng panganib sa kalusugan.

Ang Philippine CDC bill ay nagmumungkahi na magtatag ng mga center para sa mga istatistika ng kalusugan, epidemiology at surveillance, at isang research institute of medicine.

Sasakupin ng center ang Bureau of Epidemiology at Research Institute for Tropical Medicine, na parehong nasa ilalim ng DOH.

2. Ano ang status ng CDC bill?

Noong Mayo 25, ang SB 1869 ay naaprubahan sa ikalawang pagbasa matapos itong iendorso ng mga komite sa health, finance, at ways and means para sa debate sa plenaryo noong Pebrero.

Ang counterpart measure sa House of Representatives, ang House Bill No. 6522, ay inaprubahan sa ikatlo at huling pagbasa noong Disyembre 12, 2022 na may 255 na boto at walang pagtutol. Ito ay ipinadala sa Senado sa parehong araw.

Ang mga panukalang batas para magtatag ng CDC ay inihain sa parehong Senado at House of Representatives noong ika-18 Kongreso, partikular bilang resulta ng COVID-19 pandemic. Sa kanyang 2021 State of the Nation Address (SONA), hinimok ni dating pangulong Rodrigo Duterte ang mga mambabatas na magpatibay ng CDC law. Mabilis na inaprubahan ng Kamara ang bersyon nito ng panukalang batas makalipas ang dalawang araw noong Hulyo 28, 2021.

(Basahin ang VERA FILES FACT SHEET: Silipin ang mga iminungkahing ahensya ng kalusugan para sa virology at pagkontrol sa sakit)

Ipinangako rin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagtatatag ng isang CDC sa kanyang unang SONA noong Hulyo 2022. Kanyang na certify ba urgent ang bersyon ng Senado ng panukalang batas ng CDC noong Marso 14 upang mapabilis ang proseso ng pagsasabatas.

Ang mga panukalang batas ay certified as urgent upang matugunan ang isang pampublikong kalamidad o emergency sa ilalim ng Article VI, Sec. 26 (2) ng 1987 Constitution at maaaring ipasa sa ikalawa at ikatlong pagbasa sa parehong araw, gaya ng sinabi sa isang desisyon ng Korte Suprema noong 1994.

3. Bakit sinusuportahan ng mga mambabatas at eksperto sa kalusugan ang panukalang batas ng CDC?

 

Sinabi ni Sen. Pia Cayetano, sponsor ng SB 1869, na ang pagtatatag ng CDC ay makatutulong sa pag-secure ng healthcare system ng bansa laban sa mga problema sa hinaharap.

“Ito ay maghahanda sa atin para sa lahat ng posibleng mangyari maging ito man ay isa pang pandemya, natural na disaster o man-made disaster na maaaring may banta sa seguridad ng kalusugan ng ating bansa,” sabi ni Cayetano sa isang talumpati noong Nob. 24, 2022.

Sa isang presser noong Marso 23, sinabi ni Vergeire na ang iminungkahing CDC ay “pupunuan ang mga kakulangan ng sistema ng [pangangalaga sa kalusugan],” na ipinatunayan ng COVID-19 pandemic.

Sinabi niya na ang panukalang CDC bill ay makatutulong na matugunan ang kakulangan ng gobyerno ng handang access sa mga eksperto at mga sistema ng pagsubaybay sa kalusugan, pati na rin ang tiyak na koordinasyon sa pagitan ng mga laboratoryo, siyentipiko at mga eksperto sa kalusugan.

“Wala kang mahahanap sa draft na panukalang batas ng CDC na anumang probisyon na magsasaad na magkakaroon tayo ng medical martial law,” pagdidiin ni Vergeire.

4. Anong mga probisyon ng panukalang batas ng CDC ang tinututulan?

Naninindigan ang mga kritiko na ang iminungkahing batas ay may kakambal na banta sa mga karapatang pantao dahil pinapayagan nito ang pamahalaan na subaybayan ang mga tao gamit ang subscriber identity module o SIM card, pag-uutos sa lahat na sumailalim sa quarantine at paggamot, at ibubukod ang mga nagpapatupad ng programa ng CDC sa pananagutan.

