Skip to content
post thumbnail

VERA FILES FACT SHEET: Ano ang ibig sabihin ng interim na resulta ng Solidarity Trial ng WHO sa mga COVID-19 treatment

Ipinakita ng World Health Organization (WHO) noong Okt. 15 ang "kapani-paniwala" na mga natuklasan sa interim na resulta ng Solidarity Therapeutics Trial nito, anim na buwan matapos simulan ang pandaigdigan na paghahanap para sa isang mabisang lunas sa paggamot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

By VERA Files

Oct 30, 2020

9-minute read

Basahin sa Ingles

ifcn badge

Share This Article

:

Ipinakita ng World Health Organization (WHO) noong Okt. 15 ang “kapani-paniwala” na mga natuklasan sa interim na resulta ng Solidarity Therapeutics Trial nito, anim na buwan matapos simulan ang pandaigdigan na paghahanap para sa isang mabisang lunas sa paggamot ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Unang sinuri sa trial, na pinag-ugnay ng WHO, ang mga epekto ng apat na repurposed antiviral drugs sa paggamot ng bagong sakit: Remdesivir, Lopinavir / Ritonavir, Lopinavir / Ritonavir kasama ang Interferon beta-1a, at Hydroxychloroquine.

Ano ang sinasabi ng mga unang resulta at ano ang ibig sabihin nito para sa paggamot ng COVID-19? Narito ang tatlong bagay na kailangan mong malaman:

1. Ano ang WHO Solidarity Therapeutics Trial?

Ang WHO Solidarity Therapeutics Trial ay isang international randomized clinical trial ng unang apat na mga pagpipilian na treatment upang makita kung magreresulta ang mga ito sa pagpapabuti ng mga clinical outcome para sa mga pasyente ng COVID-19 — partikular ang kanilang mga epekto sa dami ng namamatay, pangangailangan ng mga ventilator, at tagal ng pananatili sa ospital, kumpara sa mga pasyente na binigyan ng pamantayang pangangalaga.

Ang orihinal na mga pagpipilian na treatment na sinuri ay Remdesivir, Lopinavir / Ritonavir, Lopinavir / Ritonavir na may Interferon beta-1a, at Hydroxychloroquine.

Ang lahat ng mga gamot sa pag-aaral ay repurposed. Ang mga ito ay orihinal na gamot para sa:

Ang bawat treatment ay iniskedyul na tatagal ng higit sa pitong araw. Ang paggamit ng mga gamot ay inihinto sa sandaling ang mga pasyente ay pinayagan na ma-discharge o kung sapat na ang nakalap na datos.

Ang trial ay “adaptive,” na nangangahulugan na ang “unpromising drugs” ay maaaring tanggalin sa pag-aaral habang ang iba ay maaaring idagdag.

Hanggang Okt. 2, ang trial ay nakapagtipon ng higit sa 12,000 mga pasyente mula sa 500 mga kalahok na ospital sa hindi bababa sa 30 mga bansa, kabilang ang Pilipinas.

Tanging mga sumang-ayon na COVID-19 na mga pasyente na hindi bababa sa 18 taong gulang ang maaaring sumali sa pag-aaral.

Batay sa datos mula sa Department of Health (DOH), kabuuang 1,146 mga pasyenteng Pilipino ang sumali sa trial, 588 na mga pasyente sa public at 558 sa mga private na ospital, hanggang Okt. 12. Nagre-recruit pa rin ang mga ospital ng mga pasyente para sa patuloy na trial.

Inaprubahan ng Single Joint Research Ethics Board, isang accredited na research ethics committee na inorganisa ng DOH, ang clinical trial sa Pilipinas noong Abril 17.

2. Ano ang paunang natuklasan sa trial?

Ang apat na sinuring treatment ay may “kaunti o walang epekto sa pangkalahatang dami ng namamatay, pagsisimula ng ventilation at tagal ng pananatili ng mga pasyente sa ospital,” ayon sa press release ng WHO. Wala ring ipinakita ang mga treatment na kapansin-pansin na epekto sa anumang subgroup na tinukoy ng edad o pangangailangan para sa assisted ventilation.

