Noong Hunyo 25, ibinasura ng regional trial court ang kaso laban kay Ronnel Mas, isang public school titser sa Zambales na inaresto nang walang warrant dahil sa kanyang tweet na nag-aalok ng P50-milyong gantimpala sa sinumang papatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Si Mas ay kabilang sa maraming netizens na pinatawag at ikinulong ng National Bureau of Investigation (NBI) at pulisya sa mga nakaraang buwan dahil sa iba’t ibang mga pagkakasala, tulad ng inciting to sedition, tulad ng sa kaso ni Mas, at cyberlibel.
Ang mga pag-aresto, karamihan ng mga sibilyan na nag-post ng mga kritikal na komento sa social media tungkol sa tugon ng pamahalaan sa coronavirus disease (COVID-19) pandemic, ay nagdulot ng takot sa maaaring pang-aabuso ng mga kapangyarihan sa pagmamatyag kaugnay ng fair comment doctrine.
Bilang tugon sa mga kasong ito, isinulong ni Sen. Leila De Lima, ang nakakulong na matinding kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte, noong unang bahagi ng Hunyo ang Senate Resolution No. 419, na humihiling ng imbestigahan ang NBI dahil sa “posibleng maling paggamit at pag-abuso sa subpoena powers.” Ito ay matapos na ipatawag ng ahensya ang “higit sa isang dosenang” mga indibidwal dahil sa pag-post ng nasabing mga puna.
Bukod kay Mas, isa pang kaso na gumawa ng mga headline ay ang isang netizen na nagsabi sa isang Facebook post na ginastos na lang sana ng gobyerno para sa health care ang P2 bilyong ipinambili ng isang jet para kay Duterte.
Nangyari rin ang mga ito matapos ang pagsasabatas ng Bayanihan to Heal as One Act, na nagbabawal, sa ilalim ni Sec. 6, ng pagkalat ng “maling impormasyon” tungkol sa COVID-19 krisis sa social media o iba pang paraan. Ang probisyon, na hindi tinukoy kung ano ang ibig sabihin ng “maling impormasyon,” ay kinuwestiyon ng mga human rights group dahil sa potensyal ng “maling paggamit” laban sa mga puna online.
Narito ang apat na mga bagay na kailangan mong malaman tungkol sa fair comment doctrine:
1. Ano ang fair comment?
Ang fair comment, na nakapaloob sa 1987 Constitution, ay sumasaklaw sa pagpapahayag ng isang tao ng opinyon tungkol sa “usapin na may kinalaman sa public interest,” sinabi ng human rights lawyer na si Jose Manuel “Chel” Diokno sa VERA Files sa isang panayam sa telepono.
Kasama dito ang mga opinyon na taliwas sa mga patakaran na ipinatupad ng gobyerno, idinagdag ni Diokno, dean ng De La Salle University College of Law.
Bukod sa probisyon sa Konstitusyon na nagpoprotekta sa karapatan ng mga Pilipino sa kalayaan sa pagsasalita at pagpapahayag, sinabi ng abogado na ang prinsipyo ng fair comment ay muli’t muling nabanggit sa pilosopiya ng batas ng bansa.
Sa isang 2017 desisyon sa isang kaso ng libel na isinampa laban sa yumaong kolumnista ng pahayagan na si Ruther Batuigas, sinabi ng Supreme Court (SC):
“To reiterate, fair commentaries on matters of public interest are privileged and constitute a valid defense in an action for libel or slander. The doctrine of fair comment means that while in general every discreditable imputation publicly made is deemed false, because every man is presumed innocent until his guilt is judicially proved, and every false imputation is deemed malicious, nevertheless, when the discreditable imputation is directed against a public person in his public capacity, it is not necessarily actionable…
(Muli nating sabihin, ang fair commentaries sa mga bagay kaugnay ng public interest ay isang pribilehiyo at bumubuo ng wastong depensa sa kasong libel o paninirang-puri. Ang doktrina ng fair comment ay nangangahulugan na habang sa pangkalahatan ang bawat mapanirang pagbibintang na ginawa nang hayagan ay itinuturing na hindi totoo, dahil ang bawat tao ay ipinapalagay na walang kasalanan hanggang hindi napapatunayan sa husgado ang kanyang pagkakasala, at ang bawat maling paratang ay itinuturing na malisyoso, gayunpaman, kapag ang mapanirang pagbibintang ay direktang ibinato sa isang taong kilala ng publiko, sa kanyang pampublikong kakayahan, hindi ito otomatikong dahilan sa pagsasampa ng kaso…)”
Pinagmulan: Supreme Court E-library, GR No. 170341 – MANILA BULLETIN PUBLISHING CORPORATION AND RUTHER BATUIGAS, PETITIONERS, VS. VICTOR A. DOMINGO AND THE PEOPLE OF THE PHILIPPINES, RESPONDENTS, Hulyo 5, 2017
Gayunpaman, idinagdag ng SC na ang mga komento batay sa maling partang o paniniwala ay maaaring magresulta sa ligal na aksyon.