Sa ilalim ng panukalang batas, dapat ibigay ng National Telecommunications Commission ang lokasyon ng mga pasyenteng pinaghihinalaang nagkasakit kapag hiniling ng CDC, “sa kondisyon na tiitiyakin ng CDC ang pagiging confidential ng naturang impormasyon.”

Binibigyan din nito ang director general ng CDC ng kapangyarihan na magpatupad ng preventive measures tulad ng mga quarantine, isolation, inspection, destruction ng mga hayop, fumigation, at iba pa.

Sa ilalim ng Article V, Sec. 13 (g) (5) ng SB 1869, ang Health secretary ay maaaring magsulong ng paggamot, pagbabakuna, o immunization laban sa isang nakakahawang sakit, gayundin ang:

“[compel] the isolation or quarantine of persons who are unable or unwilling, for reasons of health, religion, or conscience, to undergo immunization or treatment: Provided, That the guidelines for the exercise of such power shall be formulated with the Department of Justice.” 

(“[ipilit] ang isolation o quarantine ng mga taong hindi kaya o ayaw, para sa mga kadahilanan ng kalusugan, relihiyon, o konsensya, na sumailalim sa pagbabakuna o paggamot: Sa kondisyon, Na ang mga patnubay para sa paggamit ng naturang kapangyarihan ay dapat buuin kasama ng Department of Justice.”)

 

Pinagmulan: Senate of the Philippines, Article 5, Sec. 13 (g) (5) ng SB 1869, p. 21

Ang panukalang batas ay nagbibigay sa mga sumusunod na indibidwal ng immunity mula sa demanda kaugnay ng mga paghahabol na may kaugnayan sa pagtupad ng kanilang mga opisyal na tungkulin sa pagpigil sa pagkalat ng isang sakit:

  • Mga tagapagpatupad ng programa ng CDC
  • mga pampublikong opisyal at empleyado
  • healthcare at non-healthcare worker
  • mga miyembro ng Food and Drug Administration
  • mga miyembro ng National Adverse Events Following Immunization Committee.

Gayunpaman, hindi sila magiging immune sa mga legal na kaso na nagmumula sa willful misconduct at matinding kapabayaan.

 

May nakita ka bang kaduda-dudang status, picture, meme, o iba pang post na gusto mong i-fact-check namin? Sagutan lang itong reader request form o i-message sa Viber ang VERA, the truth bot (Philippines).

 

Mga Pinagmulan

DZRH News official Facebook page, BALANSYADO with HENRY URI & KAREN OW-YONG, May 22, 2023

Facebook user Ajrob Ledif, Press Release, May 22, 2023

Department of Health official Facebook page, Media Forum, March 28, 2023

Senate of the Philippines official website, PHILIPPINE CENTER FOR DISEASE PREVENTION AND CONTROL (CDC) ACT, accessed May 25, 2023

Senate of the Philippines, Senate Bill No. 1869, accessed May 25, 2023

U.S. CDC, Mission, Role and Pledge, accessed May 30, 2023

U.S. Department of Health Services, HHS Organizational Charts Office of Secretary and Divisions, accessed May 30, 2023

U.S. CDC, CDC History, April 19, 2023

U.S. National Center for Biotechnology Information, From MCWA to CDC: Origins of the Centers for Disease Control and Prevention, November 1996

U.S. CDC, Organization, accessed May 30, 2023

House of Representatives official website, House Bill No. 6522, accessed May 25, 2023

House of Representatives official website, HOUSE OKS BILL ESTABLISHING PHILIPPINE CENTER FOR DISEASE PREVENTION AND CONTROL, Dec. 12, 2022

RTVMalacañang official YouTube channel, President Rodrigo Roa Duterte’s 6th State of the Nation Address, July 26, 2021

Official Gazette of the Philippines, The Constitution of the Republic of the Philippines, Article VI, Sec. 26 (2), accessed May 25, 2023

Supreme Court of the Philippines, G.R. No. 115455. Aug. 25, 1994

Senate of the Philippines, Transcript of the opening statement of Senator Pia S. Cayetano, Nov. 24, 2022

Department of Health official Facebook page, Media Forum, March 28, 2023

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.