Ang mga paunang natuklasan na ito ay batay sa mga resulta na nakita sa 11,266 mga pasyente mula sa 405 mga ospital sa 30 mga kalahok na bansa, na pinagamit ng isa sa apat na mga treatment option sa pagitan ng Marso 22 at Okt. 4, 2020, ayon sa preprint ng pag-aaral.

Sa kabuuang mga kalahok, 9,120 mga pasyente ay mas mababa sa 70 taong gulang, habang ang 912 iba pa ay naka-ventilate na sa simula ng pag-aaral.

Ang oral drug na Lopinavir, isang licensed medicine para sa paggamot ng human immunodeficiency virus (HIV) infection, ay hindi nakitaan ng anumang tiyak na protective effect sa mga pasyente na sumubok nito.

Ang mga trial para sa Hydroxychloroquine at Lopinavir / Ritonavir ay hindi na ipinagpatuloy noong Hunyo 18 at Hulyo 4, ayon sa pagkakasunod-sunod, sa rekomendasyon ng International Steering Committee ng Solidarity Trial. Nakita sa ebidensya na ang dalawang gamot ay “kaunti o walang nagawang kabawasan sa dami ng namamatay sa mga naospital na pasyente na COVID-19 kung ihahambing sa pamantayan ng pangangalaga.”

Gayunpaman, nilinaw ng WHO na ang rekomendasyong ito ay para lamang sa mga pasyenteng na-ospital na kasali sa Solidarity Trial at “hindi nakakaapekto sa posibleng pagsusuri sa iba pang mga pag-aaral ng Hydroxychloroquine o Lopinavir / Ritonavir sa mga pasyente na hindi na-ospital o bilang pre- o post-exposure prophylaxis para sa COVID-19.”

Sa ngayon, ang mga corticosteroids lamang ang “napatunayan na epektibo” sa paggamot sa mga pasyente na may malubha at kritikal na mga kaso ng COVID-19, ayon sa WHO. Inirekomenda ng organisasyon ang paggamit nito noong Setyembre partikular para sa mga pasyente na nasa ilalim ng pangangasiwa ng isang kwalipikadong manggagamot.

Ang Dexamethasone, isang corticosteroid, ay ginamit bilang bahagi ng paggamot kay United States President Donald Trump, na nagpositibo sa virus noong Okt. 2.

Sa kabila ng mga resultang ito, ang clinical trial para sa Remdesivir ay patuloy, tulad ng inulit ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire sa isang press briefing noong Okt. 26:

They (WHO) would want more information, they would want more data and they would want more accurate findings (Gusto nila (WHO) ang karagdagang impormasyon, gusto nila ng maraming datos at gusto nila ng mas tumpak na mga finding) para sa Remdesivir, para masuportahan ‘yung kanilang initial (pauna) na resulta tungkol sa Remdesivir. So, itutuloy pa rin po natin ang [pag-administer ng] Remdesivir.”

Pinagmulan: Department of Health Official Facebook Page, DOH Beat COVID-19 Media Forum | October 26, 2020, Okt. 26, 2020, panoorin mula 38:30 hanggang 38:52

3. Ano ang ibig sabihin nito para sa treatment ng COVID-19?

Kasunod sa mga unang resulta ng trial, ina-update ng DOH ang mga alituntunin nito upang isama ang mga bagong gamot sa pag-aaral sa listahan ng mga potensyal na COVID-19 therapies.

Sa isang liham sa VERA Files noong Okt. 21, sinabi ni Vergeire:

The Department of Health acknowledges the decision of the World Health Organization to evaluate other treatments that can possibly be used for COVID-19…For this reason, we are dependent on the results and analysis of scientific studies (e.g. Solidarity Trial) that are being conducted.

(Kinikilala ng Department of Health ang desisyon ng World Health Organization na suriin ang iba pang mga treatment na maaaring magamit para sa COVID-19 … Sa kadahilanang ito, umaasa kami sa mga resulta at pagsusuri ng mga siyentipikong pag-aaral (hal. Solidarity Trial) na isinasagawa.)