Tulad ng tinukoy sa Revised Penal Code, ang libel ay isang pampubliko at malisyosong na pagpaparatang ng isang krimen, bisyo o kakulangan, bukod sa iba pa, na kadalasang “nakasisirang-puri, pumupula, o nang iinsulto” sa isang tao. (Tingnan ang VERA FILES FACT SHEET: Ano ang malisya sa mga kasong libel?)
2. Kailan maaaring makialam at umaresto ang mga nagpapatupad ng batas ng mga mamamayan dahil sa kanilang mga puna laban sa mga pampublikong opisyal?
Sa mga pagkakataon na ang mga komento, tulad ng sa social media, ng mga pribadong mamamayan na maaaring magresulta sa mga reklamo ng libel o cyberlibel, sinabi ni Diokno na ang mga korte, hindi ang mga nagpapatupad ng batas, ang may karapatang mag-isyu ng warrant of arrest. Sinabi niya na ang pagbibigay ng “desisyon” sa mga nagpapatupad ng batas na umaresto nang walang warrant na inisyu ng korte ay “mapanganib” dahil hindi sila sanay sa mga pagkakasala tulad ng libel.
Ang “awtoridad” ng mga nagpapatupad ng batas na gumawa ng isang pag-aresto na walang warrant ay “limitado,” idinagdag ng abogado. Ayon sa Revised Rules of Criminal Procedure, ang pag aresto ng walang warrant ay pinapayagan lamang sa ilalim ng mga sumusunod na sitwasyon:
Nabanggit ni Diokno na ang mga puna na nai-post sa social media ng mga mamamayan ay hindi nangyayari sa harap ng mga nagpapatupad ng batas. Dagdag pa niya, hindi maaaring manghuli ang pulisya nang walang nagsasampa ng reklamo.
3. Ano ang pumipigil sa fair comments o kalayaan sa pagpapahayag sa bansa?
Ang kalayaan sa pagpapahayag ay hindi ganap, ayon sa Commission on Human Rights at ng United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights. Kabilang sa mga batas ng Pilipinas na naglilimita sa pagsasalita ng isang tao ay ang:
Ngunit sinabi ni Diokno, na sumipi sa Korte Suprema, sinabi ng kalayaan sa pagpapahayag ay “isa sa pinakamahalagang pangunahing karapatan.” Sinabi niya, “hindi natin masasabi na tayo ay nasa isang demokrasya nang walang kalayang magsalita.”
Sa isang desisyon noong 2008 sa petisyon laban sa dalawang mataas na opisyal na nais na hadlangan ang press sa pagpapalaganap ng recording ng kontrobersyal na “Hello, Garci” na na-wiretap na pag-uusap nina dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at noo’y Commission on Elections Commissioner Virgilio Garcillano, binanggit ng SC ang tatlong “pagsubok” ng doktrina na maaaring magamit upang matukoy ang mga pagpigil at limitasyon ng pagsasalita:
-
- ang “dangerous tendency doctrine,” na nagpapahintulot sa mga limitasyon sa pagsasalita kung isang “makatwiran na koneksyon” ay naitatag sa pagitan ng “pinigilang pagsasalita at ang panganib na pinag-isipan;”
- ang “balancing of interests tests” na ginagamit ng mga korte bilang pamantayan kapag binabalanse ang “magkasalungat na pinahahalagahang panlipunan at mga indibidwal na interes;” at,
- ang “clear and present danger rule,” batay sa saligan na ang pagsasalita ay “maaaring mapigilan” dahil mayroong “malaking panganib” na ito ay “malamang na hahantong sa isang kasamaan [na matibay, labis na malubha, at lubhang pamiminto, na] ang gobyerno ay may karapatan na hadlangan.”
4. Maaari bang papanagutin ang mga pampublikong opisyal, lalo na ang pangulo, sa mga nakakasakit na pahayag?
Ang mga pampublikong opisyal, maliban sa mga immune sa demanda sa ilalim ng Konstitusyon, ay maaaring personal na mananagot para sa mga aksyon na nagawa na higit sa mga opisyal na tungkulin o may masamang intensyon, ayon sa SC.
Sa hindi bababa sa dalawang desisyon ng korte, dalawang pampublikong opisyal ang napatunayang nagkasala sa mga krimen na may kaugnayan sa light oral defamation at serious slamder by deed dahil sa kanilang nakakasakit na mga puna at pagkilos sa kanilang mga katrabaho. Ang unang opisyal ay nahatulan ng paninirang-puri matapos niyang akusahan ang isang kapwa manggagawa na tumatanggap ng pera mula sa isang abogado. Sa pangalawang kaso, ang opisyal ay pinagmulta dahil sa pananakal at pasigaw na pagmumura sa isang opisyal na mas mataas na ranggo.
Sa 1973 Constitution, ang pangulo, mga hurado ng Korte Suprema, mga commissioner ng constitutional bodies tulad ng Commission on Elections, Commission on Audit, Civil Service Commission, at iba pang constitutional officials na maaaring alisin sa opisina sa pamamagitan ng impeachment, ay may immunity sa pagsasakdal habang nasa opisina.
Ang presidente ay immune mula sa anumang mga demanda, anuman ang likas na katangian tulad ng mga kriminal na pagkakasala tulad ng libel, sa panahon ng kanyang panunungkulan, batay sa itinatag na pilosopiya ng batas.
Noong Nobyembre 2016, hinamon ni De Lima ang doktrina ng presidential immunity sa pamamagitan ng pagsasampa ng isang petisyon sa SC, na humihiling ng writ of habeas data, “isang hudisyal na lunas para maprotektahan ang karapatan ng isang tao na makontrol ang impormasyon tungkol sa sarili.” Ikinatuwiran ni De Lima na personal na inatake siya ni Duterte sa mga pahayag na nag-uugnay sa kanya sa katiwalian at iligal na droga at nagsasangkot sa isang labag sa batas na relasyon sa kanyang dating driver, bukod sa iba pa. Sinabi niya na ang mga nakakasakit na pahayag ni Duterte ay “labag sa batas o ginawa sa labas ng kanyang opisyal na pamamahala.”
Sinabi ni De Lima, isang kilalang kritiko ni Duterte, na ang mga personal na pag-atake ay nakaugat sa kanyang pagsisiyasat noong 2009 ng vigilante group na tinawag na Davao Death Squad nang siya ay tagapangulo ng Commision on Human Rights at si Duterte ay mayor ng Davao City.
Ngunit ibinasura ng SC ang petisyon ni De Lima nang itinaguyod nito na ang immunity ay “hindi kinikilala kung may kaugnayan ba o wala ang demanda sa isang opisyal na gawa ng Pangulo.”
Bagaman ang presidential immunity ay hindi malinaw na nakasaad sa 1987 Constitution, sinabi ng pari at abogadong si Joaquin Bernas, isa sa mga nagbalangkas ng Charter, na ang aktwal na teksto (sa presidential immunity) noong 1973 Constitution ay tinanggal dahil “tinuturing nating naiintindihan ito sa kasalukuyang pilosopiya ng batas na sa kanyang panunungkulan [,] siya ay immune sa pagsakdal. “
Sinabi ni Justice Marvic Leonen sa kanyang sumasang-ayon na opinyon sa desisyon ng SC na: “Ang mga pahayag na ginawa sa kanyang opisyal na kapasidad ay maaari pa ring maging paksa ng demanda, basta ang tumugon sa kaso ay ang executive secretary, hindi ang pangulo.” Idinagdag niya na ang pangulo ay hindi dapat gamitin ang immunity sa anumang kaso pagkatapos ng “panahon ng kaniyang panunungkulan.”
Si Duterte, bago pa man siya naging pangulo, ay kilalang-kilala sa kanyang mga pahiyaw na pananalita, insulto at pagmumura, at mga sexist na komento laban sa mga kritiko ng kanyang mga patakaran at maging sa kanyang mga tagasuporta. (Tingnan ang A year under Duterte: Curses and insults, YEARENDER: Duterte’s curses and insults)
Kabilang sa mga personalidad na binabato ng mga nakakasakit na pahayag ni Duterte ay sina Diokno, dating Sen. Antonio Trillanes IV, dating United States President Barack Obama at Pope Francis. (Tingnan ang VERA FILES FACT CHECK: In his own words: Respecting women, Duterte-style, VERA FILES FACT SHEET: The LGBTQ in the eyes of President Rodrigo Duterte)
Ang mga senador at kongresista, sa kabilang banda, ay may karapatang na magbigay ng privilege speech sa ilalim ng Sec. 11 o Article VI ng 1987 Constitution na nagsasaad na “hindi sila maaaring makuwestiyon o papanagutin sa anumang pagsasalita o debate sa Kongreso o sa anumang komite nito.”