Ayon sa DOH, ang Interferon ay tinanggal din sa trial dahil sa katibayan na nagpapakitang hindi nito nabawasan ang dami ng namamatay sa mga pasyente na gumamit nito.

Noong Agosto, inirekomenda ng WHO na isama ang Acalabrutinib sa Solidarity Trial.

Ang gamot ay isang aprubadong therapy ng U.S. Food and Drug Administration (FDA) para sa talamak na lymphocytic leukemia, isang uri ng cancer na nagsisimula sa bone marrow at nakakaapekto sa importanteng bahagi ng katawan, tulad ng atay at spleen.

Sa kanyang press briefing noong Okt. 26, sinabi ni Vergeire na ang dosis ng Acalabrutinib ay dumating na sa bansa noong Okt. 24. Sinabi rin niya:

“Tapos ‘yung isa pang susubukan ay ‘yung monoclonal antibody, so ‘yan po ay isasama na dito po sa pag-aaral ng WHO or (o) clinical trial. So we will start with that (Sa gayon sisimulan natin iyan).”

Pinagmulan: Department of Health Official Facebook Page, DOH Beat COVID-19 Media Forum | October 26, 2020, Okt. 26, 2020 panoorin mula 38:13 hanggang 38:28.

Ang monoclonal antibodies ay mga antibodies na ginawa ng laboratoryo na tuma-target ng isang tukoy na virus, tulad ng COVID-19 sa kasong ito, ayon sa mga health expert ng Meedan. Ang antibodies ay mga protina na ginagawa ng immune system na makakatulong sa katawan na labanan ang mga karamdaman at virus.

Nitong Okt. 12, sumali sa clinical trial ang Western Visayas Medical Center sa Iloilo City at Chong Hua Hospital sa Cebu City.

 

Mga Pinagmulan

World Health Organization, “Solidarity” clinical trial for COVID-19 treatments, Accessed Oct. 19, 2020

World Health Organization, A Coordinate Global Research Roadmap: 2019 Novel Coronavirus, March 2020

World Health Organization, Coronavirus disease (COVID-19): Hydroxychloroquine, June 19, 2020

World Health Organization, The Solidarity Trial, April 16, 2020

U.S. National Library of Medicine, Lopinavir and Ritonavir, Accessed Oct. 22, 2020

National Center for Biotechnology Information, The journey of Remdesivir: from Ebola to COVID-19, April 14, 2020

New England Journal of Medicine, A Randomized, Controlled Trial of Ebola Virus Disease Therapeutics, Dec. 12, 2019

Gilead Sciences, Inc., Remdesivir Development Fact Sheet, Accessed Oct. 22, 2020

American College of Rheumatology, Hydroxychloroquine (Plaquenil), Accessed Oct. 22, 2020

Centers for Disease Control and Prevention, Medicines for the Prevention of Malaria While Traveling: Hydroxychloroquine (Plaquenil™), Accessed Oct. 22, 2020

Johns Hopkins Lupus Center, Treating Lupus with Anti-Malarial Drugs, Accessed Oct. 22, 2020

Lupus Foundation of America, Hydroxychloroquine: Benefits, Side Effects, and Dosing, Accessed Oct. 22, 2020

Expert Opinion on Drug Safety, Hydroxychloroquine in systemic lupus erythematosus (SLE), Dec. 14, 2016

Johns Hopkins Lupus Center, How Lupus Affects the Immune System, Accessed Oct. 22, 2020

U.S. National Library of Medicine, Lopinavir and Ritonavir, Accessed Oct. 22, 2020

U.S. Food and Drug Administration, KALETRA (lopinavir and ritonavir) Label, Accessed Oct. 22, 2020

National Cancer Institute, Lopinavir/Ritonavir, Accessed Oct. 22, 2020

U.S. National Library of Medicine, Interferon Beta-1a Intramuscular Injection, Accessed Oct. 22, 2020

University of Rochester Medical Center Health Encyclopedia, Multiple Sclerosis (MS), Accessed Oct. 22, 2020

U.S. National Library of Medicine MedlinePlus Magazine, Multiple sclerosis: What you need to know, July 13, 2018

Multiple Sclerosis Association of America, The Multiple Sclerosis Process and Symptoms, Accessed Oct. 22, 2020

National Institute of Child Health and Human Development, What are the parts of the nervous system?, Jan. 10, 2018

ScienceDirect, Translational Regenerative Medicine: Central Nervous System, 2015

Department of Health, Philippine Solidarity Therapeutics Trial Data as of Oct. 12, 2020, Oct.26, 2020

Department of Health, Single Joint Research Ethics Board Brochure, Accessed Oct. 29, 2020

Department of Health, PH SOLIDARITY TRIAL FOR COVID-19 TREATMENTS RECEIVES GREEN LIGHT FROM ETHICS REVIEW BODY PRESS RELEASE/22 APRIL 2020, April 22, 2020

MedRxiv, Repurposed antiviral drugs for COVID-19 –interim WHO SOLIDARITY trial results, Oct. 15, 2020

World Health Organization, Corticosteroids for COVID-19, Sept. 2, 2020

World Health Organization, WHO updates clinical care guidance with corticosteroid recommendations, Sept. 2, 2020

Centre for Evidence-Based Medicine, Lopinavir/ritonavir: A rapid review of effectiveness in COVID-19, April 14, 2020

U.S. National Library of Medicine, Lopinavir and Ritonavir, Accessed Oct. 22, 2020

ClinicalInfo, Drug Database: Lopinavir/Ritonavir, Accessed Oct. 22, 2020

World Health Organization, WHO discontinues Hydroxychloroquine and Lopinavir/Ritonavir treatment arms for COVID-19, July 4, 2020

World Health Organization, Corticosteroids for COVID-19: Living Guidance, Sept. 2, 2020

World Health Organization, WHO updates clinical care guidance with corticosteroid recommendations, Sept. 2, 2020

World Health Organization, Coronavirus disease (COVID-19): Dexamethasone, June 25, 2020

National Public Radio, Trump Was Treated With Steroids: How These Drugs Are Used For COVID-19 Patients, Oct. 8, 2020

Australia Broadcasting Corporation, Donald Trump is taking dexamethasone as part of COVID-19 treatment, Oct. 5, 2020

Department of Health Official Facebook Page, DOH Beat COVID-19 Media Forum | October 26, 2020, Oct. 26, 2020

World Health Organization, Novel Coronavirus Disease (COVID-19) Situation Update Report No.30, Aug. 24, 2020

U.S. Food and Drug Administration, CDER Breakthrough Therapy Designation Approvals, Dec. 31, 2019

American Cancer Society, What Is Chronic Lymphocytic Leukemia?, Accessed Oct. 26, 2020

University of Rochester Medical Center Health Encyclopedia, Chronic Lymphocytic Leukemia (CLL): Introduction, Accessed Oct. 26, 2020

National Health Service UK, Chronic lymphocytic leukaemia, Accessed Oct. 26, 2020

Illinois Department of Public Health, Leukemia (Blood Cancer), Accessed Oct. 26, 2020

Canadian Cancer Society, Stages of chronic lymphocytic leukemia (CLL), Accessed Oct. 26, 2020

National Organization for Rare Disorders, Chronic Lymphocytic Leukemia, Accessed Oct. 26, 2020

Learn About Covid 19, What do we know about monoclonal antibodies as part of a treatment or vaccine for COVID-19?, Aug. 11, 2020

Global Alliance for Vaccines and Immunisation, What are monoclonal antibodies – and can they treat Covid-19?, Oct. 7, 2020

National Human Genome Research Institute, Antibody, Oct. 26, 2020

Johns Hopkins Medicine, What are antibodies?, Accessed Oct. 26, 2020

 

(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)

Get VERAfied

Receive fresh perspectives and explainers in your inbox every Tuesday and Friday.