Mga pinagmulan
Senate of the Philippines, Press Release – De Lima seeks probe into possible abuse of subpoena powers by NBI, June 3, 2020
National Bureau of Investigation, NBI ARRESTS INDIVIDUAL WHO OFFERED P50 MILLION REWARD TO KILL PRESIDENT DUTERTE, May 12, 2020
Netizen questioning government’s purchase of private jet
- Inquirer.net, NBI looking into netizen’s claim gov’t bought P2-B private jet, April 7, 2020
- Philstar.com, NBI summons Facebook user for saying money for P2-B jet better spent on healthcare, April 7, 2020
- GMA News Online, NBI gives netizen summoned for ‘fake news’ more time to explain post, April 7, 2020
Ronel Mas’ warrantless arrest
- Inquirer.net,, Warrantless arrest of teacher who offered reward to kill Duterte invalid but ‘cured’, May 15, 2020
- Philstar.com, Prosecution: Warrantless arrest of teacher ‘defective,’ but confession to media ‘cured’ it, May 15, 2020
- Rappler.com, DOJ okays warrantless arrest of teacher who posted about ‘killing Duterte’, May 15, 2020
Ronel Mas’ case dismissed
- Inquirer.net, Olongapo court junks case vs teacher who offered bounty to kill Duterte, June 25, 2020
- ABS-CBN News Court drops inciting to sedition rap vs teacher over anti-Duterte post, June 25, 2020
- CNN Philippines, Olongapo judge junks inciting to sedition case vs teacher over anti-Duterte tweet, June 25, 2020
Official Gazette, Republic Act No. 11469
Human Rights Watch, Human Rights Watch statement on “#Bayanihan to Heal as One Act” signed by Pres. #Duterte on March 24, March 25, 2020
Karapatan, Unbridled executive powers, anti-fake news provision in emergency powers is Duterte’s ticket for Marcosian repression, March 25, 2020
Phone interview with human rights lawyer Jose Manuel “Chel” Diokno, May 21, 2020
De La Salle University, DLSU College of Law
Supreme Court E-library, GR No. 170341 – MANILA BULLETIN PUBLISHING CORPORATION AND RUTHER BATUIGAS, PETITIONERS, VS. VICTOR A. DOMINGO AND THE PEOPLE OF THE PHILIPPINES, RESPONDENTS, July 5, 2017
Senate Electoral Tribunal, 2000 Rules of Criminal Procedure
Supreme Court E-library, G.R. No. 200370, June 07, 2017
Supreme Court E-library, REPUBLIC ACT NO. 10951
Official Gazette, Implementing Rules and Regulations of Republic Act No. 10175
Official Gazette, Act No. 3815, s. 1930 or the Revised Penal Code
Commission on Human Rights, Statement of the CHR on the proposal to limit the constitutional right to free speech, Jan. 24, 2018
United Nations Office of High Commissioner for Human Rights, ARTICLE 19 Submission on how protecting and promoting human rights contribute to preventing, May 26, 2016
Official Gazette, Chavez v. Gonzales, GR No. 168338, February 15, 2008
Chan Robles Virtual Law Library, GR No. 91391, January 24, 1991
Lawphil, GR No. 91391, January 24, 1991
Supreme Court E-library, G.R. No. 227635, Accessed June 11, 2020
Lawphil.net, GR No. 74135, May 28, 1992
Chan Robles Virtual Law Library, GR No. 74135, May 28, 1992
Supreme Court E-library, G.R. No. 127694, May 31, 2000
Civil Service Commission, RESOLUTION NO. 01-1224
De Lima’s investigation of Davao Death Squad
- Inquirer.net, De Lima ousted as chair of panel, Sept. 20, 2016
- Mindanews, De Lima: CHR will prove there is a Davao Death Squad, April 17, 2009
- Rappler.com, De Lima slams ‘pathetic’ Duterte over P1,000 CHR budget, Sept. 13, 2017
Senate of the Philippines, Term of Office and Privileges, Accessed June 21, 2020
Rappler.com, Amid coronavirus outbreak, Duterte lashes out at Chel Diokno, April 4, 2020
Rappler.com, Don’t become a Judas like Trillanes, Duterte tells gov’t officials, Dec. 7, 2017
Business Insider, Philippine President Duterte slammed President Obama, Sept. 6, 2016
ABS-CBN News, TV Patrol: Duterte, minura pati si Pope Francis sa talumpati, Nov. 30, 2015
(Ginagabayan ng code of principles ng International Fact-Checking Network sa Poynter, ang VERA Files ay sumusubaybay sa mga maling pahayag, flip-flops, nakaliligaw na mga pahayag ng mga pampublikong opisyal at kilalang personalidad, at pinasisinungalingan ang mga ito gamit ang tunay na ebidensya. Alamin ang inisyatibong ito at aming pamamaraan.)